CHAPTER 15

10 4 0
                                    

May pasok na ulit, hinahanda ko na ang bag ko para sa schedule namin ngayong araw, susunduin daw ako ni Jameson ngayon, at mukhang mapapadalas na iyon.

Nagsasapatos na ako nang bigla akong tawagin ni mama "nak nandito na si Jameson, bilisan mo na diyan !" "pababa na po ako !" pababa na ako nang hagdan nang bigla naman akong tawagin ni papa, kalalabas niya lang ng kwarto nila ni mama.

"ligaw muna ha ? bawal pa, pagbutihin mo pag-aaral mo." niyakap ko si papa bago ako bumaba ng hagdan.

"good morning !" Jameson greeted me, "morning..." I greeted him back. "ma, una na po kami..." "sige sige, mag-ingat kayo ha ? Jameson ingatan mo yang anak ko." sagot ni mama. "hindi niyo na po kailangan pang sabihin yan, tita. Hahaha"

Bitbit ni Jameson ang bag ko, kahit mabigat din yung bag na dala niya, "hindi mo naman na kasi buhatin pa yan, kaya ko naman e" "mabigat kaya" "kaya nga, tapos mabigat din bag mo" "kaya ko naman, malapit na tayo sa room oh, ngayon ka pa nagreklamo. Hahahaha" "hoy kanina pa kaya kita kinikulit."

"sila Den ? Wala pa ?" tanong ko kay Szen. "nagdate pa yata sila ni Axel, tss ang aga aga kelalande." "ba't kase ayaw mo kay Darren ? Hahahaha" "kadiri ka, si Riva yung gusto niyan." "e ikaw ?" tinitigan niya lang ako saglit saka siya umiling.

Feeling ko may nakakausap nadin to e, hindi lang nagsasabi. "umamin ka nga saken, Sabel." "'wag mo kong tawagin ng sabel, tatampalin kita" "hahahaha, sinooooo ?" "andiyan na sila Den, oh." obviously, she's changing our topic.

Pinanliitan ko siya ng mata, saka ako bumalik sa upuan ko. Dumating na din ang teacher namin, kaya nagsimula na ang klase. "kanila Chavez at Cortes ba ? ano na ang ganap sainyong dalawa ? kamusta ?"

Hindi ko alam kung paano biglang napunta doon ang topic, nagsasagot lang naman kami ngayong ng pinapagawa niyang seatwork, ta's biglang napunta samin yung topic ?

Inangat ko ang tingin ko sa teacher namin, tinaasan niya ko ng kilay, saka siya ngumiti ng nakakaloko. "Cortes salita !!!" biglang sumigaw si sir, anong trip neto ?

Nagtatawanan na yung iba naming mga kaklase, inaasar na din kaming dalawa ni Jameson. "eto si Ramos patawa tawa lang, pero may something na pala sakanila ni Nicholas. Ano na Darren ? Ba't di mo pa ligawan, ha ? Tingnan mo si Jameson oh. Hahahaha" Nagtawanan ang buong klase dahil sa asaran na naganap.

Lunch na namin ngayon, isang subject nalang, uwian na. Maaga uwi namin ngayon eh. "nakailang bunot ka na sa ginawa ko ?" tanong ni Jameson na nakaupo ngayon sa harapan ko.

"four. Bumunot ako ng isa nung birthday ko e, thank you ah ? Grabeng effort yun." "you're welcome." then he smiled at me. "uh- kelan pala birthday mo ?" sa tagal na naming magkakilala, 'di ko alam kung kailan ang birthday niya. "May 10." he answered, I nodded.

Pag-uwi ng bahay, ginawa ko na agad yung mga assignments kahit hindi pa bukas yung pasahan ng iba, para wala na akong po-problemahin pa.

After no'n, naglinis muna ako saglit ng bahay, saka ako umidlip saglit. Inantok ako sa pagod. Mag-aalas nueve na nang magising ako. Wala ng tao sa baba, nagmumog muna ako, saka ako kumuha ng makakain ko. Nagcheck din muna ako ng notifications ko sa mga social media accouts ko, bored ako e.

Gusto ko ng matulog, kaso hindi ako makaramdam ng antok. Kaya kinuha ko ulit ang phone ko, para ichat si Jameson.

To: Jameson Darnell
Gising ka pa ?

Fr: Jameson Darnell
Yeppp. Why ? Di ka makatulog ?

To: Jameson Darnell
Oo e...

Fr: Jameson Darnell
Pareho tayo, call gusto mo ?

To: Jameson Darnell
sigeeee.

'Jameson Darnell is calling you on messenger'

[good evening, I love you]

'tae naman. asdfghjkl.'

"ano pwedeng gawin ? gusto ko matulog pero 'di ko magawa, kainis." [kakantahan nalang kita, anong gusto mong kanta ?] "kahit ano.

He started strumming the strings of his guitar, then he started singing after a while [I look at her and have to smile as we go driving for a while, her hair blowing in the open window of my car, and...] I closed my eyes as I listened to his cold voice.

[Oh and I've got all that I need, right here in the passenger seat...] how can he do this to me? even if it's a very small thing, as long as he's the one doing it, it makes me smile.

[Oh and I can't keep my eyes on the road, knowing that she's inches from me...] he continued singing, until he had finished the whole song, he strummed his guitar once, to end his performance.

[did you like it ?] "sobra..." [gusto mo na ba matulog ?] "oo, nakakaramdam na ako ng antok. Hahaha" [sige matulog ka na, good night, my love. Sleep tight. I love you...] Then I ended the call.

Time flies so fast. It's already 10:00PM of December 24. Naghahanda na kaming salubungin ang pasko. Lumuwas din si ate dito sa Manila para sama-sama naming sasalubungin ito. Pero kasing parang may kulang padin.

Parang mas masaya kung kasama namin dito si kuya Charles, kaso hanggang ngayon, wala parin kaming balita sakanya. Kuya ang tawag ko sakanya dahil siya daw ang huling nilabas nung ipinanganak kaming dalawa, at ang sabi, masmatanda daw ang huling lumabas.

Mag-isa ako ngayon sa kwarto ko, dahil wala akong magawa. Nanonood lang ako ng kung anu-anong movies na wala din akong maintindihan, andaming tumatakbo sa isip ko ngayon. Nasasabik akong makita yung kakambal ko, kailan ko kaya siya ulit makikita ?

Inalis ko na muna sa isipan ko ang tungkol don, at mas inintindi ko ang pinapanood kong palabas. Maya-maya ay tinawag na din ako ni mama sa baba. Dinala ko ang cellphone ko dahil wala naman akong gagawin doon.

11:45PM na, 15 minutes nalang, pasko na. I opened my cellphone, saka ako nagchat sa GC naming anim. 'advance Merry Christmas !!!' that was the message I sent, wala pang isang minuto ay umingay na din ang groupchat namin, andaming nag-uusap doon tungkol sa kung anu-anong bagay na hindi related sa pasko, mga wala din yatang magawa.

Naalala ko yung binigay sakin ni Jameson na locket necklace, binuksan ko yun at muling pinagmasdan ang mukha naming dalawa.

"MERRY CHRISTMAAAAAS !!!" biglang sigaw ni papa, tumayo ako galing sa pagkakahiga ko sa sofa, he handed me a rectangular box, wrapped with a christmas gift wrapper.

Tinanggal ko ang balot non, at nakita ko ang box ng isang sapatos. Tumingin ako kay papa, he smiled and nodded at me, sinasabing tanggalin ko ang takip non. And there I saw a pair of shoes !!!

This is the shoe I have been wanting for a long time !!! I looked at him again, I hugged him tightly. "thank you papa !!" "hahaha, basta pagbutihan mo lang ang pag-aaral mo, 'wag kang magpapasaway, yun lang." tumango ako sakanya.

Nagbukas muna kami ng mga regalo, saka kami kumain. Binuksan ko ulit ang phone ko para batiin si Jameson ng merry christmas. Pero may message na siya sakin, naunahan ako hahaha.

Fr: Jameson Darnell
Merry Christmas, my love !!! I love you !!!

I smiled as I read his text message.

To: Jameson Darnell
Merry Christmas din po !!!

Fr: Jameson Darnell
I miss you na. :((

To: Jameson Darnell
Ako din. :))

Maya-maya ay naka receive din ako ng message kay Brace.

Fr: Brace Cameron
Merry Christmas sistahhhh ;)

To: Brace Cameron
Hahahaha, Merry Christmas din brothahhhh

Parang abnormal, naalala ko yung binigay sakin ni Jameson nung birthday ko, umakyat ako ng kwarto ko, saka ulit ako bumunot ng isa. Color light blue iyon.

'You're so beautiful, I will never get tired of loving and choosing you every day, I love you so much !!!'

Am I falling for Jameson ? Why do I feel like I love him too ?



**ALLYSZXC

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon