CHAPTER 23

11 2 0
                                    

It's already 1:00AM and yet I can't sleep. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kanina sa kotse ni Jameson. We kissed !!! E ano naman ? Kami naman na ah ? Siya yung first kiss ko, pero hindi ito yung unang beses.

ACCIDENT KISS YUNG UNA !!!

Gano'n pala ang feeling no'n ? Dahil hindi ako makatulog, kinuha ko yung cellphone para ichat si Jameson.

To: Loveee
Hindi ako makatulog.

Nagreply naman siya kaagad pagkasend ng message ko.

Fr: Loveee
Pikit mo mata mo

To: Loveee
Magtatatlong oras na akong nakapikit, hindi ako makatulog.

Dati naman pagchinat ko siya ng gan'tong oras, tatawagan niya agad ako para kantahan or kausapin hanggang sa antukin ako. At dahil hindi siya tumawag, ako nalang ang gumawa no'n. Nakailang ring muna bago niya sagutin, anong problema nito ?

Sinagot niya nga yung tawag pero wala namang nagsalita ni isa sa'min. Nakakabingi yung katahimikan, kaya ako na yung nagsalita. "ba't ang tahimik-tahimik mo ?" tanong ko sakan'ya.

[wala, tahimik ba ?] "naiingayan ka n'yan ?" he chuckled. "hindi ako makatulog, hindi naman ako nagkape kanina." [hindi rin ako makatulog] he replied. "iniisip mo siguro ako" [ikaw din, siguro iniisip mo rin ako] banat niya.

"inaantok na ako, thank you sa time ah ?" [you're always welcome. Goodnight, I love you] "I love you too !!!" I ended the call after that. Nakatulog na din naman ako kaagad.

Next week, anniversary nila mama, ang dami nilang hinanda na pagkain, dinaig pa yung may birthday.

May Pansit, Puto, Lumpia'ng Shanghai, at iba pang common na nasa handaan. Sinabihan nila ako na mag-imbita daw ako ng mga kaibigan ko, at sa lahat ng inimbita ko, si Brace at Jameson lang ang pumunta, pare-parehong busy sila Szen, Den, Axel, at Darren.

Bumili si ate ng cake na para kanila mama, mayroong "HAPPY 18TH ANNIVERSARY" na nakalagay sa cake na yun. Pati si ate may mga inimbita di'ng kaibigan na tiga-rito rin sa'min.

Kumakain na ang lahat ngayon, kakatapos lang ng picture taking nila mama, katabi ko sa Brace sa kaliwa ko, at si Jameson naman sa kanan. Nasa harapan namin sina mama at papa na nagpapahiran ng icing sa mukha, ang cute nila tingnan. "ang sweet nila no ?" bulong sa'kin ni Brace. "inggit ka ? Wala kasi dito si Szen eh." bulong ko pabalik, inirapan niya naman ako kaya tinawanan ko siya.

Biglang bumuntong hininga ng malakas si Jameson sa tabi ko. "may hika ka ba ?" tanong ko sakan'ya, nang-aasar. Tiningnan niya lang ako. Maya-maya ay bumulong na naman sa'kin si Brace. "kuha mo 'ko ng cake, nakakahiya kumuha eh." tinawanan ko siya saka ko kinuha ang pinggan niya para lagyan ng cake. Nang pabalik na ako sa puwesto ko, nakatingin na ng masama si Jameson kay Brace, si Brace naman nagtataka ang mukha.

"ito na cake mo, oh" "salamat" saka niya ko kinindatan, nginiwian ko naman siya. "uwi na kaya ako ? Nakakaistorbo yata ako sa inyo e" Jameson said, in a cold voice. "pinagseselosan ako ng boyfriend mo" bulong sa'kin ni Brace, kaya natawa ako, kaso biglang tumayo si Jameson. "sa'n ka pupunta ?" "uuwi." "ang aga pa kaya, dito ka muna." wala siyang nagawa kun'di bumalik sa inuupuan niya.

"laro tayo" pag-aya sa'kin ni Jameson. "anong laro ?" "ML." "'di ako marunong no'n" "tuturuan kita" kinuha niya ang cellphone niya saka niya 'yon inabot sa'kin. "pa'no 'to ? Anong pipindutin ?" tinuro niya sa'kin lahat, pero kinakalabit ako ni Brace, ang kulit !

"bakit ? Ano nanaman kelangan mo ?" "pagbalot mo 'ko ng Shanghai, sige na, please ?" he pouted, "apakatakaw. Wait lang ah ?" pagpapaalam ko kay Jameson.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon