CHAPTER 29

5 2 0
                                    

May inabot sa'kin si Jameson na damit at tuwalya. "change your clothes." pumasok ako sa CR ng pinasukan naming kwarto, guest  room yata 'to. Neat white T shirt ang ibinigay niya sa'kin, sakan'ya yata 'to dahil masyado siyang malaki para sa'kin. Mukha akong nakadress.

Lumabas din agad ako nang matapos akong magbihis, "saan ko ilalagay 'to ?" pagtukoy ko sa nabasa kong damit. Pero hindi siya sumagot. Nakadress ako kanina, at may suot naman akong cycling. Kaya ngayon, cycling lang ang pang-ibaba ko. "where are you staring at ?" I asked him. "dito ka nalang muna" "huh, bakit ?" he's staring at my legs.

"ano meron ?" I asked again. "hintayin mo ko dito" saka siya lumabas ng kwarto. Nang bumalik siya, may hawak na siyang jersey shorts. "wear this." kinuha iyon sa kamay niya, saka ak bumalik ng CR. Ni-tuck in ko nalang yung T shirt, para naman medyo maayos tingnan. "tara na ?" pagtatanong ko ulit pero hindi na naman siya sumagot.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko. Unti-unti siyang humakbang palapit sa'kin, saka niya ako hinalikan. Smack lang 'yon. "I love you" "I love you too." hinawakan niya na ang kamay ko, saka kami naglakad pabalik sa baba.

Nag-iinuman na ang iba sa mga kaibigan niya, kasama na doon sila Darren at Axel. "Drea, tara dito !" pagtatawag nila sa'kin. "umiinom ka ba ?" tanong sa'kin ni Jameson, umiling ako sakan'ya. "baka magsuka ka lanh niyan, kung ano pa mangyari sa'yo" "hindi yan" lumapit ako kanila Darren, saka ko tinanggap yung shot glass na inabot nila.

Hindi ko alam kung anong alak yung nasa baso na 'yon, pero deretso kong ininom yun. Parang may kung anong mainit na gumuhit sa lalamunan ko, napapikit ako ng madiin dahil do'n. "'wag niyo masyadong painumin yan, hindi yan umiinom." rinig kong sabi ni Jameson sa kanila Axel. "yes master" umiling lang sakanila si Jameson.

Nakaka anim na yata o walong shot na ako ? Hindi ko na bilang, pero ang sakit na ng ulo ko, parang mabibiyak. "huy tawagin niyo na si Jameson, yari kayo" hindi ko na alam kung sino sakanila yung nagsasalita. Sinubukan kong idilat muli ang mga mata ko pero umiikot lang yung paligid.

"sinabihan ko na kayo, tingnan niyo nga yung ginawa niyo. Tss." inalalayan ako ni Jameson maglakad. "paakyat na namen teyo ? Kanina umekyat na teyo dito haa ?" pagtatanong ko sakan'ya. "hindi mo ko kinakausap, hindi mo na 'ko mahal ?" pinaghahampas ko yung dibdib niya.

Muntik pa kaming mahulog, kaya binuhat niya nalang ako, bridal style. "ang galing mo pala humalik, sino nagturo sa'yo ?" "siguro si Xyra ?" dinuro-duro ko pa siya. "ba't 'di ka makasagot ? Siguro totoo ?" naramdaman ko nang dahan-dahan niya akong ibinaba sa malambot na kama. Hindi ito yung kwarto na pinasukan namin kanina, tapos kaamoy niya din yung kama. Kwarto niya yata 'to.

Pagkagising ko, nakita ko si Jameson na natutulog sa upuan na pang-isahan lang, nakaupo siyang natutulog. May nakabalot na di'ng kumot sa'kin. Inilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. Nasa'n nga ba ako ?'

Dumiretso ako sa CR ng kwarto na 'yon para maghilamos at magmumog. Paglabas ko, tulog parin siya. Nilapitan ko nalang yung upuan na tinutulugan niya malapit sa kama na tinulugan ko. Yumuko ako ng kaunti para masmatitigan ng malapitan yung mukha niya.

Ang payapa niyang tingnan pagtulog. Ang gaganda talaga ng features niya, jusko kailan ba 'ko matatapos na puriin 'tong nilalang na 'to ?

Napaderetso ako ng tayo nang biglang dumilat si Jameson ! Napaatras din ako kaagad, pero bigla akong napatid sa sarili kong paa. Nahawakan ako ni Jameson sa likod ko, kaya sabay kaming bumagsak sa kama niya.

"good morning !!" I awkwardly said. Hindi siya nagsalita, bigla niya nalang akong hinalikan na naman, saka siya umalis sa ibabaw ko !! "hoy ! Nakakailan ka na ah ?" "ayaw mo ba ? Bawi lang 'yon, dami mong ebas kagabi e." "anong ebas ?" "dami mong sabe, kung anu-ano sinasabi mo, hahaha" "gaya ng... ?" "kiss muna para sabihin ko" binato ko siya ng unan. Tss.

