CHAPTER 37

3 2 0
                                    

"what do you mean ?" I asked him, naninigurado lang kung tama ba yung naiisip ko.

"Chandria, I'm falling for you. And I'm asking you, in this place, in this time, and in this perfect chance..."

His words are echoing inside my head. Halos natulala yata ako sa kan'ya ng limang minuto. Hindi mawala sa sistema ko lahat ng sinabi niya. Did he just confessed he's feelings for me ? Oo nga, paulit-ulit ka ba ?

"My ex-boyfriend's besfriend just confessed that he's already falling for me. He's asking me a permission for..."

"for ?" pang-uusisa nila Den at Szen. "for courting me." pagtuloy ko sa sinasabi ko. "WAAAHHHHHHHHH" sabay nilang tili, pero syempre mas nangingibabaw ang tinis ng boses ni Den, hinding-hindi na magbabago 'yon.

"Sabi na may gusto 'yan sa'yo e" -Szen "tama prediction ko, mapupunta rin kayo sa stage na 'yan" -Den. "what do you mean by stage ?" I asked Den. Daming alam neto. "that stage ! Magkaibigan kayo, tas mahuhulog kayo pareho sa isa't-isa, ta's kayong dalawa na yung magkakasama hanggang huli !" "kakapanood mo 'yan ng Kdrama." pambabara sa kan'ya ni Szen.

"totoo naman ah ! Tingnan mo nga yung nangyayari ngayon sa kanila ?" pang-dedepensa naman ni Den. "ewan ko sa'yo," -Szen. "pero ano na ngang balak mo ? Papayagan mo ba siyang manligaw sa'yo ? Pero kasi alam mo ? Kung ako yang nasa sitwasyon mo, hahayaan ko siya, jusko almost 3 years na din yung nakalipas since nung naghiwalay kayo ni Jameson no ! 'wag mo sabihin sa'king affected ka pa din sa kan'ya !? Hindi ka na mahal no'n ! Pinagpalit ka nga s ex e"

"Den ang dami mong sinabi, ako naman yung nililigawan !!" "OWEMJIII !!!" sigaw nilang sabay, at kay Den na naman ang nanginigbabaw. "bakit ba kayo tumitili ?" "ikaw yung nililigawan, so pumayag kang ligawan ka ?" -Den. "hindi gano'n, what I mean is, ako yung 'liligawan' niya kung sakali man na payagan ko siya." pagpapaliwanag ko.

"so ano ngang plano mo ?" hindi ko rin talaga alam. "okay, gusto ko rin naman siya, I mean-" "MAGPALIGAW KA MUNA HINDI PWEDENG KAYO AGAD !" biglang sigaw ni Den. Ano ba 'to, palaging pambubulabog ako pakulo. "MAGPAPALIGAW AKO, MAKINIG KA MUNA !" sigaw ko din sa kan'ya. Hanep neyan.

"ang ibig kong sabihin, may kakaiba rin naman akong nararamdaman sa kan'ya." "anong kakaiba ? Libog ?" "Den, pwede ba yung bunganga mo, itikom mo muna ? Napaka bastos ng bunganga mo letse ka."

"haha jabol" -Den "buti di natu-turn off sa'yo si Axel ?" pambabara ko.

"something special, yung nararamdaman ko towards Liam. I can't identify what it is, pero gusto ko siyang hayaan na gawin yung sinabi niya sa'kin kanina." I explained. "malay ba namin kung ano sinabi niya sa'yo kanina, nando'n ba kami ?" panunupalpal na naman ni Den.

Pero wala nga naman talaga sila doon kanina. "sabi niya, ipapakita niya raw sa'kin kung ano yung kaya niyang gawin, at kung ano ang real definition ng love"

"yun naman pala e, edi sana pinayagan mo na. Ano bang sinabi mo sa kan'ya after ng confession niya sa'yo ?" -Szen. "wala nang nagsalita after no'n, hinatid niya na 'ko pauwi, ta's nag thank you ako sa paghatid niya, yun lang." "bakit hindi ka pa pumayag habang magkasama pa kayo kanina ?" tanong niya ulit.

"kaibigan siya ng ex ko, hindi ba parang mali kung papatulan ko 'yon ?" I asked them, out of curiosity. "ano naman kung kaibigan siya ng ex mo ?" "I might ruin the friendship that they have."

