Mag-aalas siete na nang makauwi sila mama kagabi, November 2 na ngayon, 12:30 in the afternoon, kakatapos lang namin mag lunch, naghahanda na kami ng mga gamit dahil mamayang hapon ay luluwas na din kami pabalik ng Manila.
"aalis na ba kayo niyan ?" tanong ni lola kay mama, "oo, dahil baka gabihin kami sa daan, mahirap makahanap ng masasakyan." "ah sige, sige, mag-ingat kayo ha ?" "kayo din, Julianne, walang magpapasaway ha ? ang magpasaway walang biscuit sa pag-uwi namin" pananakot sakanila ni mama.
Palabas na din ako ng bahay, pasunod kila mama nang bigla akong hawakan ni lola "sa'yo na iyan, advance happy birthday" she kissed me on my head, then she smiled sweetly. "thank you po, lola" I smiled at her back, tinanguan niya nalang ako.
Nasa terminal na kami ngayon ng jeep, nakapila kami, nang kalabitin ako bigla ni ate. "diba ayun yung kaibigan mo ? dito din pala probinsya non ?" tumingin ako sa tinuro ni ate, nakita ko si Brace, nakaupo, naghihintay din yata ng masasakyan. "siya nga, bakit type mo ?" "sira ka ba ? anlayo ha." sabi niya saka 'ko inirapan.
Nang may dumaan na jeep, tumayo si Brace saka siya dumiretso sa front seat nun, sinuot niya yung white cap niya, sa bandang gitna kami ng jeep na yun naupo, kaya medyo malayo sakanya, kinuha ko nalang ang phone ko saka ko siya chinat.
To: Brace Cameron
Sa'n kayo dito sa Bulacan ?Fr: Brace Cameron
Why do you want to know ?To: Brace Cameron
Curious lang.Tss, ansungit. Hindi ko na hinintay yung reply niya, di niya alam nasa likuran niya lang kami. Tumingin ako sa rear mirror ng jeep saka ko siya doon tinitigan. Nagulat ako nang bigla din siyang lumingon doon, umiwas agad ako ng tingin, pero naramdaman kong tumunog ang cellphone ko.
Fr: Brace Cameron
Bat mo ko tinititigan ?To: Brace Cameron
Napansin ko kasing ampanget ng nakaupo sa frontseat.Fr: Brace Cameron
Panget pala e, edi wag mo tingnan.Tiningnan ko siya ulit sa rear mirror saka ko siya doon inirapan. Tumunog na naman ang phone ko, nagsend siya ng picture !!
Nakayuko, pasimple yata siyang nagpicture sa harap, napangiwi ako sa itsura niya, mukhang timang !! Biglang may tumawa ng malakas, tiningnan ko siya sa rear mirror, pati mga ibang pasahero nawirduhan sakanya, abnormal yata 'to e.
Fr: Brace Cameron
Ampangit mo pagnakangiwi, mukha kang inapakan. HAHAHAHindi ko na siya pinansin, gusto kong matulog sa biyahe, kaso parang nakakahiya naman pagnakita ako ni Brace nang tulog, ano kaya itsura ko non ? Baka pagtawanan pa ko. Tumingin nalang ako sa labas ng bintana, pinapanood ang mga kotseng kasabay namin.
Mabilis din kaming nauwi, kumain lang muna kami ng dinner, saka ako natulog ng maaga, birthday ko na bukas !!
Nagpaalam muna ako kay mama kung pwede ba akong mag-imbita ng mga kaibigan ko, at pumayag naman siya, pinapunta ko sila Jameson, Axel, Darren, Brace, Den at Szen. Pati yung iba kong mga kaibigan, Claire, Riva, and Xanthea. Sila yung mga madalas kong kasama sa school pag may honor's assembly, mga consistent honorees din sila.
"CHANDRIA KYLIE CHAVES BUMANGON KA NA DIYAN !!!" may tunog pa ng kutsara at takip yata ng kaldero yon ? Anak ng pating, ang aga-aga pa yata eh ?! Ang aga naman mambulabog ng mga to !!!
Bumangon na 'ko, wala e nabulabog na ko, 'di na ko inaantok, tss. "oh ano ?" tanong ko sakanila, Szen and Den. "anong ano ? maligo ka na tanga ! Tanghali na girl, Alas tres sila pupunta dito !!" tiningnan ko ang oras sa cellphone ko,
'11:30 ?!!! E HALOS ISANG ORAS AKO MALIGO !!!'
