CHAPTER 40

3 2 0
                                    

"tara canteen" aya sa'kin ni Ethan, kabarkada ko. "arat !" pagpayag ko naman. Pumunta kami ng canteen kasama ang buong barkada. Ako, Ethan, Ken, Joaquinn, Larence, at Terrence.

Minsan kasama namin yung dalawang babae na girlfriend nila Ken at Ethan. Sila Kate at Allison. Medyo nakakasabay naman sila sa trip naming magkakabarkada, at maganda 'yon para naman walang kill joy sa'min.

"hintayin niyo ko, sunduin ko lang si Kate sa parking lot." pagpapaalam ni Ken. "sanaol may jowa" sigaw naman ni Joaquinn. Hinayaan ko nalang sila doon, saka ko inakbayan si Larence.

"yow," salubong niya sa'kin. "ey" "ano kailangan mo ?" tanong niya. "may baon ka pre ?" "oo." "hati tayo" pero binatukan niya 'ko bigla. "LUH ?! MANGHIHINGI LANG E!" kukutusan ko sana yung lalaking yon, kaso tumakbo palayo.

Nagsimula na rin ako na habulin siya, pati sila Terrence nakitakbo narin. At sa lawak ba naman ng field ng university na 'to, syempre hiningal ako sa kakatakbo, diba ? Huminto ako saglit sa sobrang hingal, saka ako naglakad pagkatapos.

Habang naglalakad ako, nakasalubong ako ng taong pamlyar sa'kin. "Jameson ?! Ikaw na ba yan ?!" gulat na tanong ko sa kan'ya. "Yo ! Liam !!" naghand shake kaming dalawa. Ito yung handshake namin nung mga bata palang kami.

"dito ka rin pala ? Ngayon lang kita napansin ah ?" "yeah, ako din. Hindi kita napapansin hahaha. By the way..."

Maya-maya ay tinawag ni Jameson yung kasama niyang babae. Cute neto ah ? Single kaya 'to- "uhh, Liam, this is Chandria, my girlfriend." ay, taken... "oh, hi Chandria ! Nice to meet you !" I smiled at her, "nice meeting you too, Liam."

Wala akong balak na mang-ahas ng shota ng may shota no. Pero gusto kong makipagkaibigan kay Andrea. Andrea ba 'yon ? Di ko na maalala, dami namang alam ng magulang no'n. Dami-daming pangalan e, yung komplikado pa pinili.

Nang makabili ng pagkain ay nagmadali kaming bumalik ng classroom dahil baka nakarating na yung proctor namin. Pero dahil nga swerte kami, edi wala pa.

Nagulat ako nang makita ko si Andrea sa classroom na pinasukan namin. Kaklase ko pala 'to ? "Uy shota ni Jameson !" pagtawag ko sa kan'ya. Hindi kasi ako sure kung ano pangalan niya e, nakakahiya naman kung maling pangalan maitawag ko diba ?

Pero tiningnan niya lang ako. May mali ba akong nasabi ? "luh famous ka bhie ?" pagbibiro ko, nakakahiya e. At nakahinga ako ng maluwag nang tawanan niya ako. "Hi ! Kaklase pala kita, ngayon lang yata kita napansin." mabait naman pala e.

"ako din e, kaklase pala kita ? Kaklase mo pala ako ? Magkaklase pala tayo no ?" pagbibiro ko ulit. Pero late na ng marealize ko na ang corny ko na pala. Para ngang naiirita na siya sa'kin e.

Dumating na ang prof namin, kaya naitikom ko ang bunganga ko. Ang daldal ko na ba ?

Nang mag lunch time ay nakita ko ulit si Andrea sa canteen kasama yung shota niya. "uy shota ni Jamesoooooon !!!" pagkuha ko ng atensyon niya. Kinawayan niya lang ako, kaya kumaway din ako pabalik.

Kinabukasan ay inagahan ko ang pasok ko para mauna ako kay Andrea. At pagkarating niya ay binulabog ko agad siya. "uy shota ni Jamesoooon ! Magandang morning !" pero nginitian niya lang ako. "You can call me Chandria" sabi niya. "osige, Chandria, na shota ni Jameson." pang-aasar ko sa kan'ya saka ko siya kinindatan. Mukha ngang nawiwirduhan na siya sa'kin e.

Hanggang sa napadalas ang pagkikita namin, kasi nga magkaklase kami. "uyy shota ni Jameson, nasaan si Jameson ? Bakit hindi mo kasabay ?" pang-uusisa ko sa kan'ya "nagti-take pa yata siya ng exam e" sagot niya naman.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon