Chapter 23 - Danger

566 20 0
                                    




Claire's POV


Practice again kaya maaga akong nagising. Kumain lang ako ng bread tsaka ako lumabas sa apartment.


"Kuya?"


Nakasandal si kuya sa sasakyan niya. Nakatingala at pinaikot ikot ang susi ng sasakyan niya sa daliri niya.


"Ang tagal mo!" reklamo niya.


"Sino ba kasi nagsabi sayong sunduin mo ko!?"


"Aba ikaw na nga tong sinundo, ikaw pa tong nagre-reklamo. Sakay!" sumakay na siya.


Tumakbo ako papunta sa shotgun seat. Kinakain ko parin ang bread sa sasakyan, nung nakarating na kami dun ang daming babae.


"Anong meron?" tanong ko.


Nung nag park si kuya nagtakbuhan lahat ng mga babae at pinalibutan ang sasakyan ni kuya.


Tsk! Tsk! Tsk! Maaga silang pumasok para lang makita si kuya!?


Nung bumaba na si kuya nagtilian na ang mga babae. Nung bumaba ako ang sasama ng tingin nila! Tch! Do they think I'm his girlfriend!? Ew!


Naglakad na si kuya, hindi man lang ako hinintay ng lalaking yun! Dahil dun sinundan ng mga babae si kuya at dahil dun nababangga nila ako at natumba!!!!


Punyeta! Humanda ka sakin kuya!


May gasgas na tuloy ang binti ko! Huhuhuhu!


"Get up." nilingon ko si Zac, hawak niya ang dalawang braso ko at tinulungan tumayo.


"T-thanks."


Na sa likod niya sila Keith at Dom.


"Ano naman kaya ginagawa ng lalaking yun dito?" tanong ni Keith.


"Sige alis na ko. Thank you ulit." tinalikuran ko na sila pero umakbay si Keith sakin.


"Sabay na tayo." sabi niya.


Lahat ng babae ay na sa tapat ng office. Nung makita nila yung tatlo nagtilian ulit sila, at masama nanaman ang tingin nila sakin.


PRACTICED

CLASS



Wala nanaman si Ms. G ngayon kaya pwede kaming pumunta sa canteen, library, labas, or mag stay dito sa classroom. Pero syempre walang nag stay, most of them pumunta sa gym yung iba pumunta sa labas. Pumunta kami ni Zoe sa canteen para bumili ng pagkain tsaka lumabas. Umupo kami sa ilalim ng puno at parang nag pi-picnic kami.


"Hay, gusto ko tuloy mag picnic." sabi ni Zoe. nakasandal kami ngayon sa puno.


"Edi after interhigh punta tayo Cebu, dun tayo mag picnic." nakapikit ang mga mata ko at kumakain.


"Hindi ka ba uuwi sa Ilocos?"


"No."


"Talaga'ng pupunta ka sa birthday ng daddy mo?"


"Oo. gusto daw ako maka-usap ni daddy."


"What!? Really? Anong sasabihin niya!?"


"Manghuhula ba ko!?"


"Tss! Pero ano sa tingin mo ang sasabihin niya?"


"Ewan ko. It's either i co-confirm niya sakin na itinakwil niya na ko...or di kaya, pinatawad."


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon