CHAPTER 32

6 3 1
                                    

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Liam na natutulog sa sofa, malapit sa kamang hinihigaan ko. "hey," napatayo siya bigla nang tawagin ko siya, mukhang gulat na gulat. "g-gising ka na !" tumango-tango lang ako sa kan'ya. "yung mga kabarkada mo ?" he looked on his watch. "nauna na sila, tara na, mag-a alas seis na."

Inalalayan ako ni Liam na tumayo sa kama na hinihigaan ko. "kaya ko naman, yung mga gamit ko ?" I asked him. "nasa sasakyan ko na. Binilin ka sa'kin ni Jameson. Sa'kin ka muna sasabay for the mean time."

"hanggang kailan 'to ?" I asked again. "what do you mean ?" he asked back. Confused. "hanggang kailan yung set up na sa'yo ako sasabay ?" paglilinaw ko, habang naglalakad kami papunta sa parking lot, kung nasaan ang sasakyan niya.

"hanggang sa may mukha na siya na kaya niyang iharap sa'yo, tss." he whispered. I don't know what does he mean. So I just pretended that I didn't here anything.

He opened the door of the passsenger seat for me. Matapos 'yon ay umikot siya papunta sa driver's seat. Tulala lang ako sa labas ng bintana, matapos niyang gawin ang mga 'yon. Maya-maya pa asy dahan-dahan siyang lumapit sa'kin, kaya naman mas ginitgit ko ang sarili ko sa sulok ng sasakyan niya. "yung seatbelt mo, hindi pa nakakabit." I was a bit embarassed. Akala ko may kung anuman siyang hindi magandang intensyon.

Ako na ang nagkabit ng seatbelt ko. He turned the radio on, before he start driving. [I'll never go ~ playing] as the song plays, I remember all of those memories that we had. Everytime that he sings a song and plays a guitar for me. Those songs that has a hidden message that he wanted to tell me.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. At kasabay no'n ang pagbuhos din ng luha sa mga mata ko. Hindi ko na alam kung may maslalala pa ba sa mga nangyayari na 'to.

't*ngina ang sakit. Paano na yung mga pangarap namin na sabay naming tutuparin ? Paano na yung mga plano namin ? Ako nalang ba mag-isa yung tutupad ng mga 'yon ? Akala ko ba ako yung mahal niya ? Ako nga yung mahal, pero minahal lang pala 'ko, habang hinihintay yung masminahal niya.'

"Chandria, we're here." pinunasan ko ang mga luha na walang tigil sa pagpatak. "salamat sa paghatid" he just smiled at me. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan niya ulit ako ng pintuan. Lumabas na agad ako ng kotse niya, saka ako nagmamadaling pumasok ng bahay namin.

"nak, gabi na ah ?" pagsalubong sa'kin ni papa. "malakas ang ulan, bakit hindi mo muna pinatuloy si Jameson sa loob ? Mukhang bago ang sasakyan-" "hindi po si Jameson yung naghatid sa'kin" I answered, bago ko inabot ang kamay ni papa para magmano. "e sino ang naghatid sa'yo ?" sunod naman na tanong ni mama. "kaibigan po ni Jameson." saka inabot ang kanyang kamay, para magmano.

"sino ? Si Axel ?" tanong ulit ni mama "s-si Liam po, tiga kaparehong university po na pinapasukan namin ni Jameson." "may ibang kaibigan pa pala ang binatang iyon maliban aa dalawa" she laughed.

Umakyat na ako papunta sa kuwarto ko, para magpalit ng damit. Nang makasalkubong ko si kuya Brace na naka sandal sa pintuan ng kuwarto namin ni ate, habang naka crossed-arms. "anong itsura 'yan ? Ba't mugto yang mga mata mo ?" mapang-usisang tanong ni kuya. "wala 'to." I answered him.

Gumilid na ako sa kan'ya, pero hinarangan niya ulit yung daraanan ko. "tumingin ka sa mga mata ko." he commanded.

Wala akong ibang nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Hindi ko na napigilan. Nag-unahan na naman sa pagtulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo. "k-kuya k-kasi-" I sobbed in tears. "shhh, saka mo na sabihin sa'kin lahat ng 'yan, magbihis ka na, mamahinga ka muna." I nodded.

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon