CHAPTER 4

26 7 0
                                    

"woooow, ansarap, isa pa nga po neto" turo ko sa inihaw na isaw, nandito kami ngayon ni Brace sa tindahan ng mga street foods malapit sa FIS, "eto po bayad ko" "no, I'll pay for it, babawi ako diba ?" singit ni Brace.

Since he transferred here in FIS, nadagdagan na naman mga may galit sakin, minsan bigla nalang nila akong sasalubungin sa cr tas pagbabatuhin ng kung ano ano, kesyo ang landi ko daw, nyenye mga inggitera amff.

Mabait si Brace, friendly siya, I don't know, kasi ang bait niya talaga saakin, 'di ko naman masabi na crush niya ko, parang ang imposible non, kasi halata naman na friend lang talaga turing niya sa'kin.

"hoy nandito ka pala, 'di ka nag-aaya, libre mo den ako" biglang sumulpot si Szen sa tabi ko, tahimik naman to, pero pag sa pagkain at chikahan nagiging active. "sira-" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang unahan ako ni Brace, "sige, Szen, kuha ka na, libre ko" he said and smiled.

While we're eating, my phone suddenly beeped. I received a message from Jameson.

Fr: Jameson Darnell
Are you home ? What are you doing ?

To: Jameson Darnell
Wala pa ko sa bahay, nagfu-foodtrip kami nila Szen

Fr: Jameson Darnell
Sino kasama niyo ? Kayong tatlo lang nila Den ?

To: Jameson Darnell
Wala nga si Den e, nauna na yatang umuwi, si Brace kasama namin, libre niya kami haha.

"umuwi na si Den ? Ba't hindi mo kasama ?" tanong ko kay Szen. "pinapauwi na daw e, ikaw ba ? Baka pagalitan ka na naman" "sanay naman na ako, ako na bahala hahaha"

"Brace, thank you sa treat ah ? Nabusog ako hahaha, next time ulit" I thanked him, before we go. "gusto mo... Hatid ko na kayo ? I have my car with me, nakaparada nga lang sa FIS, kunin ko muna." "hindi na, salamat sa pag-alok, una na kami, thank you ulit ah ?" pagtanggi at pasasalamat ko ulit. "wala yun, see you next week."

Szen and I went home after that, and like what I've expected, pinagalitan ulit ako. "gabi na ah ? Ano balik ka na naman sa paglalakwatsa ? Alam mo ? Sayang pinangpa-paaral namin sa'yo, ayus-ayusin mo yang buhay mo Chandria ha !!" yumuko nalang ako, at nang umalis na siya, umakyat na 'ko ng kwarto.

Kahit sanay na ako na laging pinapagalitan, ansakit pading masabihan ng mga ganung salita, lalo na paghindi naman totoo. Ganun ba talaga iniisip nila pagdating sakin ? Inaayos ko naman pag-aaral ko, nalate lang ng uwi, lakwatsa agad.

My phone suddenly ring, pinunasan ko yung luha ko, 'Ate Jana is calling' I answered her call in video chat. "umiiyak ka ba ? Ano na naman sinabi sa'yo ni papa ?" tanong niya, "wala yun ate, ganun lang ulit, sanay naman na ko hahahaha." pero kahit tumawa ako, hindi padin nawala yung pag-aalala sa mga mata ni ate. "hindi ka okay, sabihin mo sakin kung anong nangyari"

Kinwento ko sakanya yung buong nangyari, she gave me advices, 'wag ko nalang daw masyadong pansinin yung sinasabi ni papa, alam ko naman kung ano yung totoo.

Bumaba na 'ko sa kwarto ko para maghain na sa dining, tinawag ko na sila mama para makakain na kami, "ano na naman tong nabalitaan kong may boyfriend ka na Chandria ?" mahinahon pero galit na tanong ni papa. "hindi ba't sinabi kong wala munang magbo-boyfriend ?!?!" "robert, 'wag sa harap ng hapag, mamaya niyo na pag-usapan 'yan"

And that's what happened next, nag-usap kami ni papa ng kaming dalawa lang. "sino ito ?!" pinakita ni papa yung picture na magkaharap kaming kumakain ni Jameson sa canteen, kasama niya din doon sila Axel, at kasama ko din naman si Den, it's not a date, pero samin nakatutok yung camera, kaya nagmukhang ganun.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon