It's my birthday today, at kakatapos lang ng celebration. Nandito ulit si Den at Szen sa'min para sa overnight, at ngayon lang din ako nagkaro'n ng chance na makausap si Szen tungkol sa kanila ng kuya ko.
Buti nga't napilit ko pa siya na pumunta, dahil ang balak niya e magkaroon nalang kami ng pahabol na celebration, the next day after my birthday.
"ang tagal din nating hindi nagkita-kita ! Kumusta naman ?" panimula ko. "kung about school ang pag-uusapan, masasabi kong medyo mahirap nga ang maging isang law student." Den answered, then she laughed.
Minsan nga daw ay hindi na niya nakukumpleto ang tulog dahil sa mga readings.
"how about you Szen ? Kumusta studies ?" I asked her, inuunti-unti ko hanggang sa makarinig na 'ko ng balita mula sa kanila ng kuya ko. "so far, maayos naman." nakatulala lang kami sa kan'ya ni Den.
"yun na 'yon ?" tanong ni Den. Napaka-ikli naman kasi sumagot. "maayos naman lahat, walang bagsak, may kumpletong tulog, minsan." Den laughed because of her sarcasm.
"ikaw Drea ? Musta studies ? Musta rin kayo ni Jameson ?" namumulang tanong ni Den. Mukha ngang, kinikilig pa. Without knowing na wala ng kami.
"maayos din naman yung studies ko. Nagkaro'n din ako ng new circle of friends, at isang bagong best friend." I answered. "owemjiii pakilala mo naman kami !!!" Den suggested. "okay, maybe next time, kakauwi niya lang kanina."
"NANDITO SIYA KANINA ? BAKIT HINDI MO PINAKILALA SA'MIN ?!" "Sakit mo sa tainga Den." reklamo ni Szen. "e ba't naman kasi napakatahimik mo, ha ?" umiling lang si Szen sa kan'ya.
"tsk, back to your chika, so bakit nga hindi mo pinakilala sa'min ?" I sighed heavily. "pinakilala ko siya sa inyo, hindi niyo lang alam na siya yung tinutukoy ko."
"yung Liam siguro 'yon ?" Szen guessed. "pa'no mo nalaman ?" tumawa muna siya bago sumagot sa tanong ko. "tahimik lang ako, pero nakikita ko bawat galaw niyong lahat. Palipat-lipat ka ng pwesto sa'min at sa pwesto ni Liam." napatango ako sa sinabi niya. "saka hoy Drea, ba't wala yung jowabelz mo kanina dito ?" Den asked.
Maybe, this is the right time to tell them. "wala akong 'jowabelz' at the moment. Tss." bumaling ako sa ibang direksyon, saka ko pinagtuunan ng pansin yung kuko ko sa kamay. Napaka-awkward.
"ha ?" -Den. Looking so confused. "it's been three months, almost four actually, since we broke up." I answered honestly.
"bakit hindi ka nagsabi sa'min ?" Szen asked me, she's concerned, I know. "wala tayong time para pag-usapan 'tong sarili kong problema. Ako naman yung involved, kaya ako lang naman siguro yung may kailangan na magsolusyon nun." sagot ko.
"pero kailangan mo ng makikinig, mapagsasabihan." rebat ni Den.
"Liam was there for me..." ibinalik ko ang tingin sa kanilang dalawa, at silang dalawa naman ngayon ang nagtinginan. Muli na namang tumahimik ang paligid kaya ibinaling ko ulit ang paningin ko sa ibang direksyon. Nang biglang tumili ang dalawa.
"WAAAHHHHHHH !!!" napatakip ako ng tainga, dinaig ni Den yung nakalunod ng mic, mas grabe pa siya do'n.
"sabi na eh, magkaibigan lang ba talaga ?" ako naman ngayon ang natahimik at napatitig sa kanila. "oy Drea, alam ko yang mga gan'yang itsura mo ha, may nararamdaman ka na namang kakaiba no ?" sa aming tatlo, si Den talaga ang laging tamang hinala.
"eh kasi nam-" "WAAAHHHH" "anak naman ng tinapa, sige magsitilian nalang kayo diyan." tumayo na ako, pero hinila ako ni Szen pabalik.
"sa'n ka pupunta ? Dito ka lang." "sana all nagsi-stay." sabat ni Den. "Teka, bakit nga pala muna kayo naghiwalay ni Jameson ? Eto namang si Szen kasi pinunta agad kay Liam, bakit muna dapat naghiwalay !!"
"ako pa talaga ah, ikaw 'tong kumukunsinti pag dating sa kalandian e." pambabara ni Szen. "hoy mapanakit ka ah" napailing nalang ako sa kanilang dalawa.
At ikinuwento ko sa kanila kung ano ang buong nangyari, hanggang sa nagkalapit kami ni Liam.
"feeling ko gusto ka rin niya." -Den. "ikaw, kanina ka pa. Tigil-tigilan mo ko sa mga 'feeling - feeling' mo na yan ha. Sa'yo na 'yang feeling mo" pambabara ko sa kan'ya. "sinasabi lang naman eh..."
"ikaw, kumusta kayo ni Axel ?" I asked her, gusto ko talagang malaman 'yon, pero mas gusto ko nang malaman yung tungkol sa kanila Szen at sa kuya ko. "ayon, masaya pa din naman, low-key, legal both sides, pero hindi naman namin itinatanggi kung ano yung meron kami sa tuwing may nagtatanong." saya naman pala ng buhay pag-ibig neto.
"Szen, haw bawt yu ?" -Den. Napatitig ako ng seryoso kay Szen, habang mukhang excited pa si Den sa isasagot niya. Hindi rin yata siya nagsabi si Szen sa kahit sino. "okay lang naman, pero..."
Nakatitig pa rin ako sa kan'ya nang biglang lumipat ang tingin niya sa'kin. "pero we're taking a break at the moment." she sighed. "what do you mean by taking a break ?" pang-uusisa sa kan'ya ni Den.
"cool-off." maikling sagot ni Szen. Kung si kuya nagsusungit, si Szen naman paikli ng paikli ang mga sinasabi.
"ano namang dahilan ng 'cool-off' niyo" Den asked again. "sorry, pero sa amin nalang muna kasi sana yun ni Brace..." hindi na namin siya kinulit pa ni Den. She also needs a privacy even we're bestfriends. Hindi naman kailangan na lahat ng nangyayari sa buhay niya, sasabihin niya rin sa'min. Pero sana maging okay na din sila kaagad ni kuya.
"that's okay, next topic ?" -Den. Nag-isip muna ako ng pwedeng maging topic. Pero nang-usisa na agad si Den tungkol sa amin ni Liam. "sa tingin mo ba pwedeng maging kayo ?" "what do you mean ?" nakakalito rin talaga minsan kausap 'to. "pag... Pag nanligaw sa'yo si Liam, would you give him a chance ?"
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Kaibigan siya ng ex ko. Saka hindi naman ako gano'n kabilis magmove on. Hindi madaling magmove on lalo na kung minahal mo talaga ng sobra yung taong 'yon. Yung tipong akala mo siya na yung makakasama mo habang buhay, tatanda ka kasama yung taong 'yon, pero hindi pala.
"hindi ko pa alam" I answered honestly. "bakit naman hindi ? Gwapo naman 'yon !" pamimilit ni Den. "hindi pa ako handang magmahal ulit. Hindi pa nga ako naghihilom e." "si Jameson nga may Xyra na e." napatitig ako saglit sa sahig.
Naalala ko na naman, Den talaga. Pinigilan ko ang sarili ko na umiyak na naman.
"Hindi naman porke may iba na siya, dapat may iba na din ako. Gusto ko, kung magmamahal ulit ako, yung buo na ako. Hindi yung memasabi lang na nakamove on na ako, kasi kita nila na may bago na rin ako." pagpapaliwanag ko.
"I'm sorry..." Den apologized. "ayos lang, totoo naman, hahaha"
"it's okay, Drea. Makakausad ka din. Lalaki lang 'yon." -Szen.
Kumain muna kami pagkatapos no'n, saka sila umuwi.
**ALLYSZXC
![](https://img.wattpad.com/cover/235374727-288-k733350.jpg)
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...