"bakit naman masisira ? Akala mo ba babalik pa sa'yo si Jameson ? Wala na siyang pake kung maging kayo ng kaibigan niya, e kung si Liam nga yung nandiyan para sa'yo nang iwan ka ni Jameson at ipagpalit sa ex niyang mukhang betlo-" "itigil mo yang bunganga mo Den !" "logaw..."

"Chandria, wala nang magagawa si Jameson sa magiging desisyon niyong dalawa. Wala ka na dapat pang maging pakealam sa kung anong mararamdaman niya kung maging kayo man ng kaibigan niya, dahil in the first place, siya naman 'tong unang nanakit sa'yo. Nahanap mo lang naman na yung tamang tao na para sa'yo, karma niya nalang kung palpak pa yung pinalit niya sa'yo." Szen said.

"You can't stop your feelings. Kung anuman yang nararamdaman mo ngayon, let it be. Express them, express your feelings." she added.

Tama siya. Maybe, this is the right time to love again. I already loved myself completely. And I can say, that I am ready to let other person enter my life, I will never let anything or anyone ruin us again.

-----

"can I ask you something ?" I asked Liam. "of course, what is it ?" "nagmahal ka na ba ?" he stared at me for a second. "oo." he answered. "how does it feel ?" "masaya." "and ?" I asked him again.

"masaya, masarap magmahal. Kahit anong sakit na, hindi ko magawang bumitaw kasi mahal ko siya. Pero sa sobrang higpit ng hawak ko sa kan'ya, siya na yung umayaw. Pinalayo niya 'ko, sinabi niyang ayaw niya na, na nagsasawa na daw siya, pero ang totoo, may iba na pala." he sounded like, he was very hurt back then.

"but that was 5 years ago. Siguro hindi pa gano'n ka-matured yung mga pag-iisip namin no'n, pero masasabi ko naman na nagmahal kami pareho ng totoo, at naramdaman ko 'yon" he smiled at me. "may itatanong ka pa ba ?" he asked me. "kaya mo bang panindigan lahat ng sinabi mo s-sa'kin kahapon ?" kinakabahang tanong ko.

"of course. Nakita ko lahat ng pinagdaanan mong sakit nang dahil kay Jameson. At ayaw ko nang maramdaman mo pa ulit 'yon. Mahal kita Chandria, at hinding-hindi ko ipaparamdam sa'yo na karapat-dapat kang iwan at ipagpalit. Kasi deserve mo ang maging masaya." mahabang sagot niya.

"paano kung bumalik din yung ex mo ? Maiiwan ba ulit ako ?" hindi ko talaga gustong itanong yung isipin na 'yon, pero gusto ko lang na siguraduhin. "Hindi ko ugali ang bumalik sa kung ano na ang nagdulot ng sakit sa'kin. Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino man. And I promise that."

"stop promising those things. All promises are meant to be broken." sabi ko sa kan'ya. I'm not used on believing those sayings. Pero parang napatunayan ni Jameson na totoo yung mga 'yon, kaya mas okay na 'to. "I'll just prove you, then ?" my lips automatically formed a smile because of what he just said.

"I love you, Chandria... Hindi ko kakayanin na mawala ka pa sa'kin." he assured me. "now, it's my turn to ask you a question." he said. "ano 'yon ?" "Chandria, I'll ask you for the second time" he laughed.

"can I court you ?" he asked me seriously.

Hindi ko alam kung ano ang patutunguhan naming dalawa. Pero handa ako na malaman yon, kasama siya.

"pumapayag ako." Then he hugged me. I hugged him back.

-----

Ang saya lang sa feeling na makita mo na yung tao na sigurado sa'yo, at handang iparamdam sa'yo na hindi na siya mawawala pa sa'yo. Si Liam 'yon, para sa'kin.

Sa dami ng pinagsamahan namin bilang magkaibigan, sino nga naman bang mag-aakala na dito rin pala kami hahantong ?

Sa kan'ya ko unti-unting nakikita lahat ng mga bagay na ipinangako sa'kin ng tao na iniwan naman ako. I feel so lucky to have this man.

Sabay kaming nag-go grow, sabay naming naaabot ang mga pangarap namin, sabay kaming nagsa-succeed sa buhay. Sabay naming haharapin ang kung anumang problema at pagsubok ang dumaan o humarang man sa'min.

Sabay naming tutuparin lahat ng plano namin sa buhay. Sana lang ay hindi na matapos 'tong saya na 'to.



**ALLYSZXC

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon