CHAPTER 25

6 2 0
                                    

Tulala lang ako buong lunch time. Halos hindi ako nakakain sa kakaisip nung mga nangyari. Isang activity ulit ang hindi ko nagawa kanina dahil wala akong dalang materials, nakiusap ako sa teacher ko kung pwede pa ba akong humabol, buti at pumayag siya, kaso may deduction na ako.

"kumain ka na d'yan." -Brace, mahina niyang sinagi ang braso ko. "wala akong gana." akmang liligpitin ko na ang mga gamit ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at kinuha doon ang pagkain ko. "ubusin mo yan." "wala akong gana sabi..." he stared at me for a while before he asked me a question. "what's bothering you ?" tinitigan ko siya saglit, nang biglang nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. "hindi ko na alam Brace..." niyakap niya ako, habang tahimik niyang hinahaplos ang likuran ko.

"una yung project natin. Ang laking grades yung nawala sa'kin Brace, tapos yung activiy pa kanina, wala akong naipasa" oo alam kong ang babaw pakinggan no'n, pero para sa'kin iba yun apekto no'n. Ayaw ko na uli'ng makarinig comments galing kay papa lalo na pagdisappointed siya.

"Chandria, grades are just numbers." "number LANG 'yon sa'yo, pero Brace sa'kin hindi." he stared for me for a while, then he bow his head a little. "sorry"

May maslalala pa ba doon ? Alam kong high school palang naman ako, at masmalalala ang mapagdadaanan ko sa college, but I don't want to disappoint those people who kept on supporting and believing me that I can do it to the top. Sana lang talaga ay may makuha pa ako this quarter. Next week naman exam na namin. Talagang tinutukan ko ang pag-aaral ko para naman makakuha ako ng mataas na marka.

I turned off my phone para sana walang istorbo. Pero habang nagrereview naman, kinakain ni Jameson ang sistema ko, wala na akong ibang inisip kundi ang sitwasyon namin ngayon. Hanggang ngayon wala parin kaming maayos na communication. Palagi niya akong sinasalubong sa gate ng school pero hindi ko siya pinapansin. Kadalasan may dala siyang bouquet na para sana sa'kin, pero nilalagpasan ko lang siya.

Alam kong hindi dapat na pinapairal ang pride pagdating sa mga gan'to, masmabuting pag-usapan 'to para maging malinaw ang malabo, pero hindi muna sa ngayon. I need space. Kailangan ko pa bang sabihin 'yon ? Hindi pa ba halata ? Napakagulo na ng sitwasyon ko ngayon, isasabay ko pa ba yung gulo sa pagitan namin ?

The next day, may surprise quiz kami sa Science subject. Wala akong nareview kahit onti dito !!! This serves as our review quiz pero recorded. For the first seven questions, wala akong naisagot ni isa. Ano na bang nangyayari sa'kin ? "last number, number thirty." sa twenty-nine questions na 'yon, walo lang ang nasagutan ko, hindi pa sigurado yung iba, at pagdating naman ng thirty, wala na naman akong sagot, bagsak na 'ko nito.

"once your surname was called, tell me your score." nakatulala lang ako habang naghihintay na matawag ang apelyido ko. "Chavez ?" "f-five s-sir..." "five ?! Anong nangyari sa'yo ?" napayuko nalang ako, pinagtitinginan na naman ako ng mga kaklase ko. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa'kin, buong quiz wala akong marecall sa natopic namin.

"Ms. Chavez, pinapatawag ka sa office, please follow me." our vice principal excused me from our English class. "Good morning po" I greeted our principal. "Ms. Chavez, we noticed something strange about your school participation. Hindi ka dating gan'yan, is there any problem ? About your family ? Or something else ?" our principal asked me.

Wala naman talaga kasi. Pero distraction, meron. Si Jameson. Pero kaya ko pa naman kasing ihandle. "your computer teacher is giving you a second chance. Malaking kawalan 'yon pagdating sa grade mo, malaking deduction. May ibibigay siya, pati yung ibang teachers mo na mababa ang grade mo, may special projects para makabawi ka kahit papaano. Pero kailangan mong maipasa 'yon the day before your exams. Meron ka pang five days para matapos lahat ng 'yon" she explained.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon