Chapter 5 - Ex

643 18 0
                                    




Claire's POV


4 days na ang nakalipas, sabado ngayon. Minsan kumakain kami ng lunch sa school kasama sila Zac. Busy din ako dahil yung mga practice namin sa volleyball.


"Good morning ate." bati ni Kath sakin. Nagluluto ako ng agahan ngayon.


"Morning Kath, sakto kakatapos ko lang magluto." nilapag ko ang tocino at eggs sa lamesa.


"Meron ka bang pupuntahan today ate?" tanong ni Kat


"Yeah, may date ako." tugon ko.


"Sayang gusto pa naman kita makasama dahil babalik na ko sa Monday." malungkot na sabi niya. "Pero teka...sinong date mo?" takang tanong niya


Ngumiti ako. "Ikaw." nakangiting tugon ko.


Nanlaki ang mga mata niya at ang laki ng ngiti niya. "Talaga ate!?" tumango ako.


Pagkatapos namin kumain nauna ng nag-ayos si Kath dahil naghugas pa ko. Pagkatapos kong maghugas umakyat na ko para maghanda. I'm wearing white short and a pink tank top na pinatungan ko ng denim jacket.


Pagbaba ko nandun na si Kath nakaupo sa sofa habang nagce-cellphone. She's wearing a denim skirt and yellow t-shirt tucked in. She put her hair in like an Ariana Grande hairstyle.


"Bo-book na ko ng taxi ate." bungad niya sakin nung malapitan ko siya.


BEEP BEEP


"Let's go." yaya ko.


Tiningan niya ko. "Wala pa yung taxi ate." tumayo siya.


"Meron na, yung driver na sa labas." nakangiting tugon ko.


"Really?" naglakad na kami palabas.


"I already booked it yesterday." tugon ko.


Pagkatapos kong i-lock ang pinto naglakad na kami papunta sa gate.


"Kuya!" tumakbo si Kath papunta sa kuya niya.


"Hey, princess." sinalubong ni Michael ng yakap si Kath.


"Your coming?" excited na tanong ni Kath.


Tinalikuran ko sila para i-lock ang gate. "Yes." maikling tugon ni Michael.


Nung nilingon ko sila nagtama ang paningin namin ni Michael, ngunitian ko siya tsaka ko tinignan si Kath.


"Let's go." aya niya.


Dun ako sa shotgun umupo si Kath sa likod. Bago pa ko pagbuksan ni Michael ng pinto inunahan ko na siya kaya yung kapatid niya nalang ang pinagbuksan niya. Pumunta kami sa mall. Nanood ng movie, kumain, nag shopping, tsaka naglaro sa arcade.


"Kuya, basketball tayo." hinila ni Kath ang kapatid at sunundan ko naman sila.


"Dali, kayo ni ate Claire maglaro kayo gaya ng dati." tuloy ni Kath nung na sa harap na kami ng basketball machine.


"Ano Claire, game?" hamon niya.


"Hinahamon mo ba ko?" tinaasan ko siya ng kilay.


Ngumisi siya. "Dating gawa...kung sinong matalo siya manlilibre. Ano game?"


"Game!" pumesto ako sa harap ng machine katabi ni Michael.


"Ihanda mo na ang pera mo." mayabang na sabi niya.


"Huy, gumaling nako. Yabang nito!" asik ko.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon