CHAPTER 22

11 3 0
                                    

Umuwi narin kami kaagad nang matapos kumain para hindi kami maabutan ng traffic at makauwi kami ng maaga.

"kumusta ? Ano nangyari sa gala niyo nila Den ?" tanong ni ate sa'kin. "okay lang naman, kumain lang kami ta's literal na naggala." "e ano 'yang dala mo ? Para sa'kin ba 'yan ? Napakaswee-" "hindi para sa'yo 'to, ate help !!!" "saan ? Help help wala ka namang pasalubong."

Inirapan pa ako, "para kay Jameson kasi 'to, regalo ko para sa 1st monthsary namin." napatakip si ate ng bibig niya. "sweet mo naman !!! Tara nga dito, pa'no mo 'yan ibibigay sakan'ya ?" "hindi ko alam, kaya nga help e."

"simple hand written letter will do. Ang gastos mo ah, edi kada month bibilhan mo ng sapatos ?" umiling ako sakan'ya. "e pa'no kung hindi niya magustuhan yung letter ?" pag-aalangan ko.

"alam mo, kung mahal ka talaga ni Jameson, kahit na anong ibigay mo, basta't galing sa'yo, tatanggapin niya 'yon."

Kinuha ko ang notebook ko na hindi na ginagamit at saka ako nagsimulang gumawa ng scratch doon kung ano yung ilalagay ko sa letter ko. Kinakabahan ako na ewan !!!

Wala naman akong alam sa mga gan'to kasi since highschool, ni isa sa mga crush ko hindi ko sinulatan ng gan'to tuwing valentine's.

'Dear Jameson,'

Hindi ba parang ang corny non ? Bakit kasi kailangan meron pang 'dear' pang arabo lang yun eh.

Hinayaan ko na, nagsulat nalang ako roon, isinulat ko yung mga gusto kong sabihin sakan'ya na hindi ko kayang sabihin sakan'ya ng harapan, wala na akong pake kung makornihan siya dito, pero sana naman hindi, ang importante, malaman niya kung ano yung mga gusto kong malaman niya.

Kinabukasan paggising ko, nakatanggap agad ako ng good morning message galing kay Jameson, ganito siya araw-araw, lagi siyang nauunang magising kaysa sa'kin. Nireplyan ko muna 'yon bago ako naligo at kumain ng almusal.

Tumawag sa'kin si Jameson ng mga tanghaling tapat, inaya niya ako na sakanila nalang namin isi-celebrate ang first monthsary namin, okay lang naman sa'kin kung hindi kami pupunta sa kung saan, ang mahalaga, sabay at magkasama naming isi-celebrate ang 1st month simula nung naging kami.

Today is our 1st monthsary, naeexcite ako na ewan. Sinundo ako ni Jameson sa'min, as usual, ipinalam niya rin muna ako sa kanila mama kahapon bago niya ako sinundo ngayon. "una na po kami, tito, tita" "usapan natin ha ? Alagaan mo 'yang anak ko" -papa. "7:30 PM" Jameson said, then he smiled to them. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa kotse niya, pagbukas niya, merong bouquet na nasa uupuan ko !!!

Kinuha ko 'yon, may nakalagay pang 'Happy 1st monthsary, my love' sa isang maliit na piraso ng papel.

"I love you..." Jameson whispered. Humarap ako sakan'ya saka ko siya niyakap ng mahigpit, "I love you too" pumasok na 'ko sa loob pagkatapos no'n, inilagay ko sa backseat ng kotse niya yung paper bag na dala ko, nando'n na rin yung letter ko para sakan'ya.

Akala ko tapos na yung mga pakulo niya, pero nang makapasok siya sa Driver's seat, may kinuha siya mula sa likod, isa din 'yong medyo malaking paper bag.

"ano 'to ?" tanong ko, "para sa'yo, buksan mo." tinanggal ko ang staples ng paper bag na 'yon.

'ANDAMING CHOCOLATES !!!'

Nandito halos lahat ng favorites ko, meron pang isang box ng Ferrero Rochet, may dalawang malaking chuckie, Dairy Milk, Hershey's na may tig-tatlong pack kada flavors, at iba pa !!!

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon