Tiningnan ko kung sino ba yung tumawag sa phone ko. And I was shocked when I saw Jameson's number. At maya-maya pa ay nagsend siya ng message sa'kin, it says na magkita kami sa quadrangle. Syempre nagtaka din ako. Ano namang gagawin niya do'n e class hour ?
Pero pumunta nalang ako. My heart was panting when I saw my man. Nakaupo siya sa bench, may hinihintay. At ako yon. Mas binilisan ko ang lakad ko papunta sa kan'ya. I hugged him tightly. "I missed you..." I whispered. He didn't hugged me back, hindi rin ako nakatanggap ng 'I missed you too' mula sa kan'ya. Unti-unti na akong lumayo mula sa pagkakayakap sa kan'ya.
"love ?" I called him on our endearment, wondering what he would say. "we need to talk" he started. "of course, sa tagal mo ba namang hindi nagparamdam" I said that in a way of joke. "Chandria, alam kong hindi lang ako ang nakapapansin ng mga pagbabago sa relayon natin." I was a bit nervous of what he just said.
"pagbabago ? S-Saan ?" I asked. "Chandria unti-unti nang lumalamig 'tong relasyon na 'to, hindi mo ba napapansin ?" "Jameson, ano ka ba ? Sabi mo, pagod ka lang. I gave you enough time para makapagpahinga ka, para mabawi mo yung lakas mo. Anong lumalamig pinagsasabi mo d'yan ?" I asked, I'm very confused.
"Chandria, let's end this." I don't know what to say, my God. "huh ? Pero b-bakit ? Jameson, sabi mo pagod ka lang. Inunawa ko naman yun, hindi naman kita ginulo, sabi mo madami kang ginagawa, hindi naman kita inabala, diba ? Hindi naman ako napagod sa kakaintindi." "pero ako na yung napapagod na makita kang nagmumukhang tanga !" he exclaimed.
"Chandria, alam kong ramdam mo na gusto ko nang sumuko. Chandria nagmumukha ka nang kaawa-awa, nagmumukha ka nang tanga dahil diyan sa pagmamahal mo sa'kin." "kasi nga mahal kita ! P*tangina Jameson, mahal na mahal kita ! Tama ka, dahil sa pagmamahal na 'to nagmumukha na 'kong tanga, at dahil sa'yo 'yon !" I shouted back. "Ano bang g-ginawa ko ?" I was hoping na magsisinungaling siya.
'Kung magsisinungaling siya ngayon, papaniwalaan ko. T*ngna, mahal na mahal ko 'tong taong 'to.'
"may iba na ba ?" I asked, seriously. He looked so shocked. "s-sumagot ka, Jameson. May IBA na ba ?" he held me on my shoulders. Pero nagkumawala ako sa mga kamay niya. "SUMAGOT KA !" "Chandria, wala akong iba. It's just..." "ano ?" I'm waiting for him to answer, na naguguluhan lang siya.
"Drea, walang iba, pero hindi na ikaw." nagsinungaling nga. Nanghina ako. Napaupo ako sa sobrang panghihina na nararamdaman ko. Walang tigil ang mga luha na kanina lang ay pinipigil ko. Pinanood ko siya unti-unting lumalayo sa'kin. Na sa kan'ya na ang puso't kaligayahan ko.
I watched how my happiness slowly faded.
'walang iba. Wala naman talagang iba, walang bago kasi maspinili niya yung tao sa nakaraan niya. Pinili niya yung tao na hindi naman siya sinamahan sa paghihirap niya. Pinili niya yung tao na iniwan lang siya basta. Pinili niya yung tao na walang ibang ginawa kundi saktan siya. E ano ba ako ? Sino ba ako sa kan'ya ? Ano bang nagawa ko ? Ano bang mali ? Ano bang kulang ?'
Akala ko sa pelikula lang nagaganap lahat ng mga 'to. Pero talagang mapapatanong ka sa sarili mo pag nangyari na sa'yo.
Hindi ko siya pinanood na lumayo sa'kin. Dahil ang totoo, pinanood ko lang naman siya na bumalik, sa kung sino ang totoong makapagpapasaya sa kan'ya. At hindi ako yun.
'Hindi na ako.'
Nakatulala lang ako sa kung saan, nang makalayo si Jameson sa'kin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ito na nga yata yung huli. Hindi ko alam kung pano ako magsisimula ulit. Na sa kan'ya na lahat ng mayroon ako. Siya yung bumuo sa pagkatao ko. Pati pagmamahal ko, binuhos ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...