CHAPTER 12

13 5 0
                                    

Napasandal ako ng pinto pagkapasok ko ng kwarto ko. Huminga ako ng malalim.

'anak MO'

Totoo naman, hindi niya ako tunay na anak, pero hanggang ngayon ba hindi niya parin akong kayang tanggapin ? Minsan naguguluhan nalang din ako kung pagdidisiplina pa ba yung ginagawa ni papa sakin, o sinasaktan niya ko dahil sa inis at galit sakin ?

May karapatan naman siguro siyang magalit ng ganon sakin no ? Tss, anak lang naman ako ng asawa niya sa ibang lalaki.

I smiled bitterly because of my own thought, nagbihis na ako ng pantulog pagtapos kong maghalf bath. Tinigil ko na muna ang pag-iisip ng kung anu-ano, inayos ko na ang mga gamit na dadalhin ko bukas sa pag-uwi namin papunta ng probinsya. Natulog na din ako agad para mapahinga na din yung isip ko.

Maaga akong ginising ni mama kinabukasan, maaga kasi kaming aalis ngayon para di kami maabutan ng traffic. Hinanda ko na ang mga dadalhin ko sa sala. "nakahanda ka na ba ? alis na tayo." tumango ako sakanya. Nakaabang sa gate si papa, hindi ko na siya tiningnan nang madaanan namin siya, yumuko nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

I am now wearing a simple blue t shirt, paired with black pants and sneakers, I have a backpack on my back and I am carrying a plastic bag full of biscuits, for my cousins ​​there.

Punuan na ang jeep pagdating namin sa terminal, buti at nakaabot pa kami. Natulog ako sa biyahe dahil maaga pa naman, habang nakikinig ng music sa cellphone ko. Hanggang November 2 pa kami sa probinsya, mga hapon kami uuwi non, October 31 na ngayon.

Ginising ako ni mama nang bababa na kami ng jeep. Maglalakad kami ngayon papunta sa panibagong terminal ng jeep na sasakyan namin dahil may inaayos na tulay at hindi makakadaan ang mga sasakyan doon. Maputik ang daan dahil kakaulan lang, kaya madulas. Pinauna ako ni mama sa paglalakad, pero nadulas ako !!! Ang daming tao, ang daming nakakita, nakakahiyaa !!!

"are you okay ? may masakit ba sayo ?" Suddenly a man wearing black hoodies and shorts appeared in front of me, I could not see his face because his hood was covering it. He held me his right hand to help me stand up, pinagpagan ko ang puwetan ko, pinunasan ko yung siko ko gamit ang panyo na hawak ko, andaming putik.

"anak magdahan-dahan ka ! sinabi ko na sayong maputik." binalik ko ang tingin ko doon sa lalaking tumulong sa'kin, tinanggal niya ang hood na tumatabing sa mukha niya, pati yung hoodie na suot niya tinanggal niya, saka niya iyon tinali ng parang palda sa may bewang ko.

Si Brace !!! "Brace !!! saan punta mo ?" hindi siya nakasagot agad, medyo napatagal ang tingin niya kay mama, "I'm on my way on our province." "saan ba probinsya ninyo ?" pang-uusisa ko. "Bulacan..." he answered shortly, tumingin ulit siya kay mama, pero hindi yun nagtagal, nagpaalam na din siya sa'kin at sinabing mauuna na nga raw siya.

"kaano-ano mo yun ?" my mom asked. "kaibigan ko po, nakasama na din namin po siya nila ate nung nagmall kami last time" tumango lang si mama sakin.

Pangatlong jeep na ang sinasakyan namin ngayon, malapit na kami. Binuksan ko nalang ang phone ko at chinat sila Den at Jameson. Nang hindi sila magreply, kumuha nalang ako ng isang biscuit sa plastic na dala ko, tumingin ako sa harapan habang kumakain,

"buti at maaga kayong nauwi ? hindi naman matraffic ?" bungad samin ng lola ko, nagmano ako sakanya saka ako dumeretso sa taas, nagpalit ako ng pambahay saka ako dumiretso sa kwarto ni ate, tulog pa, 10:00AM na.

Naalimpungatan siguro si ate kaya nagising, "kanina pa kayo dumating ?" tanong niya. "kadarating lang din, nasa baba si mama, bumaba ka na don"

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon