Zac's POV"Ano, okay na ba yung pinagawa ko?" kausap ko ngayon si Keith sa phone. Tinulungan niya ko at si Dom para sa surprise ko kay Claire.
"Oo tol, okay na okay na!" narinig ko silang tumawa ni Dom.
"Alis na kayo!"
Tumawa siya. "Nakaalis na kami kanina pa!"
"Sige bye, te-text ko na si Claire. Salmat mga tol."
"Good luck bro, sana di ka bastedin." ang lakas ng tawa niya.
"Loko!" sigaw ko tsaka binaba yung phone.
Na sa labas ako ngayon ng apartment ni Claire. Tulog na kaya siya? Wala kasing ilaw eh! Nabuhayan ako nung may ilaw sa baba, bumaba ako sa kotse ko at sumandal dun.
To: Claire
Get change. I'm outside
Hindi niya ko nireplayan, nakita kong umilaw yung kwarto niya. Naghintay ako dun ng ilang minuto. Nung bumukas ang pinto hindi ko maalis ang mga mata ko sa magaganda niyang mga mata. Para talaga akong tinatawag ng mga yun.
"Anong ginagawa mo dito?"lumapit siya. "San tayo pupunta?"
She's so beautiful.
"Get in." sabi ko, sinunod niya naman ako.
Napapalingon ako sa kanya habang na sa daan kami. Nakatingin lang siya sa labas. Napangiti ako ang cute niya talaga amp!
Habang na sa elevator kami papunta sa rooftop ang bilis ng tibok ng puso ko. Zac wala ng atrasan to! At hindi ko na kayang itago yung nararamdaman ko. Dapat sabihin rin ng babaeng to na gusto niya ko dahil ang hirap kayang umamin! Kung alam niya lang na maraming beses ko ng gusto aminin sa kanya na gusto ko siya, pero ang raming mga epal eh! Walang perfect timing. Pero ngayon gabi...I will make it perfect.
Nung na sa rooftop na kami umakyat kami sa pinaka tuktok. Ako ang nauna na sa likod ko siya.
Nung na sa taas na kami, nilingon ko siya. Manghang mangha siya, napangiti naman ako. Buti naman nagustuhan niya yung effort ko.
"A-anong meron?" tanong niya. Inilahad ko yung kamay ko sa kanya. Tinignan niya muna yun bago niya kunin.
Ang lambot talaga ng palad niya.
"Let's eat."
Naglakad kami papunta sa blanket, inalalayan ko siyang umupo bago ako umupo. Binuksan ko yung basket na naglalaman ng mga pagkain at nilabas yung mga pagkain dun.
"Surprise ko to para sa babaeng gusto ko..." sabi ko, nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Sa tingin mo magugustuhan niya?" tuloy ko.
Alam kong nagustuhan niya yung surpresa ko. Pero gusto kong manggaling yun sa kanya.
"Yeah...of course she will. Parang nga paradise eh." nakangiting sabi niya tsaka nag-iwas ng tingin.
"So nagustuhan mo?" tanong ko. Tinignan niya ko.
"Yeah, it's beautiful." nakangiting sabi niya.
"I'm glad you liked it." hindi ko nanaman maalis ang mga tingin ko sa kanya.
"A-asan yung babaeng gusto mo?" nag-iwas siya ng tingin
Zac eto na! Eto na talaga.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomantizmMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...