Sinundo ako ni Liam sa bahay namin. Magkakasama kami ngayon because we're out for a friendly dinner. Inaya niya ako nito dahil wala daw siyang something na naibigay nung birthday ko, kaya naman siya ang sasagot sa bayarin sa lahat ng gusto kong pagkain.
"for you..." I'm shocked of what he just gave to me. It's a bouquet of Yellow roses. Ang ganda ! Yellow is my favorite color, while rose is my favorite flower. "para sa'n naman 'to ?" I asked him. "para sa'kin siguro ?" "sira." "para sa'yo, of course." kinuha ko 'yon mula sa mga kamay niya. "thank you..." I hugged him after that, and of course, he hugged me back. "belated happy birthday..."
"Tara na sa loob." then he put his hands around my arms as we walked into the restaurant. I don't know, but I felt something strange when he did that thing.
"Good Evening Mr. Evans, this way po" we let the staff to lead the way to our table. At ako ang pinapili ni Liam sa kung ano ang oorderin. Kahit ano daw gusto ko, siya na daw bahala. Pero kahit close kami, di naman gano'n kakapal ang mukha ko, hindi ako kumuha ng mamahalin at gano'n kadaming pagkain.
"ayan na yung order mo ? Dagdagan mo pa, ako naman ang gagastos 'wag ka magtipid." he said. "jusko ka, ako nga hindi man lang gumastos nung para sa birthday gift ko sa'yo, sobra-sobra na nga 'tong regalo mo eh." he just laughed. "asking a girl bestfriend for a friendly dinner date is not enough. Yung iba nga nireregaluhan pa ng mga mamahaling ala-" agad ko siyang pinutol sa sasabihin niya.
"well, kung iyan ang pananaw mo, sa'kin hindi. Small effort is enough for me. Hindi mo kailangang gumastos ng napakalaki para lang sa birthday gift. Yung pagiging present mo palang sa birth day ko, okay na e." I explained. "sa lahat yata ng babae na nakilala ko, ikaw lang yung walang arte sa lahat." I smiled at him. "hindi naman importante kung gaano kamahal yung ibibigay mo sa tao. Nasa tatanggap yun kung iva-value niya. Kahit na napakamahal pa ng ibigay mo sa kan'ya, kung hindi rin naman siya marunong magpahalaga," I shrugged.
"edi wala din"
-"edi wala din"We laughed because of the same thought we had. Pagkatapos no'n ay saktong dumating ang order namin. Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumawa. "problema mo ?" I asked him. Pinunasan ko na pareho ang magkabilang dulo ng labi ko pero hindi pa rin siya humihinto sa pagtawa. "ano ba ?" onti nalang mapupuno na 'ko sa kan'ya.
"ang dungis mo padin" kumuha siya ng tissue saka niya pinunasan ang pisngi ko. Kinuha niya rin ang kamay ko na nadungisan. Hindi ko ulit alam, pero at that moment hindi pumasok si Jameson sa sistema ko. Si Liam na yung nakikita ko na nasa harap ko, hindi ko na naiisip na baka may pag-asa pa na maibalik ang nakaraan naming dalawa.
Hindi ko na nakikita si Jameson bilang lalaki na gagawa sa'kin ng mga gano'ng klaseng bagay. Those sweet memories of ours, are now just a part of of happy memories in the past. At tanggap ko nang hindi na mangyayari ulit 'yon na siya ulit ang kasama ko. Hindi ko alam kung masyado akong mabilis, pero nararamdaman ko na...
I'm already happy and contented without him.
-----
We are now on the last year of college. Malapit na ulit ang finals, kaya naman tutok kami pareho ni Liam sa mga dapat na tutukan. Pareho kaming kinakabahan, dahil pagkatapos ng finals na 'to ay sabay na naming matutuklas ang totoong "buhay".
More responsibilities to come. Kasi sunod no'n, maghahanap na kami ng pagkakakitaan, in short, trabaho. May mas malaking obligasyon na kaming kailangang gampanan. Kailangan na namin tumulong sa pagbabayad ng gastusin.
We're still friends. Walang nagbago doon. Maybe, mas nakilala lang namin ang bawat isa, nakita na rin namin kung ano nga ba ang bad sides na meron kaming dalawa. And we're fine about that. Natagalan naman namin pareho.
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Fiksi RemajaChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...