My cheeks are soaked with my tears, after I heard everything about our brother. I have a twin, a Fraternal one. We are not the same gender, and we have no similarities of facial features. Maybe when we were kids we had a resemblance, but it was 9 years ago when mom last saw my twin, and she said, our appearance changed a lot.
And according to her, my twin was 31 minutes older than me, sabi daw kasi ng iba, masmatanda daw yung huling lumabas.
"pwede ba natin siyang puntahan ?" tanong ko kay mama habang nagpupunas ako ng pisngi. Dahan-dahan siyang umiling, "matagal na silang lumipat ng tinitirahan, hindi ko alam kung nasaan na sila ngayon" gusto kong makilala yung kakambal ko, "alam na po ba ni ate ang tungkol dito ?" tanong kong muli. Tumango si mama, "matagal nang alam ng ate mo ang tungkol dito" she wiped her tears, "bakit ngayon mo lang sinabi sakin, ma ? Buong 13 years ng buhay ko wala akong naalala na may kambal pala ako" "bata ka pa nun nang kunin satin ng demonyong yon yung kambal mo, at sa tingin ko, pag ngayon ko sasabihin, maiintindihan mo na." she gave me a small smile, I smiled back and nodded at her.
She hugged me tightly, and I hugged her back, kailan ko kaya ulit makikita ang kakambal ko ?
Nag-usap pa kami ni mama ng onti, saka ako natulog, exam na namin bukas, kailangan kong maipahiga yung utak ko, grabe ang dami ko palang hindi pa nalalaman.
May kambal ako. Anak kami sa labas. My mom was raped by our own dad, kaya pala minsan, ganun makitungo sakin si papa, hindi niya ko anak, pero kahit ganun, ramdam ko padin yung concern niya sakin, yung pagmamahal ng isang ama na kailangan ko.
Maaga akong nagising, kaya maaga na din akong naghanda. Nagdala narin ako ng mga libro sa subjects na i-eexam namin ngayon para makapagbasa-basa ulit ako pagdating ng school. I ate my breakfast after taking a bath, saka ako nagsuot ng medyas at sapatos.
"yung baon mo nak, baka makalimutan mo, basahin mo muna ng maigi yung instructions bago ka magsagot, okay ?" paalala ni mama, then she kissed the side of my head. "alis na po ako !" paalam ko.
Pagpunta ko sa gate ng MK Village, wala pa sila Den, inopen ko ang phone ko saka ako nagbasa sa gc naming tatlo, nauna na pala sila, nang ililigpit ko na ang cellphone ko, biglang may nanggulat sa likod ko. "hoy !" sabay kalabit sa balikat ko, pagtalikod ko, nakita ko si Brace, "uy, ginagawa mo dito ?" wala sa sariling tanong ko. "malamang mag aabang din ng tricycle." saka niya ko inirapan, parang bading. "ba't di ka maghelicopter papunta sa school ? Mayaman naman kayo" binatukan niya ko ng medyo malakas, aba mapanakit ah ?
"masaket yon ah ?" "tss, tara may tricycle na, sabay na tayo" tumango nalang ako, saka sumakay sa loob, katabi ko siya. I felt my phone beeped, binuksan ko yun saka ko binasa ang message na galing kay Jameson.
Fr: Jameson Darnell
Nasa gate na me, wait kita here.To: Jameson Darnell
Sige po, otw na ko.Fr: Jameson Darnell
Wow 'po'. Sige, bilisan mo na po, gusto na kita makita.Napangiti ako sa nabasa kong reply niya. Kinikilig ako, tae neto. Rereplyan ko na sana siya nang mapansin kong nakikitingin si Brace sa cellphone ko. Bigla siyang umiwas ng tingin at ngumiti na parang nagpipigil ng tawa, kumunot ano noo ko saka ko siya piningot sa tenga. "ba't ka tumatawa ? Chismoso ka ah ?" umiling nalang siya, tae nakakahiya.
To: Jameson Darnell
Ako din po.Biglang bumulaslas sa tawa tong katabi kong abnormal. "peste ka kanina ka pa tawa ng tawa diyan, nagseselos ka ? O inggit ka lang ?" "hahahaha, nagseselos nga ako e, hiwalayan mo na yan, apaka corny hahahaha" sagot niya. Men anong corny don ?
"mauna ka ng pumasok susunod nalang ako, hinihintay ka daw sa gate, baka jowa mo yung magselos niyan, hahahaha" -Brace "hindi ko siya jowa, manliligaw lang." "nagpapaligaw ka na pala ? Alam ba yan ng mga magulang mo ?" seryosong tanong niya. Umiling ako, "'wag kang maingay." "susumbong kita" he said playfully, hinampas ko siya sa likod niya, hindi ko sinasadyang malakasan yun, kaya umuubo ubo siya ngayon "ano ba namang kamay yan ? Parang pang boksinero" "sorry, napalakas yata" "anong yata ? Napalakas talaga." he said. Tumawa nalang ako.
