Claire's POVTatlong araw na ang nakalipas. Sabado ngayon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ano kayang pwedeng gawin dito sa apartment? Maglinis? Mag-aral? Manood? Mag-aral ng bagong lulutuin ko? Matulog?
Hay! Busy kasi si Zac eh. May kailangan daw siyang gawin sa office nila. Grabe, hindi pa kami graduate pero may trabaho na siya sa opisina nila. Ako kaya? Impossible! Baka bibigyan lang ako ni Dad ng posisyon sa office kung kasing talino ko si kuya at ate.
Sabi noon ni dad ako lang ang maasahan niya dahil tumanggi sila kuya at ate na mag take over sa company namin. Iba kasi ang gusto ni ate at ni kuya, pati ako pero since yung kapalit na dad na maging architect ako. I have no choice!
Tanghali na ko nagising kaya pagkatapos kong kumain ng tanghalian umakyat ulit ako para mahiga sa kama ko. Wala naman akong gagawin ngayon kaya beauty rest muna, hahahaha.
Kakahiga ko palang may tumawag na sakin! Aissssh!
Tumayo ako at umupo sa kama. Kinuha ko yung phone ko sa side table.
Incoming call - Kuya
"Hello?" sagot ko.
["oh! Kamusta ka?"]
"Eto boring sa apartment. Busy ka ba kuya?"
["hindi naman, bakit?"]
"Nasan ka?"
["office"] sagot niya. May sariling office kasi si kuya, at siya yung CEO.
"Pwede ba kong tumambay diyan?"
["hindi pwede."]
"Bakit?"
["busy ako."]
"Kakasabi mo lang na hindi eh!"
["naging busy agad ako."]
"Aisssh! Ay bakit ka pala na patawag?" pag-iiba ko.
["to asked what's your plan on your birthday."]
"Pupunta daw kami nila Zoe sa Tagaytay. Tapos...hindi ko na alam."
["kayo lang ba nila Zoe?"]
"A-h...kasama sila Zac kuya."
Bumuntong-hininga siya. ["wag kayong gagawa ng kalokohan Claire."] istriktong sabi niya.
"Oo kuya, hindi talaga!"
["boss naghihintay na sila sa conference room."] rinig kong sabi ng isang lalaki. Sino kaya yun?
["Claire I have to go, I'll just call you on your birthday."]
"K kuya ingat."
END CALL
Back to boring again! Sino kayang pwedeng kulitin? Si Zoe? Sophia? Mina? Isaac kaya!? Hindi, baka busy yun. Si Dom kaya, ayoko nakakatakot yun. Ah si Keith nalang. Hinanap ko agad ang name ni Keith sa contacts ko.
["Oh lodi, bakit?"] bungad niya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko
[" papunta sa mall, walang magawa sa bahay eh."]
"Pwede ba kong sumama? Wala kasing magawa dito sa apartment ko eh."
["okay, sunduin nalang kita."]
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...