"hinay-hinay lang ang takaw mo." sabi ko kay Den, kala mo isang linggong hindi kumain. "ansarap men, meron pa ba ?" "meron pa don, ubusin mo na, wag kang mahiya." I said in a sarcastic way. "sige salamat" sinakyan niya naman.
"ba't ka nga kase nandito ? Exam na bukas bat hindi ka nagre-review ?" tanong ko sakanya. "bukas na ko magbabasa, an hour before exam, para fresh" "tingnan natin kung makapasa ka diyan." pero kinindatan niya lang ako.
"puro ka kain, ano ba yung sasabihin mo kase ?" "diba crush mo si Raze ?" hanggang ngayon ba ? Hindi naman na yata. "nuh ka ba naman, anong tanong yan ?" "sagutin mo nalang, nakita ko kasi siya nung nakaraan, may hinuhulog sa locker mo, secret admirer mo yata, nakalimutan kong banggitin sayo" "nakita mo ?" "unli ka gorl ?" si Raze yung naglalagay ng small envelopes doon ?
Baka naman iba yung nilagay niya, "hoy ba't ka tulala ?" "wala may iniisip lang ako" "may problema ba ?" "wala, bakit ?" umiling lang siya.
Pero maya-maya bigla nalang nanghampas, "anak ng, meron ako ngayon !!!" sigaw ko sakanya "para ka namang bubuga ng apoy niyan Drea. Tatanong ko lang kung anong plano mo sa birthday mo eh"
Oo nga pala, next week, after QE week. Sem break na yun e. October 31. Tapos November 6 balik na agad, ambilis bilis.
"sagot !!!" "tae naman 'to, makapangbigla." "ano nga ? Grabe 14 ka palang may boyfriend ka na, wow na wow ha." "correction, manliligaw palang." "kelan mo sasagutin ?" "pag 18 na 'ko" "t*ngina anlupet ha, 4 years, seryoso ka ?! Kaltukan kaya kita ?!" "eh hihintayin naman niya ko e, sige pag graduate nalang ng senior high, para mas makilala ko pa siya lalo."
"hindi ka parin sigurado sakanya ?" "jusq naman Den, isang linggo palang yata nung nanligaw, ano ba yang tanong mo" "ay oo pala no ?" saka siya tumawa ng malakas, parang abnormal.
"pero seryoso ka talaga ? Pag graduate pa ng senior high ?" "sino ngayon saten yung unli ?" "e tanga ka ba, 4 years kayong nasa getting-to-know stage ?" "oo, para 4 years ding interesado, sa stage lang naman na yon interesado mga lalaki, pag sinagot mo wala na, nakuha na nila e, wala ng thrill, tss" "grabe ka, parang hindi naman ganon si Jameson" "tingnan natin." then I shrugged.
Umuwi na din si Den nang dumating na sila mama, bigla ko na namang naalala yung batang lalaki na kahawig ko sa picture, kaso mukhang stressed si mama ngayon, next time ko nalang itatanong.
Naghain na ako sa lamesa, para kakain nalang kami. "may ginalaw ka ba sa kwarto namin ng papa mo ?" mahinahong tanong ni mama. "naglinis lang po ako kanina doon, pero yung lamesa ninyo hindi ko naman po pinakelaman." sagot ko. "kaya pala malinis, hahaha" then she kissed my forehead "Robert ! Kakain na, bumaba ka na dito" tawag ni mama kay papa.
"may nakita ka bang album na naka kalat sa ilalim ng shelves ?" -papa "m-meron nga po, nilagay k-ko nalang din po s-sa shelves" umubo ako ng onti matapos kong sagutin yung tanong niya. Kinakabahan ako !! "bakit ka nauutal ? Anong nakita mo ?" -mama, bakit ba pareho silang interesadong malaman yung tungkol sa album ? Niligpit ko lang naman, may tinatago ba sila ?
"ma kasi, k-kanina may n-nahulog n-na ano..." hindi ko matapos yung sasabihin ko. "na ano ?" -papa "may nahulog na p-picture, f-family picture, actually. Ako nung bata, kayo ni mama, p-pero may k-kasamang batang lalaki na medyo k-kahawig ko ? S-Sino siya ?" pagtatanong ko. Bumuntong hininga si papa, saka umiling, si mama naman, nakayuko, pero bigla ding iniba yung usapan. "kumain na tayo"
![](https://img.wattpad.com/cover/235374727-288-k733350.jpg)
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...