Chapter 4 - Deal?

695 19 0
                                    




Claire's POV


Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.


"Teka, teka, teka. Tama ba narinig ko? Na bingi ata ako! Naglinis naman ako ng tenga." tuloy tuloy na sabi ko.


"So ano? Deal or No Deal?" nakapamulsa siya ngayon.


Well kung o-oo ako hindi ko na kailangan bayaran ang cellphone niyang nasira ko...pero kung hi-hindi ako wala na kong pera.


"Bakit?" tanong ko.


He raised a brow. "What do you mean?"


"Bakit...gusto mo kong maging fake girlfriend?"


"You don't need to know...if you don't want it then it's fine, I'm expecting your payment tomorrow morning." aalis na sana siya pero pinigilan ko.


"Hindi... papayag na ko." tugon ko.


May kung anong ibang kaluluwang pumasok sa katawan ko na gustong um-oo sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako nag oo sa lalaking to! Ano ba ang pinasok mo Clarissa! Bahala na si Batman, mas mahalaga yung pera ko!


"Pero..." sumingkit ang mga mata niya. "Pwede ba yung hindi sweet na couple tayo?" tuloy ko.


Tinaasan niya ko ng kilay. "Sinong maniniwala na tayo kung hindi tayo sweet!?" galit ba siya?


Oo nga no!?


"Well...let's say....nag away tayo, tapos...bumawi ka sakin." tugon ko.


Ha? Ano bang iniisip ko?


He raised his brow.


"Wala naman kasing maniniwala kung tayo agad. Kaya ligaw muna duh. " I rolled my eyes.


"So are suggesting ligawan muna kita?" tanong niya.


"Well..." tumingala ako para magisip. "Pwede rin tayo na. I think they will believe it because you're babaero right?"


"What!?" sigaw niya, hala galit na siya! Wrong line ata yung sinabi ko.


"Wala, Let's just say LQ tayo, okay na!?"


"Okay." maikling tugon niya.


Nung pumasok kami sa canteen nagbulungan nanaman lahat. Hinatid ako ni Zac sa table ko bago siya umalis at bumalik sa table niya.


"What?" tanong ko kina Zoe, Sophia, at Mina. nakatingin sila sakin na parabang criminal ako.


"What is the meaning of that." mataray na tanong ni Mina.


"Nag-usap lang kami." tugon ko.


"May hindi ka sinasabi samin." ani Zoe.


Bumuntong-hininga ako.


"Okay... me and Zac are dating." dere -deretsong sabi ko.


Nanlaki ang mga mata nila. "What!?" sigaw nilang tatlo.


"Pero LQ kami ngayon." tuloy ko.


"What!?" sigaw nanaman nila.


"T-t-t-teka, paano? Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sakin? Samin?" sunod sunod na tanong ni Zoe.


"Chill, mahina kalaban." tugon ko.


Ano bang sasabihin ko? Should I tell them the truth? Best friend ko naman silang lahat kaya I think okay lang.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon