CHAPTER 20

7 3 0
                                    

After kumain, hinihintay nalang ng iba ang hudyat na pwede na nilang isayaw ang kahit na sinong gusto nila, fav part 'to ng lahat e, lalo na nung mga magjowa, pati narin ako, kaso nawalan ako ng gana, paepal kasi.

Maya-maya ay tumugtog ang Perfect ni Ed Sheeran, tumayo na ang karamihan para isayaw yung mga gusto nilang isayaw. May kamay na nakaabang sa harapan ko, nakita ko doon si Iane. "May I ?" inabot ko nalang ang kamay niya saka kami naglakad papunta sa gitna.

'Baby I'm, dancing in the dark, with you between my arms.
Barefoot on the grass, listening to our favorite song.
When you said you look a mess, I whispered underneath my breath.
You heard it, darling you look perfect tonight.' ♪♪

"you looked so perfect tonight, Chandria." Iane said, nang umikot ako sakanya, nakita ko din sila Jameson na patayo, kasama na naman si Xyra, hindi ko nalang sila pinansin. Umikot ako kay Iane, saka ko inextend ang kamay ko paharap, nakaabang na doon si Jameson para kunin ako kay Iane.

Nabigla ako sa nangyari kaya napahawak ako sa dibdib niya, hindi niya naman ako hinila o kung anuman, pero hindi ko naman inexpect na sasalubungin niya ako.

'we are still kids but we're so inlove, fighting against all odds.
I know we'll be alright, this time.
Darling just hold my hand, be my girl, I'll be your man.
I see my future in your eyes.' ♪♪

"love, look at me." Jameson said, calmly. Hindi parin ako tumingin, hanggang sa hinawakan niya ang baba ko at dahan-dahan iyong inangat para magpantay ang mga mata namin.

"I'm sorry, kung anuman yung nagawa ko, ayaw ko ng gan'to tayo, please ?" "tss, magsosorry ka tapos hindi mo pala alam kung ano yung nagawa mo." sagot ko. "are you jealous with Xyra ?" biglang tanong niya, napatingala agad ako sakanya.

"ba't ako magseselos ? Tayo ba ?" "wala, pero ikaw yung nililigawan ko, may karapatan kang magselos, pero lagi mong tatandaan na ikaw yung mahal ko, okay ? Sabihin mo lang sa'kin, lalayuan ko." then he kissed my forehead, palihim akong napangiti dahil sa kilig. Kainis naman 'to.

Nang matapos na ang Prom night, si Jameson na ang naghatid sa'min nila ate at mama pauwi, hindi nakapunta si papa dahil may trabaho pa, sayang. Si Iane naman ang naghatid sa Jollibee na 'yon, kaibigan niya naman e.

"pahinga ka na, matulog na, wag nang magpuyat, okay ?" bilin ni Jameson. "yes, doc." "magpipiloto ako, hindi doctor. Tss." "sorry, Captain Cortes, good night" I joked. "pumasok ka na nga, hahaha. I love you" I just gave him a flying kiss. Umakto pa siyang sinalo iyon, ang corny hahaha. Pumasok na din ako ng bahay pagkatapos no'n.

Midnight na nang maka-uwi kami kaya mga mag-aalas dos na ako nakatulog, nagtanggal pa ng make-up, naghalf bath, nagbihis, at nag-ayos ng mga gamit.

Fourt quarter na, nalalapit na din ang final exams para sa final quarter, nakakakaba, as in. Malalagpasan ko pa kaya yung top 2 ko ? Pero kung hindi, okay lang, ang importante, makasama ako sa honorees.

And our finals week has come. Todo review ako, hindi kami gaanong nakakapag-usap ni Jameson, oo todo aral ako, pero chinachat ko padin yun, kaso laging late reply, e finals naman kaya inintindi ko nalang.

Papunta na kami ngayon ng cafeteria para sa lunch, nakita ko na sila Axel at Darren kasama sa table namin, kasama ko sina Den ngayon habang naglalakad, nakita ko si Jameson na kasama na naman si Xyra sa ibang table. Nung nakaraan sila din yung magkasama e, hindi na nakakasama sa'min si Jameson.

Ayun yung tinitingnan nila Axel, kaya pala hindi kami napansin, nagbubulungan pa silang dalawa, mukhang seryoso ang usapan. "hoy anong pinag-uusapan niyo diyan ?" biglang tanong ni Den kanila Axel. Napatingin silang dalawa sa akin, "a-ah, Drea, p-pinapasabi n-ni Jameson..." "na ?" antagal niyang dugtungan. "h-hindi daw m-muna s-siya m-makakasabay-" "mapapadalas daw yung hindi pagsabay ni Jameson sa'tin tuwing lunch, kaya kumain na tayo."