"ba't kase kailangan pa magmake-up ? hindi ko naman debut !! simpleng handaan lang ang ganap !!" hindi ako pinansin ni Den, pinagpatuloy niya lang yung ginagawa niya sa mata ko, eye shadow ata yon ? Wala naman kase akong alam pagdating sa mga ganyan.
"light-an mo lang yah ha ?! baka naman magmukha akong clown, tsk !" "oo na ! wag kang magulo !!!" "anong oras na Szen ?" "1:30 na po madam."
"anak dalian niyo na diyan, nandito na mga bisita mo" pagtawag sa'kin ni mama, hano daw ? Alas tres ko pa sila pinapunta ah ?
May isang oras pa ! "eto nalang isuot mo para simple lang" may inabot sakin si Szen na short dress, baby pink yung color, simple lang, alam talaga nila yung tastes ko sa damit hahaha, below the knees lang yun, saka ko sinuot yung silver comfortable sandal ko.
Ginawang bun ni Den yung buhok ko, may ibang buhok na hindi niya sinama, kinulot niya yun, style daw. Sinuutan niya din ako ng simpleng silver necklace and bracelet, ang arte-arte.
Bumaba ako ng hagdan, nakita ko sila Darren at Axel na nauna nang kumain, Jameson was just sitting next to Darren, busy on his cellphone. Wala pa ang iba.
Napatayo si Jameson nang makita niya akong pababa na ng hagdan. Naphinto din sa pagkain ang dalawa, "haaww, hanggangga moh sha shuot moh" -Axel, bigla siyang binatukan ni darren, "lunukin mo nga muna yan" natawa nalang ako sa dalawa.
"you look so..." "so... ?" "you look so gorgeous, my love..." niyakap ko siya.
'taeee !!! kinikilig ako!!!'
Binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya, para hindi nila makita ang mukha ko. "YUNG MAKE-UP MO MASISIRA !!! SAYANG EFFORT KO !!!" biglang sigaw ni Den, oo nga pala, nakalimutan ko.
"bakit hindi ka pa kumuha ng makakain mo doon ?" tanong ko kay Jameson, "gusto ko sabay tayo." sabay kaming naglakad papunta ng kusina, ikinuha ko siya ng pinggan niya.
"happy birthday, Chandria !!!" bati nila Claire sakin, "thank you ! Kuha na kayo doon ng food, tara samahan ko kayo..."
Pumunta na rin yung ibang kamag-anak at mga ninong at ninang ko, nakalagay na lahat ng regalo sa isang tabi, andami !! Yung iba naman, inabutan ako ng pera.
"dahil kumpleto na, kantahan niyo na si Chandria" kinuha na yata ni mama ang cake ko, kaso nawawala si Jameson, nasa'n yun ? "happy birthday to you..." lumabas mula sa kusina si Jameson, siya ang may dala ng cake ko, may suot pa siyang party hat, ang cute niya !!
Bigla akong naluha, inabutan ako ni Den ng tissue, "happy birthday, happy birthday..." huminto silang lahat sa pagkanta, "happy birthday to you..." pagdugtong ni Jameson. "make a wish..." I closed my eyes then I said in my mind my wishes so that no one could hear those.
'Sana mahanap na namin yung nawawala kong kapatid, sana magkaayos na kami ni papa, I hope Jameson can wait for me, I hope he wouldn't get tired of me, and hopefully, he will be the man I will love, for life.'
Then I blew my candle. I smiled at him, and he smiled back. "I love you" he whispered. Kinuha na ni mama ang cake para makapag picture taking na kami.
"oh pwesto, pwesto" sabi ni mama, hawak ko ang cake, katabi ko si Jameson sa kaliwa ko, nasa kanan ko naman si Brace, na katabi sila Den at Szen, nasa tabi naman ni Jameson sila Darren at Axel, nakaupo naman sa sahig sila Claire, Riva at Xanthea.
"okay, one, two, smile !!" my mom took 3 pictures of us. Sunod naman, magkatabi kami ni ate, at sa likod namin sila mama at papa, Nalungkot ako bigla.
'sana nandito din si kuya.'
Nang matapos na ang picture taking, ay inilapag ko na sa lamesa ang cake ko, nagulat ako dahil pagtalikod ko ay nando'n na si papa.
He opened his arms widely then he smiled at me, my tears suddenly dripped, I ran closer to him then I hugged him tightly, "happy birthday... anak ko..." he whispered.
**ALLYSZXC
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...