PAT'S POV
"Wait lang guys, kaninong phone yung tumutunog?"sabi ni Migs.
"Ay. Saglit akin."sabi ni Jam. Kinuha niya yung phone niya.
"Hello? Agnes?"
Tiningnan ko yung relo ko. Halos 11 pm na. Bakit siya tinatawagan ng ganitong oras? Kumusta na nga kaya si Agnes? Simula nung nagquit siya sa banda, hindi na rin siya nagparamdam sa 'kin o nagpakita.
"Shit. Sige po, sige po." Anong nangyayari?
"Guys. Sorry, mauuna na ako."sabi ni Jam.
"O bakit? Anong nangyari kay Agnes?"sabi ni Andrew. Narinig din pala niya yung sinabi ni Jam.
"Wala. Basta. Toni, may dala ka bang sasakyan? Pwede mo ba 'ko ipagdrive?"
"Ha? Oo, may dala ako. Sige sige. Tara."sabi ni Toni. Nagmamadali nilang kinuha yung gamit nila at umalis na. Anong nangyari kay Agnes? Bakit natataranta si Jam? Sigurado akong si Agnes yung kausap niya. Susundan ko ba sila?
●●●●
JAM'S POV
Nagpadrive ako kay Toni papunta sa isang bar sa Makati. Lasing nanaman daw si Agnes at hindi magising. Nagwo-worry ako na baka mamaya may makakilala sa kanya at mabalita siya. Lalo na at kilala pa naman siya.
"Tones, salamat ha. Dito na lang."
"Teka Jam, samahan na kita. Alam kong tungkol kay Agnes yung tawag sa'yo kanina."
"Hindi na Toni, ako na lang. Kaya ko na 'to."
"Eh paano kayo uuwi kung wala kang sasakyan?"
"Toni, thank you na lang pero ako na bahala."sabi ko sa kanya. Ayokong mainvolve pa sila sa gulo ni Agnes. I know they're all worried pero ayoko na mag-alala sila ng todo para kay Agnes.
"Jam. Kaibigan ko rin si Agnes."sabi ni Toni. I sighed.
"Sige. Pero Toni..."
"Ano?"
"Handa ka ba?"
Halatang nagulat si Toni sa tanong ko pero tumango lang siya. Nagpark lang siya at bumaba na kami. Pagpasok palang, nakita ko na agad si Agnes na nakasandal sa bar. Sumunod lang sa 'kin si Toni. Mukhang hindi niya nakilala si Agnes.
"Si Agnes ba..."
"Yup."
"Agnes."sabi ko sa kanya.
Hindi nanaman siya gumagalaw. Bagsak nanaman siya. Tinulungan ako ni Toni na itayo siya. Narinig namin ni Toni na nagre-respond na si Agnes. Inalalayan lang namin siya hanggang sa makasakay kami sa kotse ni Toni. Chineck ko kung may dala bang kotse si Agnes, at since wala ang susi niya, aasa na lang ako na wala.
Pagsakay namin, kita ko sa mukha ni Toni yung pag-aalala. After all, matagal na niyang hindi nakita si Agnes and sure akong hindi nila alam kung ano na ang nangyayari sa kanya.
"Jam, kelan pa ganyan si Agnes?"
"Since naghiwalay sila ni Pat."sagot ko. Tiningnan ni Toni si Agnes sa rear view mirror. Sinilip ko rin siya. Wala, bagsak pa rin si Agnes. Pag gising niya, siguradong masakit nanaman ang ulo niya.
"She lost so much weight, she's passed out drunk, she's..."
"A mess."sabi ko kay Toni. "I know. And I've tried fixing her Toni, pero wala. Everyday, since she left the band and after finding out about Pat and Coelli, ganyan na siya. I tried Toni, I really did."
"Alam ba ni Pat?"sabi ni Toni.
"No. Never attempted to tell her. Ayaw ni Agnes. She didn't want Pat to take pity on her." She just sighed. Wala naman kaming magagawang dalawa.
"Jam, I know na naiipit ka dito, but I hope this doesn't affect your relationship with Pat."sabi ni Toni.
"Alam mo Tones, gusto ko sanang magalit kay Pat. Pero we don't know what really happened between them. Kaya I am trying to stay neutral. Mahirap lang minsan Toni. Pero I also care for Pat. I'm happy for her as well."sagot ko. Sumasakit na rin ang ulo ko. Ang gulo naman kasi nitong dalawang 'to.
Dinala na namin si Agnes sa condo niya. Medyo nagising lang siya nung bumaba siya ng sasakyan at sumuka siya. I don't know how many more days I can tolerate this. Pero alam ko naman na hindi ko rin pwedeng pabayaan na lang si Agnes.
Akala ko aalis na rin si Toni pero after namin mai-ayos si Agnes sa kama, nagdecide na rin siya to stay. Kasya naman kami sa condo ni Agnes kaya walang problema. I know Toni's worried too. Ayoko man sana ipasa rin sa kanya yung burden, but it feels good to have someone to talk to.
Humiga na rin ako sa sofa. This is another long night.
BINABASA MO ANG
The Inverse
FanfictionA Patricia Lasaten x Agnes Reoma AU. in·verse /ˈinvərs,inˈvərs/ noun: the reverse of something else. Magsimula tayo sa wakas.