Si Darren na ang nagtuloy ng sinasabi ni Axel, kulang nalang kasi mangatog siya sa kaba. Umiling-iling si Darren pagkatapos ng sinabi niya na 'yon, si Axel naman, nag-aalala ang tingin sa'kin, I just gave him a small smile. Hindi ko naubos ang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana. Nauna na akong bumalik ng classroom, nadaanan ko ang table nila Jameson, tinawag niya ako, pero nilagpasan ko lang siya.

Ipinatong ko ang ulo ko sa braso kong nakapatong din sa armchair ko. Naging busy lang ako saglit dahil finals na, tapos parang mas napapalapit pa siya lalo sa iba. Naging busy din naman siya these past few days pero hindi ako naghanap ng iba na may oras para sa'kin no.

Ang gulo-gulo na, hindi naman gan'to si Jameson noon, ba't parang nagbabago na siya ? Agad-agad ? May pagkukulang ba 'ko para hanapin niya 'yon sa iba ? Ako na nga laging tumatawag sakan'ya dahil lagi siyang busy e.  Tapos gan'to pa mangyayari ? Bigla nalang siyang hindi sasama samin every lunch time tapos yung Xyra na 'yon yung kasabay niya ?

Akala ko ba nangako siya sa kanila mama na hinding hindi niya ako sasaktan ? E ano 'to ? Trailer pa lang ? Wala pa ba yung pinakamasakit ?

Tinanggal ko si Jameson sa sistema ko at mas tinutukan ko ang pag-aaral ko, ni-mute ko siya sa messenger para hindi ako manotif kung may message man siya.

Ngayon idi-distribute ang mga test papers namin, nakuha ko na yung mga test papers ko sa major subjects, almost perfect yung iba, at perfect naman yung iba !!! Naeexcite akong ibalita 'yon kanila papa, ngayon naman sa minors, almost perfect din lahat, wala akong bagsak !!!

"may I call on stage, Ms. Chandria Kylie Chavez, for a Valedictorian speech, from Grade 10 -A. Ladies and gentlemen, give her a round of applause." tumayo ako sa kinauupuan ko, at dumiretso ako sa stage, pumapalakpak halos lahat ng nandito, tumingin ako kanila mama, papa, ate, at mga kaibigan ko. Grabe, moving-up palang 'to, pano pa pag Graduation na sa college ?

"Good morning everyone, to start my speech, I want to thank our teachers, who tirelessly teach us to learn, my parents and relatives, who tirelessly support me, to my friends who are always there during difficult times I have struggled with whatever I went through in this highschool life, and  as well as one of my inspirations," I looked at Jameson, and gave him a smile, okay na kami ngayon.

'di ko din alam kung pa'nong nagiging okay kami agad e. Dinadaan lang namin sa maayos na usapan, para magkaintindihan. Communication is the key !

"Thank you very much." I continued. "hindi naging madali itong high school life, but let us admit, this is the part of our study that has become so much fun and so memorable, that you will never forget. Here, we experienced getting low marks in the quizzes of our teachers, kasi palaging surprise quiz, kaya madalas..."

"nagkokopyahan !!!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. Pati ang mga teachers nagtawanan. "hindi ko kayo ini-encourage na ipagpatuloy 'yan ha ? Gipit talaga tayong lahat sa kaalaman no'n pag nagpasurprise quiz si Ms. Valdez" nagtawanan ulit silang lahat, nagpeace sign ako kay ma'am, baka kasi hindi na ako ipasa next school year.

"No one said that everything would be easy but also, no one said that you can not go through that, continue to study well, prioritize the dream before other things. Seniors na tayo sa susunod, tapos college na. More achievements to come !!! Congratulations, batch 2017-2018" saka ako bumaba ng stage.

After the ceremony, nagpicture taking kami, as usual. Katabi ko ngayon si Jameson, kaming dalawa lang, nakatingin kami sa instax ko na hawak ni ate.

"one, two, three !" sunod naman, magkayakap kaming dalawa. After that shot, nagpaalam ako saglit kay Jameson, kinuha ko yung ginawa ko para sakan'ya. It was a simple card, may naka- calligraphy sa harap na "congartulations" may LSM ako sakan'ya sa loob nun.

Matapos niyang basahin lahat, niyakap niya ako ng mahigpit, "thank you, I love you, my love..." hinimas ko ang likod niya, "I love you too, my love..." mahinang saad ko sakan'ya. Napaatras siya ng onti sa'kin.

"ano ulit ?" tanong niya. "I love you too, Jameson Darnell Cortes." I repeat. Napatulala pa siya. "sinasagot na kita" Lumapit ulit siya sa'kin, then he hugged me tightly. "I love you" he kissed my forehead.



**ALLYSZXC

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon