It's monday. May pasok na ulit, nasa tricycle na kami ngayon nila Den, papuntang school, fifth month na to ng school year. Pero nang makarating kami sa school, walang sumalubong na Jameson sakin, walang kumuha ng bag ko, at wala yung Jameson na kasabay ko sa pagpasok.
Hinayaan ko nalang, dumeretso ako sa locker room, nang buksan ko ang locker ko, may three small envelopes na naman ang nalaglag. Sa unang envelope, may picture namin ni Brace na tumatawa habang nakapila sa counter ng isang stall ng mga sapatos. 'you two look so sweet' -a message was written at the back of the pucture.
The second envelope was also a picture of Brace and I, eating my ice cream, and the third envelope was me and Jameson, ito yung nagkita kami sa mall habang kumain kami ni Brace ng ice cream. 'wow naman, dala-dalawa.' the message said. Dahil sa mga natatanggap ko, napapadalas na yung pagdaan ko sa locker room para lang tingnan yung mga pictures na pinapadala sakin.
I went back on our classroom, nandoon naman na si Jameson, nagtatawanan sila kasama sila Axel at Darren, gusto ko sanang tanungin kung bakit hindi niya ako sinalubong kanina, kala ko naman kasi since nung saturday, magtutuloy-tuloy na yung 'buhat-bag' na pakana niya, di pala. Di nalang ako nagsalita, isipin pa niya nagdedemmand ako. Okay naman kami nito kahapon ah ? Nagchat pa nga kami.
Dumiretso ako sa upuan ko at sinadya ko talagang dumaan sa row ng upuan niya para mapansin niya ko, pero waepek. Para akong hangin na dumaan sa pagmumukha niya, edi wag siya mamansin, pake ko.
Kinuha ko nalang yung libro at notes ko para irefresh yung nireview ko kahapon, first subject yung quiz e, wala pa naman yung teacher. "tara tanungan" pangangalabit ni Den. "kayo nalang, mas gusto ko magreview mag-isa" "okay." tapos na ako magreview pero wala parin yung teacher namin. Kumuha nalang ako ng papel, saka ako nagsulat ng kung ano ano doon.
Nakakapikon padin talaga, parang sira, siya tong magsasabi ng 'wag sana lumayo loob mo sakin' nyenyenye, pero siya naman tong hindi namamansin pagtapos niyang umamin sakin, ano na ? Parang may saltik, dameng dama tas siya tong aarte sakin ng ganyan ? Arte mo boi !!! Gigil mo ko !!! Ggrrrrrr !!!
"huy ! Tawag ka na, butas na yang papel mo" inalog na ako ni Den, nakatingin na sakin lahat ng mga kaklase ko, "Ms. Chavez, is there any problem ? Bakit mukhang gigil na gigil ka diyan sa papel mo ? Ano 'yan ?" nakatitig ako sa teacher namin, saka ko binalik sa papel ko yung tingin ko, 'Jameson Ggrrrrrrr'
'anak ng... SINULAT KO YAN ?'
Biglang may humablot ng papel ko saka inabot sa teacher namin. NAPAKAPAEPAL. "Ms. Chavez can you explain to me, kung ano ang ibig sabihin nito ?" saka niya hinarap sakin yung papel ko. Napatingin ako kay Jameson na seryoso lang na nakatingin sa papel ko habang nakayuko ng onti at kunot ang noo. "kanina pa nagsimula ang quiz naten !! Number seven !!" crinumple ni Ms. Joan ang papel ko. Lutang ako buong quiz ?
Sayang yung review at pagre-refresh ko kanina, nakakainis na, kinakain na ni Jameson yung sistema ko, paimportante siya masyado, ayaw niya ko kausapin ? De wag, pake ko naman.
"hoy babae kanina ka pa lutang, lunch time na !!! Pati ba naman dito, yung utak mo nalipad paden ?!" -Den "ano nga palang meron doon sa 'Jameson Ggrrrrrrr' masterpiece mo ?" -Szen "tss, daming dama" bulong ko. "may LQ yata sila" dinig kong bulong ni Szen.
Di ko na naubos yung pagkain ko, naubusan na lang din ako ng oras sa kakaisip ng mga walang kwentang bagay. Hindi rin sumabay si Jameson sa amin kanina. Nasa classroom na kami ngayon, waiting for our next subject teacher na naman, di ko na inabala ang sarili ko sa ibang bagay dahil baka lumutang na naman utak ko.
Pasimple kong ginawi ang paningin ko kay Jameson. Meron siyang sinusulat ? O dino-drawing sa papel niya. Pumangalumbaba ako habang nakatitig ako sakanya at iniwasang mag-isip ng malalim, nang bigla siyang lumingon sakin, inalis ko ang titig sakanya, nadulas pa yung siko ko kaya gumawa yun ng ingay. "hoy ayos ka lang ba ? Lutang ka na naman sis" -Den.
![](https://img.wattpad.com/cover/235374727-288-k733350.jpg)
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...