Chapter 21 - I like you

527 26 3
                                    




Claire's POV


KINABUKASAN


Himala at maaga akong nagising ngayon na walang alarm. Pagbaba ko, mag ti-timpla sana ako ng kape pero wala na ubos na. Syaks na kalimutan kong mag grocery.


"Ay palaka!" sigaw ko muntik na kong nahulog sa sahig.


Padabog akong naglakad sa pinto nung ang lakas ng mga katok.


"Kuya!? Ang aga aga nag ba-batrip ka!"


Ang lakas at mabilis ang pagkatok niya kanina sa pintuan.


"Good morning din." bati niya


Wow hindi ko pa siya pinatuloy pumasok na siya agad!


Sinara ko na ang pinto at umupo sa dining table.


"Wala kang pagkain!?" kumunot ang noo niya. Binuksan niya ang ref at tubig lang ang mahahanap mo dun.


"Nakalimutan kong mag grocery." sagot ko.


Sinara niya ang ref at nilingon ako.


"Umakyat ka. Magbihis ka, bibigyan lang kita ng 10 minutes." umupo siya sa harap ko at nilabas ang phone ko.


"San tayo pupunta!?"


Pinakita niya ang phone niya na may timer ng 10 mins, ngayon 9 na. "Time is running Claire."


"Aisssshhh!" tumakbo ako paakyat at binilisan kong nagbihis. Buti nalang nagsipilyo na ko kanina at naligo na ko kagabi.


Nagpantalon ako at white shirt. I put my hair in a high ponytail.


"Claire!" sigaw niya.


"Oo na, eto na!" tumakbo ako pababa. Na sa tapat na siya ng pinto at masama niya kong tinignan.


"You're one minute late!"


"One minute lang naman kuya!"


"Give me 10 jumping jacks." utos niya.


"What!?" reklamo ko.


"15!"


Aisssshhh kung hindi lang kita kuya binatukan na kita kanina eh!


"Ano okay na!?" kakatapos kong mag jumping jacks.


"Good dog." tumawa siya. Tsaka niya binuksan ang pinto at lumabas


"Bwisit." bulong ko.


Nilingon niya ko. "May sinasabi ka!?"


Ang lakas talaga ng pandinig tong utol ko! Baka hanggang sa kabilang kanto rinig niya padin.


"Sabi ko gwapo mo." ni-lock ko ang pinto.


"Tss! I know right."


Uto uto pero gwapo naman siya.


Pumunta kami sa grocery store.


"Ikaw magtulak ng cart." utos niya tsaka siya pumasok.


Bwisit! Ang bait at gentlemen talaga ng kuya ko!


Bumili kami ng fruits, kape, chichirya, gulay, karne, at kung ano ano pa. Si kuya bumili ng mga wine amp!


Habang nagtitingin ako ng wine nabangga ang cart ko sa ibang cart.


"I'm sorry--" natigilan ako na si Rhian pala ang nakabangga ko ng cart.


𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon