"oh bat ganyan itsura mo ?" ate Jana suddenly asked me. "anyare sa'yo ? Gusto mo donut ? Meron pa sa ref." "ano oras ka nakauwi ?" tanong ko, iniiba yung usapan. "kanina pang tanghali, mga 12:30, saturday class kayo ?" "oo, suspended last monday e," "magbihis ka, aalis tayo" nagtataka man, nagbihis nalang din ako.
I'm wearing a simple black n' white cropped top, paired with a color light blue high waisted denim jeans and a black Denill sneakers. I brought my simple black sling bag with me, so that I can put my things like cellphone, handkerchief and wallet.
"tara na, san ba tayo pupunta ?" tanong ko kay ate, "punta tayo mall, ayaw mo ? Sama mo na din mga kaibigan mo kung gusto mo" "sure ka ?" "ayaw mo ?" kinuha ko agad yung cellphone ko at isa isang minessage sila Den, Szen, at Brace, pare-pareho lang yung sinend kong message sakanila.
'kita tayo sa gate ng village namin, punta kami ni ate sa mall, ayain daw kita"
Hindi ko na nabanggit na silang tatlo yung inaya ko kaya naman pagkita kita namin sa gate e, andaming tanong. "akala ko ba tayo lang ? Chinat ka den neto ?" tanong ni Den kay Brace, pinakita naman ni Brace yung chat ko sakanya. Hinila ni Szen yung buhok ko "kala ko ba kay Jameson ka na ? Bat kasama dito si Brace ?" bulong niya sakin. "ayain ko daw mga kaibigan ko sabi ni ate, eh..." "eh ano ?" "wala, tara na nga, sa kanto na tayo dadaanan ni ate" nagtinginan pa yung dalawa saka nagtaasan ang mga kilay.
"Chandria, come here" tawag sakin ni Brace. "mainit kaya, makisilong ka muna sakin, tss" dagdag niya pa. It's 3:30PM na, kaya mainit sa labas. Hati na sila Den at Szen sa payong, si ate naman may dala na para sakanya lang, tumatawid na kami ngayon papunta sa mall. "ano daw ba gagawin natin dito ?" tanong ni Den. "di ko alam, papasyal siguro, sahod na ata niya e, trip niya manlibre" sagot ko, saka kami nagtawanan.
Maya maya pumunta kami sa common fast food chain lang din. Pare-pareho lang kami ng order. Spaghetti, rice & Fried chicken !! Tig-isa kami ng sundae at coke float.
"huy andaya bat anlaki ng balat ng manok ninyo ? Saken anliit ?" reklamo ko. Maya-maya tinanggal ni Brace yung balat ng manok niya, saka niya nilipat sa plate ko. "sure ka ?" tinanguan niya ako, "sa'yo nayan" then he smiled. "hala want ko din ng balat" parinig ni ate, kinurot pa ko sa tagiliran, binigay na sakin ni Brace lahat ng balat ng manok niya. "sanaol binibigyan ng balat ng manok wahahaha" pagpaparining ni Szen. Tiningnan lang siya saglit ni Brace.
Sunod naman, pumasok kami sa stall na common brands lang din ng mga sapatos. "pili na kayo, isang pair lang ah ?" sabi ni ate. Ambait niya naman ngayon ? Nagkajowa na yata, hahahaha. Habang pumipili sila, nakaupo lang ako sa benches, katabi si ate. "hoy kaano-ano mo yung Brace ? Sumbong kita kay mama may boyfriend ka na ah" banat ni ate. "hindi ko siya boyfriend abnormal, wala akong jowa, baka ikaw yung meron, ganda ng mood mo ngayon e." sagot ko.
While waiting for them, I received a message from Brace.
'choose your shoes, pati si ate mo, I'll pay for it.'
To: Brace
Sigurado ka jan ?Fr: Brace
Di ako magsasabi kung hindi ako sure, :>"ate arat na, pili daw tayo sapatos, si Brace magbabayad wahahahahaha" pangangalabit ko kay ate. "kapal ng mukha mo, ako nga manlilibre eh" "siya nagsabe no ! Tara na, ngayon ka pa mahihiya" pambabara ko.
Dumiretso na kami ni ate sa counter nang makapili na ng sapatos para magbayad, doon nalang daw kami magkita sabi ni Brace. Bayad na yung sapatos nila Den, si Brace hindi kumuha, kaming dalawa nalang ni Brace yung pumila para sa sapatos namin ni ate, mura lang kinuha ko, nakakahiya e. May kinukwento sakin si Brace that time, elem days niya, natawa ako sa kwento niya, and habang tumatawa, may nakita ako sa glass wall ng stall na lalaking balot na balot sa damit, pero umalis din agad.
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Ficção AdolescenteChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...