-13

411 12 0
                                    

AGNES'S POV

May tinatapos akong project nung narinig kong tumunog yung phone ko.

' Hello Agnes? Ako 'to si Pao. Tanda mo pa ba ako? ' tanong niya.

"Ano ka ba naman Pao, syempre naman. Hindi naman ako nakakalimot 'no. Isa pa sikat na sikat na kaya kayo!" I replied.

' Pwede ka bang imeet? Busy ka ba? Pwede ba kitang ayain lumabas? '

"G. Kelan ba?"

' Ngayon? Pwede ka ba today? '

"Sige. Saan ba tayo?"

' Dun na lang sa usual coffee shop. Yung tinatambayan natin dati? '

"Sige let me know pag malapit ka na."

' Sure. Sige see you Agnes. '

"See you!" Binaba ko na rin yung phone at nagligpit lang muna ako nung mga gamit ko. I wonder kung may ibang kasama si Pao. I wonder kung kasama niya si Pat. Pero I guess, Pat is still busy with her wedding preps and she probably won't have time to meet. After an hour, nakareceive na rin ako ng message galing kay Pao kaya nagpunta na ako sa coffee shop. All smiles pa si Pao nung dumating siya and we then proceeded to order.

"So, kumusta na kayo? Grabe sikat na sikat na kayo ah. Platinum na album niyo. Congrats! Proud ako sa inyo."sabi ko sa kanya.

"Natin Agnes. Platinum na yung album natin."sabi ni Pao.

"Ano ba, hindi naman ako kasama dun."

"Sa recording hindi, pero ikaw pa rin ang nag-arrange. You deserve to take credit."sabi niya. "Pero ayun, I actually came here kasi malapit na yung anniversary nung banda."

"Ah oo nga 'no. Ang bilis."sabi ko sa kanya.

"Oo, kaya, naisipan namin na, what if magkaron na rin kami ng official website. Kaya ayun, naisip namin na baka pwede mo naman kaming tulungan."sabi niya.

"Sus. Yun lang ba! Oo naman sure."sabi ko sa kanya.

"Yon! Tapos siguro, magmeet na lang tayo ulit para madiscuss natin yung overall look and feel nung website."

"Sure sige. Set ka lang."

"Uhh.. kasama sana yung buong band." I stopped then I drank my coffee.

"Sure."sabi ko sa kanya. "For sure marami naman din silang idea for it eh."

"Sure kang okay lang? I mean, I know Pat and you..."

"We're okay Pao. No worries. And business is business."sabi ko sa kanya. He smiled.

"Do you still keep in touch?"

"Not.. really. Last time we talked was about her wedding."

"Ah, yes. Her wedding."sabi ni Pao tapos ininom lang din niya yung order niya.

Okay ka naman ba Agnes?"

"Well... kahit hindi naman ako okay di ba Pao? I mean, if that will make her happy then I need to come to terms with that."sagot ko and I took a sip.

"Anyway, magkano na ba ngayon ang rate ng pagpapagawa sa isang Agnes Reoma? Dami mo na ring clients eh."sabi ni Pao.

"Wag na. Libre ko na yan. Para naman tayong hindi friends."sabi ko sa kanya.

"Uy hindi. Babayaran ka namin kung ano man yung rate mo. Sabi mo nga business is business eh. Kahit na friends tayo, kailangan pa rin namin magbayad sayo."sabi niya.

"Hindi na Pao. Think of it as an anniversary gift."sabi ko.

"Wag na talaga Agnes."sabi niya. "Pero..."

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon