CHAPTER 24

7 3 0
                                    

Tinawagan ko ulit si Brace nang hindi ko mahanap yung file ng project ko. [eto na nga yung problema-] "ba't nawawala yung ginagawa ko dito ? Brace bukas na yung deadling no'n !" [sorry, pero kasi-] "ano ? Pero kasi ano ? Alam mo ba kung gaano kaimportante yun ?" hindi ko na napigilang hindi magalit sakan'ya.

[sinundan kita kanina no'n nung umalis ka, nasave ko na yung hindi mo natapos, pero hindi na kita naabutan. Pagbalik ko ng comlab, yung flashdrive mo hindi na nakasaksak, parang may ibang gumamit] "bakit hindi mo dinala nung sinundan mo 'ko ? Ba't mo naman kasi iniwan doon ?" [hindi ko naman alam na may ibang-] I ended the call.

Napasapo ako sa noo ko, wala na, kailangan ko 'tong ulitin. Ni-silent ko yung cellphone ko para wala nang iba na umabala sa'kin. Sinimulan ko na yun agad, pero vibrate parin ng vibrate.

Naiirita na 'ko kaya sinagot ko na yung tawag ni Jameson. "ano bang kailangan mo ? Hindi mo ba naiintindihan na busy nga ako ?!" I shouted at him because of my irritation. [I just want to talk to you, but it seems like you don't want me to.] "oo nga, ayaw muna kitang makausap, kaya please lang, 'wag ka na munang manggulo." Then I ended the call.

Hindi na ako nakapagmerienda, nakasabay sa dinner, kahit kaunting snacks na hinatid ni mama sa kwarto ko hindi ko manlang nagalaw, last quarter na namin 'to napakaimportante nitong project na 'to, may ibang project pa akong hindi nagagawa dahil mas inuna ko pang lumabas kasama si Jameson. Nakakairita. Bakit ba inuna ko pa 'yon ? Ako pa tuloy yung nahihirapan ngayon. Kailangan ko 'tong mapasa lahat, malaking kawalan 'to sa mga grades ko.

This senior high, consistent top 1 na ako sa klase namin, at kailangan ko yun i-maintain dahil madi-disappoint sa'kin si papa. At once na ma-disappoint si papa, dapat handa ka nang makatanggap ng masasakit na salita mula sakan'ya. Last quarter na namin ngayon as a grade 12 students, at hindi pwedeng ngayon pa 'ko babagsak.

Pagkagising ko, may kumot ng nakapalibot sa'kin. Pagbangon ko, nakita ko si Jameson na nakaupo sa harap ng laptop ko sa may study table. Tumingin ako sa orasan at nakitang alas-dos y media na !! Nakatulog ako !! Hindi ko pa tapos yung ginagawa ko.

"anong ginagawa mo dito ? Diba sinabi ko na sa'yong 'wag mo muna akong guluhin ?" "nakakagulo ba ako ? Sorry, tapos na pala yung... uh- project mo." he handed me my flashdrive. "u-una na 'k-ko, sorry kung n-naistorbo kita." lumapit siya sa'kin, saka niya ko hinalikan sa noo, then he walked out of my room.

Hindi ko na siya hinabol, edi umalis siya kung aalis siya, ta's doon muna siya tumuloy kay Xyra. Ni-check ko yung ginawa niya na project ko. Pa'no niya 'to nataps ng gano'n kabilis ? Oo masama yung loob ko sakan'ya, sobra. Tawagan ko ba siya para magpasalamat ? Matagal-tagal ko di'ng pinag-isipan 'yon, pero I ended up on sending a message to him.

To: Loveee
Thank you sa tulong at sa effort, matutulog na ko.

Fr: Loveee
You're always welcome. Sleep tight, my love.

Fr: Loveee
I love you.

Sineen ko lang yung message niya, saka ako natulog. Kinabukasan maaga naman akong nagisiing. Pakiramdam ko kulang pa ako sa tulog, hinanda ko na yung mga gamit na dadalhin ko para wala akong makalimutan. Chineck ko ulit yung gawa ni Jameson dahil inaantok na 'ko kagabi nung tiningnan ko 'yon. Ang bilis niya kasing natapos, e ang tagal ko ngang ginawa yung akin.

When I opened the file, kulang-kulang yung mga nakalagay doon !!! Nakakainis na talaga, ano ? Nananadya ba siya ? Akala ko naman ginawa niya na ?! Pagood-shot 'yon ? Pa'no na 'to ? Binuksan ko yung notebook ko saka ko sinundan yung mga notes na sinulat ko doon para sa project na yun, maaga pa naman eh.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon