Claire's POVNa sa clinic na kami ni Michael ngayon. Nagpapahinga na ko, nabigyan na ko ng gamot ng nurse.
Bwisit na Zoe na yan! Nagbibiro lang ako tapos tinotohanan niya!
Nakahiga ako ngayon habang si Micahel na ka upo sa kabilang kama.
"Kamusta pala si Kath?" tanong ko. Tinignan niya ko. Naubo nanaman ako.
"She's fine." maikling tugon niya tsaka umiwas ng tingin.
"How about your parents?" nahihiyang tanong ko. Sipon naman ngayon.
"Hiwalay na sila...uuwi ako sa Laguna sa sabado para i-check si Kath." sagot niya, hindi niya ko tinignan.
Tumayo ako at umupo sa kama. "Can I come?" nahihiyang tanong ko ulit.
I really wanted to see Kath, at para din makamusta ang mommy niya.
Nagulat naman na napalingon si Michael sakin.
"Hindi ba magagalit boyfriend mo?" tanong niya.
Natawa naman ako. "Wala na kami, break na kami." tugon ko.
"B-bakit?" tanong niya
"Hindi ko alam na nagiging chismoso ka na pala ngayon." biro ko.
Ngumisi siya. Hindi niya ko sinagot.
Nung nag bell ihahatid daw ako ni Michael sa classroom. Hinawakan niya ang bewang ko at yung isa sa kamay, para alalayan.
"Kaya ko naman maglakad." sabi ko.
Ngumisi siya. "Baka matumba ka nanaman." tugon niya.
Nung pa-akyat na kami ng hagdan nasalubong namin sila Zac kasama nila si Rhian. huminto kami sa pag-akyat pati din sila. Tinignan ko si Zac, na sa kamay ni Michael na na sa bewang ko ang paningin niya.
"Claire...how are you?" tanong ni Keith.
"Okay lang ako." nakangiting sagot ko. Tsaka ako bumahing. "Sorry." aniko
"Ah una na kayo." sabi niya.
"Thank you." tugon ko.
Nilingon ko si Zac bago umakyat at nagtama ang paningin namin.
DISCUSSED
DISCUSSED
DISMISSED
PRACTISED
Pagkatapos ng practiced, ihahatid daw ako ni Zoe. habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni Zoe nasalubong namin sila Zac. nanaman!
Bakit ba palaking nag cro-cross ang landas namin!?
Buti nalang hindi nila kasama ang babae.
Nakasandal si Zac sa harap ng sasakyan niya. Si Keith at Dom nakaupo sa bench.
"Hi guys!" bati ni Zoe sa kanila
"Uy! Baby Zoe." biro ni Keith
"I hate you!" inis na sabi ni Zoe, tumawa naman si Keith.
"Gusto niyo?" inalok ni Keith ang box ng donut samin.
"Uy salamat!" sabi ni Zoe, tsaka kumuha.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...