CHAPTER 17

6 3 0
                                    

It was February 13, may napapansin na talaga aong kakaiba kila Den at Szen e, nung nakaraan pa sila sobrang tahimik, laging walang imik, may ginawa ba ako sakanila ?

"hoy para namang timang, 'wag nga kayong gan'yan" kinalabit ko silang dalawa, nagtinginan lang silang dalawa, saka sabay na tumingin sa ibang direksyon. Lumipat nalang ako kanila Axel, pero bigla din silang umiwas, ano bang ginawa ko ???

Nang tumingin ako kay Jameson, tinawanan niya lang ako, feeling ko nga siya yung dahilan kumbakit ganon silang apat sakin e, inirapan ko siya, lumipat nalang ako ng upuan sa tabi ni Brace, mga abnormal, nilalayuan niyo ko ah ? Sige maglayuan tayo.

"ba't ka nandito ?" "ayaw mo din ako katabi ? edi magsama-sama kayo" maglalakad na sana ako palayo nang bigla niya ako pabalik, dito ka na, "ano ba nangyari ?"

Tumitig ako sakanya, bigla nalang ako naluha, niyakap bigla ako ni Brace "shhh, wag ka umiyak" "kainis naman kasi eh, ayaw ako pansinin nila Den..." saka ko tinuro sila Axel na magkakatabi. "baka may nagawa ka,"

"ano namang gagawin ko sakanila ? Tinatanong ko naman, pero hindi nila ako sinasagot, hindi nila ako pinapansin, tapos si Jameson naman tinatawanan lang ako..." hinihimas-himas lang ni Brace ang likod ko, para akong bata na nagsusumbong sa kuya.

Sumabay ako kay Brace nung lunch, iniiwasan din sila Den, edi wag nila ako samahan kung ayaw nila. "gusto mo milo ? libre kita, hahaha" hindi ko pinansin si Brace sa harapan ko.

Bigla siyang tumayo, sinundan ko siya ng tingin, pumunta siya sa table nila Jameson, kakausapin niya yata, biglang tumingin sakin si Jameson, kaya tinuloy ko nalang ang pagkain ko. Maya-maya bumalik na si Brace na may dalang milo, nilapag niya yon sa harap ko.

"ba't ka nakangiti ?" tanong ko sakanya, "cute mo eh." saka siya uminom ng tubig niya, "umamin ka nga, crush mo ko no ?" bigla niyang naibuga yung tubig na iniinom niya "ambaboy mo !!!" sigaw ko sakan'ya nang matalsikan din ako ng naibuga niya.

"sorry" sabi niya kahit tumatawa pa din, kumuha siya ng tissue, saka ako pinunasan. "ikaw kasi e" "ako pa ? inaano ba kita ? tinatanong lang naman kita kung crush mo ba ko." tumawa na naman siya "may girlfriend na ako tsong !!!" saka siya muling tumawa ng malakas.

Napahiya ako dun a, hindi ko naman alam eh !!! "sino ?" tanong ko sakanya, nginitian niya ako ng nakakaloko, saka siya tumingin sa kabilang table kung nasaan sila Den. OMG !!!

"GIRLFRIEND MO SI HMMMM" bigla niyang sinuksok yung malinis na tissue sa bunganga ko "oo nga !! wag mo na ipangalandakan !!" mahinang sabi niya sakin, "girlfriend mo si Szen ? magaling ka ah ? bat hindi siya nagsasabi sa'min ?!" "we keep it private." napatango nalang ako.

Kinabukasan, pagpunta ko ng sakayan ng tricycle, ay wala na sila Den. Hindi na talaga ako hinintay. "tara na" tawag sakin ng kung sino, lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Brace. "sabay na tayo, nauna na yung mga kaibigan mo doon." "at bakit mo alam ?" "malalaman mo din" then he gave me a playful wink. Tss, daming alam.

"kuya, Rose po para sa girlfriend niyo" tawag sakanya ng tindera nang makapasok kami sa gate ng school, "ate hindi ko girlfriend yan, panget kaya niyan" saka siya ngumiwi. "pero pabili po ako ng tatlo, para sa maganda kong girlfriend, na hindi ang kasama ko." Valentine's day nga pala ngayon, tss. Bitter ako kaya naauna na akong naglakad, at iniwan doon si Brace.

"hoy ! balek !" kala ko guard ng school namin tumawag sa'kin, si Brace pala "ano ?" "Selos ka girl ?" tanong niya saken,

'eww.'

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon