Mas lalo akong naluha nang banggitin ni papa ang mga katagang iyon, hindi ako makapaniwala. "sorry sa mga nagawang mali sayo ni papa, ha..." mas lalong lumakas ang paghikbi ko, tumango nalang ako.
"sobrang proud si papa sayo, ang laki laki mo na anak, lumaki kang mabuting bata, masunurin, marespeto, may takot sa Diyos... Ang gusto lang ni papa, makatapos ka ng pag-aaral, ayun lang ang wish ko sayo anak..." puro tango nalang ako, lumayo na ako ng onti kay papa, saka ako nagpunas ng pisngi.
"sige na bumalik ka na doon, 'wag ka ng umiyak hahaha..." -papa, tumango ako sakanya saka siya niyakap muli.
Dumiretso muna ako sa banyo para tingnan ang itsura ko. Lumabas din agad ako dahil baka umuwi na ang iba, "Chandria... Una na kami nila Riva, salamat sa pag-imbita ah ? Happy birthday ulit..." "thank you din sa pagpunta, ingat kayo sa daan,"
Nasa kwarto ko yata sila Szen at Den, dito muna sila e, bukas pa uuwi. "Chandria, una na din ako. Happy birthday" -Brace, bumeso muna siya sa'kin bago siya umalis.
Umakyat muna ako ng kwarto para magbihis ng pambahay, ito na yun, ipapakilala ko na si Jameson, kinakabahan ako.
Ngayon lang ako magpapakilala kila mama ng manliligaw. Simpleng pambahay lang ang sinuot ko, nasa hagdan pa lang ako ay naririnig ko na ang usapan nila mama at Jameson. "hindi ka pa ba uuwi hijo ? Mag gagabi na ?" "uh-" biglang tumingala sa'kin si Jameson, kaya napatingin din seakin sila mama.
"ah mama..." nabasa na yata ni mama yung nasa isip ko, alam na ang mangyayari. "tara nak, dito tayo, tawagin mo na din si papa mo, nasa labas." she smiled at me. "uh, papa..." "hmmm ?" "m-may ipapakilala p-po ako s-sainyo ni m-mama..." napatitig saglit sakin si papa, pero tumango din.
Sumunod siya sakin papasok ng bahay. Tumayo si Jameson nang makita niya si papa "Good evening po, M-Mr. Chavez" Jameson bow his head a little.
Tumango lang si papa, saka siya sinipat ng maiigi. "ahh mama, papa, si Jameson po..." huminto ako saglit sa pagsasalita, kaya napatitig sa'kin sila mama, hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"m-manliligaw ko..." mukhang nabigla sina ate at mama, pero si papa hindi parin naaalis ang tingin kay Jameson. "kelan mo pa nililigawan ang anak ko ?" "l-last three weeks pa po..." "nabanggit naman siguro sa'yo nitong anak ko na bawal pa siyang mag boyfriend hanggat hindi pa siya graduated ng high school, hindi ba ?" "o-opo, n-nabanggit nga po niya sa'kin"
"kaya mo bang maghintay ng isa pang taon ?" "opo, kayang kaya" "hindi ka maiinip ?" "m-malabo pong mainip ako kay C-Chandria" then he looked and smiled at me.
"may balak ka bang lokohin at saktan ang anak ko ?" "wala po sa plano kong saktan ang anak niyo, Mr. Chavez..." "kaya mo bang panindigan lahat ng mga sinasabi mo sa'kin ngayon ?" "handa po akong panindigan ang lahat ng mga sinasabi ko, Mr. Chavez"
Ako din ang kinakabahan para kay Jameson, ang daming tanong ni papa, at halatang pinag-iisipan ni Jameson ng maigi kung ano ang mga dapat na isagot niya.
"ano ang mga kaya mong gawin para sa anak ko ?" -papa. Tumingin muna si Jameson sa'kin bago niya muling tiningnan si papa at sumagot.
"handa ko pong mahalin at hintayin ng buong puso ang anak niyo, sir. Hinding hindi po ako magsasawa sakanya, handa ko pong ibigay ang lahat ng gusto at pangangailangan niya, handa po akong pakasalan ang anak niyo pagdating ng tamang panahon." "yun oh !!" biglang sigaw ni papa.
Nabigla ako sa sinagot ni Jameson, sina mama at ate kinikilig na sa kinauupuan nila, samantalang ako gulat padin sa hindi inaasahang sagot ni Jameson. "nadale mo, nak !!" sigaw ulit ni papa, natutuwa. Saka niya tinapik ang braso ni Jameson.
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...