Chapter 35 - InterHigh

472 17 0
                                    




Claire's POV


Sobrang aga kong nagising, hinanda ko na yung mga gamit ko para sa laro. Hindi ko alam kung may laro kami ngayon, ngayon pa kasi nila sasabihin yun schedule namin. Sinundo ako ni Zoe, ang daldal niya habang na sa daan kami papunta sa school. Ganun talaga siya kung kinakabahan, daldal ng daldal.


Pagdating namin sa school dumeretcho na kaming lahat sa gym, gusto ko katabi si Zac pero hiwalay ang basketball at volleyball.


"Ba't ang daming tao dito?" bulong ko ay Zoe. nakaupo na kami sa mga blechers.


"Nandito yung ibang mga school." tugon niya.


Kala pala hindi ako pamilyar sa ibang mga mukha dito.


"Good morning everyone!" sigaw ng MC nag sigawan naman lahat. "I know that you guys have been waiting for this day! And here we are. Are you guys excited!?" tuloy ng MC.


"Yes!" sigaw naming lahat.


"Our first game will be doing it in Sanchez International School. But  before we start the games our LWIS dancer will give us a beautiful dance to start our day!" nagsigawan lahat. Bumaba na ang MC at nagsimula ng tumugtog at lumabas ang mga dancer.


Nung tapos na nagpalakpakan lahat at nagsialisan na para pumunta Sanchez Internation School. Nauna sila Zoe, Sophia, at Mina'ng bumaba na sa likod lang nila ko.


Hinanap ko si Zac pero hindi ko siya nahanap. Nakita ko sila Dom kaya nilapitan ko sila.


"Dom." tawag ko sa kanya, nilingon niya naman agad ako.


"Claire." sabi niya.


"Nasan si Zac?" tanong ko.


"Hindi ko ngarin alam, kanina ko pa siya hindi nakita." tugon niya.


"Si Zac ba hinahanap niyo?" sumingit ang isang ka team nila.


"Yes." sagot ko.


"Nakita ko siya sa labas, kasama si Rhian. I think umalis na sila papunta sa Sanchez." sagot ng lalaki.


What! Sabi ni Zac sabay kaming pupunta dun tapos ngayon iniwan niya ko dahil sa babaeng yun!? Nagtatampo na ko sa kanya!


Umalis na ko dun at hinanap sila Zoe, buti hindi pa sila umaalis. Nakisabay na ko sa kanila, hay badtrip ako!


Hindi ko alam pero nagagalit ako kay Zac! Kahit nga baggitin ko yung pangalan niya ayoko sa kanya!


Nung nakarating na kami dun dumeretcho kami nila Zoe sa bulletin board para tignan ang schedule. May game kami like ngayon na! Waaaaah!


"Hala kailangan na natin maghanda." nataranta si Zoe.


Hinanap namin si coach. Nagtanung tanong kami kung saan ang mga volleyball. 


"Claire, Zoe, Sophia, Mina dito tayo!" sigaw ni coach.


Pumasok kami sa loob ng isang kwarto. Nandun na yung ibang mga ka team namin. Nagpalit na kami, bag kami pumunta sa gym tinignan ko ang phone ko. Wala lang man siyang text!


Pagdating namin sa gym marami ng tao, malaki din yung gym nila. Umupo na kami sa bleachers kung saan ang team namin. Ang lakas ng hiyawan and cheer.


"Okay guys kaya natin to! We practiced so hard for this day so let's do it." bulong samin ni coach. Pinatong patong namin yung mga kamay namin at sumigaw ng 'LWIS' at tinaas ang kamay namin.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon