Keith's POVWhat's up everyone! Ako nga pala si Nixon Keith Eden, ang pinaka gwapo sa balat ng mundo!
Sabay na kami ni Dom pumunta sa school, may sarili siyang dalang sasakyan. Wala akong date ngayon pati naman si Dom. Bwahahaha. Yun kasing Zoe na yun ang arte arte, tanggihan pa naman ang isang Nixon Keith Eden amp!
Kung iniisip niyong may gusto ako kay Zoe pwes nagkakamali kayo. Gusto ko lang talaga siyang inaasar dahil nakakawa ang itsura niya. May gusto na kong iba si Mina, alam kong may gusto siya sakin pero ako kasi torpe hindi ko masabi sa kanyang gusto ko rin siya.
Sana kung hindi ako torpe niyaya ko na siya pero wala eh. Yayayain ko nalang siya mamaya kung makahanap ako ng perfect timing.
Pagdating namin dun sa school nagtilian ang mga babae nung makita kami ni Dom. nginingitian ko sila at kinikindatan si Dom naman walang pakialam.
Umupo agad kami ni Dom nung makapasok kami sa loob, pero syempre pinalibutan nanaman kami ng mga babae.
"Keith be my date!" sigaw nila.
"Keith ang gwapo mo!"
"Be my date Keith!"
Nginitian ko lang sila. "Umalis nga kayo!" sigaw ni Dom.
Nalungkot tuloy yung mga fans ko dahil sa lalaking katabi ko!
"Ba't mo yun ginawa?"
"Eh ang init init eh!"
"Tss!
"Asan na ba si Zac?"
"Wow ayaw mo talaga akong kasama tol, grabe ka ha!"
"Tss!"
"Oh ayan na pala sila eh."
Nakita ko si Zac at Rhian sa entrance. Wow ang ganda ni Rhian, ang ganda ng suot niya'ng gown.
"Bro." bati namin ni Zac tsaka fist bump.
"Hi guys." bati ni Rhian samin.
"Hi Rhian ang ganda mo." sabi ko. Nginitian niya ko.
"Thank you Keith."
Umupo si Rhian sa tabi ni Dom katabi niya naman si Zac.
"Baby Dom!" nangibabaw ang isang boses ng babae.
"Oh ayan na ang baby mo Dom." asar ko kay Dom.
"Shut up!"
"Hi Lora ganda mo ngayon." sabi ko.
Tinapik niya ang balikat ko. "Ano ba Keith, ngayon mo lang napansin?" nagpabebe pa siya.
"A-ah...hahaha." grrr ang arte talaga ng babaeng to!
"Ah hi Dom." sabi ni Lora. Natawa ako dahil tinanguhan lang siya ni Dom. Tsk! Tsk! Tsk! Hay naku Dom.
Umupo si Lora sa gitna namin ni Dom, natatawa ako dahil kinukulit niya si Dom.
Paglingon ko sa entrance parang may sparkle sa paligid. Ang ganda ni Mina. she look like a princess. She's wearing a red off-shoulder dress, straight yung buhok niya na nakalagay sa likod ng tenga niya. Kasama niya si Sophia, light pink ang dress niya. Hindi ko na siya tinignan dahil hindi maalis ang paningin ko kay Mina.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘩𝘦 𝘖𝘯𝘦 𝘛𝘩𝘢𝘵 𝘎𝘰𝘵 𝘈𝘸𝘢𝘺 𝘉𝘰𝘰𝘬 1 [COMPLETE]
RomanceMahal ko siya. Sobrang mahal ko siya, pero ako naman si tanga pinakawalan ko pa. He will always be my TOTGA. The one that got away ko. Author's Note: This is my first book, kaya hindi pa po ako ganun kagaling. *Cover is not mine. Credits to the rig...