"good morning !" Jameson greeted and handed me a chocolates. "thank you !!" I thanked him, "kanino mo nalaman yung favorite kong chocolate ?" I asked. "favorite mo palas yan ? Hinulaan ko lang e" then he laughed, hinampas ko ng mahina yung braso niya. "pasimple ka ah ?" "ang kapal mo ah ?" I mocked him.
Nang pumasok kami ng classroom, biglang tumahimik ang lahat. Darren faked a cough. "may dumaang anghel" -Darren "MABUHAY ANG BAGONG KASAL" -Axel, biglang may sumabog na confetti, jusq naman ?!?! Cleaners ako ngayon, tapos magkakalat kayo ?!?!?! "ANONG MERON DITO ? GO BACK TO YOUR PROPER SEATS, ARRANGE YOUR CHAIRS !! MGA CLEANERS, MAGLINIS, ANG AGA AGA, ANG KALAT KALAT, ANO 'TO ? BAT MAY PA CONFETTI ?!" sunod sunod na sabi ng adviser namin, pero nang makita niya kaming dalawa ni Jameson, bigla siyang ngumiti, "ay, kayo na ?" nagtakip pa ng bibig, 'kala mo sobrang kinilig. Nagtawanan ang mga kaklase namin, umiling nalang kami ni Jameson.
"read the instructions twice before answering your test papers, get one and pass." our adviser said. Hindi naman ganon kahirap ang exam namin, nasagutan naman ng karamihan sa'min lahat.
"saan kayo this sembreak ?" tanong ni Axel, it was our third day of Quarterly Examination, lunch time ngayon, at sama sama ulit kaming anim na kumakain. "uuwi kami ng probinsya e, doon yata ako whole sembreak" -Den, then she rolled her eyes. "ikaw Drea ?" tanong ni Axel, "sa probinsya din yata kami hanggang November 2, sabi ni mama" I answered. "aaahh" tumango siya.
It was Thursday, tapos na ang 2nd Quarter QE. Gumagawa nalang ng grades ngayon ang mga teachers kaya advisory, meaning walang klase, pero yung ibang teachers nag-iiwan din ng activities na gagawin namin habang busy sila sa grades namin.
Tapos ko na lahat ng mga activities. At dahil nga wala naman nang ginagawa, nakapabilog ang mga upuan namin nila Axel, Darren, Jameson, Den, at Szen. Magkatabi sila Den at Axel, kaharap ko naman si Jameson, nasa kanan niya si Axel, at sa kaliwa naman si Darren, na katabi naman si Szen.
Pakiramdam ko may nabubuo ng kakaiba sa dalawang maingay namin sa grupo na to. Kaya nga kami nagpabilog para magkwentuhan kaming lahat, pero yung dalawa ang tahimik, nagbubulungan pa, mahinang nag-uusap, hindi lang yata ako ang nakapansin non, nagkatinginan kaming apat, saka kami sabay sabay na pumangalumbaba at tinitigan ang dalawa.
Pareho silang nagtaas ng kilay saaming apat nang mapansin nila ang mga titig namin sa kanila, sunod kong tinignan ang hoodie ni Axel na nakatakip sa armchair nila. Ano kayang nasa loob non ? Napansin din yata ni Darren yun, kaya bigla niyang hinila yung hoodie. "OW SYET HOLDING HANDS SANAOL" biglang sigaw ni Darren.
Jusq po, hahahaha, naunahan pa yata kami ni Jameson ? "Den, anong katrayduran to ? Hindi ka nagsasabe samin ah ?" pang-aasar ko. "naku po, mukhang friendship over na" gatong ni Darren, pero malayo namang mangyari yon hahahaha.
Kinurot ko sa tagiliran si Den, "kayo na ?" "maya ko sabihin" bulong niya pabalik, tinawanan ko nalang siya. Speed...
"gala tayo sa sabado" pag-aaya ni Axel. "saan tayo ?" tanong naman ni Darren. "eco park ? Maganda daw doon eh." "gusto mo ba talagang kasama kami ? Nakakahiya naman baka date niyo pala yon" pang-aasar ni Jameson, nagtawanan kami. Loko-loko talaga hahahaha.
Gaya ng napag-usapan, nagkita-kita kaming anim sa gate ng MK Village, 7:00AM si Axel ang nag-arkila ng van, may driver na yun. First row ang kaming tatlo nila Den, second row naman sila Jameson. Natulog muna ako sa biyahe, dahil inaantok pa ako. Kinuha ko ang earphones ko, saka ako nagplay ng music.
**ALLYSZXC
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...