Lumapit sa'kin si mama saka niya ako niyakap ng mahigpit. "okay lang 'yan, pwede ka pang bumawi sa susunod" she kissed my head. "tara, kain na tayo." tumingin ako kay papa, pero nagulat ako nang binigyan niya parin ako ng matamis na ngiti.
"ayos lang ang madapa minsan, pero huwag mong hahayaan na hanggang doon nalang. Bumangon ka." lumapit ako sakan'ya saka ko siya niyakap ng mahigpit. "ang importante, nagsumikap ka. Ayun ang mahalaga." marahang sabi ni papa habang hinahaplos ang buhok ko.
Umakyat ako sa kwarto pagkatapos no'n. Nagbihis lang ako ng pambahay, saka ako muling bumaba para kumain. Nadatnan ko doon si Jameson. Nagtaka ako kung paano siya nakapasok dito, e pinapalayo nga siya sa'kin ni papa. "love, nandito ka pala ? Paano ka nakapasok dito ?" mahinang tanong ko sakan'ya.
"picture ko lang 'to. Tapos nakabukas yung pinto kaya pumasok ako." inirapan ko siya. "bakit ka nandito ?" tanong ko sakan'ya. "bawal ba ? Gusto ko kasama kitang magcelebrate e" "magcelebrate ng ano ?" "for doing your best !" then he smiled at me.
Buti nalang nandito si Jameson at iba ko pang mga kaibigan para i-cheer up ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag wala sila. Kumakain kami ngayon ni Jameson ng spaghetti, naiilang na 'ko kasi kanina pa siya nakatitig sa labi ko. At maya-maya pa ay unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hinawakan niya ang pisngi ko, kaya napapikit ako.
Dumaan na ang ilang segundo ay wala parin akong nararamdamang kahit ano sa labi ko, iminulat ko ang mga mata ko, nakita kong nakangiti na siya sa'kin, saka niya pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki niya. "ang kalat..."
'napahiya ako do'n ah ?'
"Tara do'n tayo sa taas," pag-aaya ko sakan'ya. "huh ? Anong gagawin natin doon ?" ano namang iniisip nito ? "wala tayong gagawin na masama, ano ba" "baka kasi kung anong isipin nila tito..." nginitian ko lang siya.
"ang laki naman ng kwarto mo" Jameson commented. "kwarto namin 'to ni ate, kaso madalas nasa Bulacan siya." he sat on my sofa. Kinuha ko ang gitara ko, saka ko iyon inabot sakan'ya. "kantahan mo ako" inabot niya yung gitara ko, saka niya pinakinggan kung nakatono ba 'yon.
"looks like we made it, look how far we've come my baby..." he sang. Nakatitig lang ako sakan'ya habang kumakanta siya. Tumingin din siya sa'kin nang magchorus na, sinisenyasan na ako naman ang kakanta. "you're still the one, you're still the one I run to, the one that I belong to, you're still the one I want for life..." pagkanta ko.
"you're still the one that I love, the only one I dream of, you're still the one I kiss, goodnight..." pagdugtong naman niya. "sa susunod tayong dalawa naman yung kakanta sa isang entablado, maraming manonood, live 'yon !!!" -Jameson, "timang hahahaha" "ayaw mo ba akong kasama ? Ikaw yung kakanta tapos ako yung maggigitara"
Napaisip ako sa sinabi niya. "pwede naman, pero bakit mo naman naisip 'yon ? Balak mo maging singer ? Hahahaha" umiling siya. "gusto ko lang na ikaw yung makikita ng buong mundo na kasama ko sa stage." "bakit naman kakanta ? Pwede naman na sabay tayong umakyat ng stage na hawak yung mga diploma natin habang nakatingin ang maraming tao." "para may performance" "abnormal ! Hahahaha"
Nandito kami ngayon sa veranda ng kwarto ko, parehong nasa malayo ang tingin naming dalawa. "pero seryoso, hindi na ako makapaghintay na makitang sabay nating aabutin yung mga pangarap natin." sabi niya. "maghahanap ng pagkakakitaan, mag-iipon, saka tayo bubuo ng sarili nating pamilya."
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, inilapit niya yun sa labi niya saka niya ito hinalikan. "I love you so much" "I love you too..." I replied. Yumuko siya ng kaunti para magpantay ang mga mata namin.

BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Fiksi RemajaChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...