Hinatid niya na ako pauwi sa bahay namin pagkatapos naming kumain ng almusal sa mansyon nila. Ipinaalam pala niya ako sa kanila papa, buti naman. Nalasing ako kagabi, grabe ano kaya mga pinagsasabi ko no ? May ginawa ba akong ka-eng-engan ? Tinatanong ko si Jameson pero ayaw niya naman sabihin, nakakainis.

July na, at ngayon na ilalabas yung results ng mga nakapasa sa university na pinagtake-an ko ng entrance exam. Sana naman pasado ako. Sabay kaming nagtake ni Jameson ng entrance exam nung February.

"nak, nandiya'n na si Jameson" -mama, sumilip ako sa pintuan ng bahay namin para salubungin si Jameson ng mahigpit na yakap. "I missed you..." Jameson whispered. "I missed you, too." sabay kaming naglakad papunta sa sala namin, nakahanda na yung laptop sa lamesa na nasa harapan namin, waiting for the results.

"nakakakaba naman 'yan, pa'no pa kaya pag sa board exam na yung hinihintay niyong results ?" -mama, "bakit ka kakabahan, alam naman natin na kayang kaya 'yan ni Chandria, di'ba nak ?" ngumiti nalang ako kay papa.

'UST 2020-2021 Qualifiers
Bachelor of Science in Business Administration

52. Chavez, Chandria Kylie Gabion'

Natukop ko ang bibig ko sa tuwa. "ano ?" tanong ni mama, tumango-tango na lamang ako sakan'ya. "salamat sa Diyos !! Congratulations !!" lumapit si mama sa'kin saka niya ako niyakap ng mahigpit. "congrats, pagbutihin mo lalo ha ?" -papa, nginitian ko siya, saka niya din ako niyakap.

Humarap naman ako kay Jameson, kagaya nila mama, binati niya rin ako at niyakap ng mahigpit. Sunod naman naming tiningnan yung results ng sakan'ya, at kagaya ko naman, nakapasa din siya. Ni-congratulate din siya nila mama.

Kinabukasan ay nagkaroon kami ng maliit na salo-salo, lumuwas din si ate galing ng Bulacan para magkakasama kami, inimbitahan ko din maging ang ilang mga kaibigan ko.

"kumusta naman kayo ni Jameson ?" Szennaiah asked. "mas okay pa kami sa fine" tinawanan niya lang ako, "baka mamaya mabalitaan ko nalang hiwalay na kayo ah ?" pambabara nito. "wala namang ganyanan, uy. Baka nga kayo na ni Brace yung hiwalay no'n." "masmatibay pa sa bato yung relasyon namin ni Brace nuh."

"ano na palang balita sa nawawalang kapatid ni Brace ?" I suddenly asked, naalala ko lang din, wala na kasi siya gaanong nababanggit sa'kin tungkol doon. Szen stared at me for a while. "nakilala niya na." then she smiled at me. "oh my God..." "sabi niya sa'kin, nameet niya na pati parents nung kapatid niya, pero ayaw niya sabihin sa'kin kung sino."

'Ba't naman kaya niya ililihim yun kay Szen ? Girlfriend niya naman siya ah ? And one more thing, nameet niya na yung parents ?'

'Sino ba kasi 'yon ?'

Midterm na namin next week. Naghahanda na ako ngayon para doon. Ang daming rereviewhin. Nagfocus ako sa pagrereview para naman may maisagot ako doon.

It's already 6:00PM, ang bilis ng oras ! Nagpahinga ako saglit, isang subject nalang naman yung irereview ko, malapit na ako matapos. Tinawag na ako ni mama sa baba para kumain.

Katatapos ko lang maghugas ng mga pinagkainan, nang tawagin naman ako ni mama sa sala. "bakit po ?" ngumiti siya sa'kin, tumabi nalang ako sa kinauupuan niya. "yung k-kapatid mo..." biglang nag-iba ang emosyon ko sa sinabi ni mama. Lumingon siya sa bukana ng pinto, kaya naman sinundan ko lang ang tingin niya.

Hindi ko inaasahan na siya pala ang kapatid ko. Siya yung madalas kong makasama. Kaya naman pala gano'n nalang siya kalapit sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, at unti unting bumilis ang paglalakad ko papunta sa kaniya. Nag-uunahan na sa pagtulo ang nga luha ko, niyakap ko siya nang makarating ako sa harapan niya.

"kuya..." bigkas ko habang humihikbi. "k-kuya Brace..." I whispered. "bunso... Nandito na si kuya, tahan na..." mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kaniya. "shh..." hinihaplos niya ang buhok at likod ko habang nakayakap ako sa kaniya.

"bakit ngayon k-ka l-lang ?" I asked him. "sorry..." unti-unti na kaming lumayo sa isa't isa. Inaya na kami ni mama na pumasok sa loob.



**ALLYSZXC

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon