- 29

276 5 0
                                    

PAT'S POV

Hindi ko alam kung bakit ko sinundan sila Toni the other day but when I saw them carrying Agnes out of the bar, halos hindi ko nakilala si Agnes. She looked different.

Kaya naisipan ko na magpadeliver ng pagkain para sa kanya. I'm not sure kung abala ba siya o kung ano man, pero I know that Agnes will work too much and forget about herself.

"Guys. Break muna."sabi ko sa kanila habang nasa rehearsals kami. I just feel like I need to check on Agnes. I just want to make sure that she's okay.

"Sige. Break muna tayo."

"Gusto niyong pizza? Sagot ko na."sabi ko.

"Wow. Ganyan ba pag in-love Patty? Galante?"pang-aasar ni Poch.

"Ayaw niyo ba?"tanong ko.

"Hindi ah. Gutom na nga kami. Sige na Pat. Layas ka na. Bilisan mo ah."sabi ni Andrew. Natawa tuloy ako. Nagmamadali na rin akong umalis. I checked my watch. 30 minutes away lang naman yung condo kung hindi traffic.

I quietly opened her condo unit. Ayokong magising ko siya. She was sprawled there in the sofa and mukhang lasing nanaman siya kasi I can smell alcohol upon opening the door. How long has she been drinking like this? I checked the kitchen at karamihan nung pagkain mukhang nilagay lang din niya sa ref.

I went closer and I noticed how much weight she lost. She had bags on her eyes at mugtong mugto. She looked too frail. I brushed my hand through her hair. She stirred pero hindi siya nagising. I don't even understand why, but I kissed her on the forehead. Soon after nagising siya.

"Pat?"nagtatakang tanong niya. She was not wearing her glasses and it seems like she's still in a daze.

"Agnes, kumain ka na ba? Dapat kumakain ka ng marami. Wag mong pabayaan yang sarili mo please. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na dapat kumakain ka sa tamang oras."

"Anong ginagawa mo dito?"sabi niya sa 'kin.

"Tingnan mo yang sarili mo. You look wasted."

"I am."sagot niya. I can tell na masakit ang ulo niya. She's having a hard time na idilat yung mata niya at mukhang nasisilaw din siya sa liwanag.

"Alam mo, I'll get you some meds okay. Masakit talaga sa ulo yan."sabi ko sa kanya. Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

"Dito ka lang. Sorry I can't open my eyes. I think inaatake ako ng migraine."sabi niya tapos humiga na ulit siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong nakaramdam ng awa. She's alone and I don't even know how much she had been drinking or if she's just overworked.

"Agnes, fix yourself please."sabi ko sa kanya and wala siyang nasabi. I massaged her head. Nung inatake siya dati ng migraine, halos hindi talaga siya makabangon at nagsusuka rin siya. Napaisip tuloy ako kung kaya ba siya pumayat dahil lagi siyang inaatake ng migraine niya.

I waited for Agnes to fall asleep. Mabilis lang din naman siyang nakatulog. I checked my watch. Medyo matagal na rin pala akong nawala. I rushed out and drove pabalik sa studio. Buti na lang walang pila dun sa resto kaya madali akong nakaorder at nakabalik.

"Grabe ang tagal mo naman Patty."

"Sorry na. Ang haba kasi ng pila. Anyway. Ito na. Tara kumain na muna tayo." Kumain na rin muna kami. I saw Jam checking her phone. Alam ko na siya ang laging tinatawagan ni Agnes.

"Ano?"narinig kong sabi ni Toni sa kanya sabay lumapit siya kay Jam. I looked at them. They were still staying dun sa corner.

"Weird eh. Wala pang message."sagot ni Jam.

"Baka tulog pa."sabi ni Toni.

"3 pm na Toni eh. I'm worried na baka kung napa'no na yun."

"Akala ko tumawag naman na siya kanina?"

"She did. May nagpadala daw ng pagkain sa kanya. Baka si Tita."sabi ni Jam.

"Then she's probably okay. Wag ka na mag-alala dyan."sabi ni Toni. Tumango lang si Jam tapos kumain na rin silang dalawa.

I wanted to tell Jam na she's okay. May migraine lang, but she's probably going to get better. Pero I can't tell her what I saw. I know that they've been trying to keep me in the shadows. Nagkwentuhan lang din kami. I wanted to ask them how Agnes is doing, pero wala akong lakas ng loob to ask. Hindi ko alam. Pride na lang din siguro.

"Guys, sorry pero pagod na ako. Okay lang bang bukas na lang natin i-resume yung rehearsal? O kaya kahit last na tapos let's call it a day?"sabi ni Jam. Pumayag naman sila Migs at chineck ko rin naman yung schedule namin, wala namang problema. And I know na Jam is worried kaya gusto na nyang umalis. Kaya nag-pack up na rin kami at nagmamadali nang umalis si Jam at si Toni.

Don't worry Jam. She's going to be fine.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon