- 27

303 5 0
                                    

AGNES'S POV

Nagstay ako sa coffee shop malapit sa condo ko. Dito kami madalas na tumatambay nila Jam kapag weekend noon. I stopped visiting bars since I promised Toni and Jam na I will fix myself. Sa totoo lang, I have no idea where to start. But being sober for a few days already might be a good start.

"Agnes, sorry! Susko ang traffic naman kasi papunta dito."

"Okay lang. Di naman ako nainip. Ano ba kasi yang balita mo?"

"First of all, kumusta ka na ba?"tanong niya.

"Sober."maiksing sagot ko sa kanya. Sumimangot naman siya.

"Ikaw Maristella ha. Nabalitaan ko kay Jam mga pinag-gagagawa mo sa buhay. Malamang kung andito ako unang araw mo palang titigil ka na."

"Relax Karelle. Okay na ako. I'm trying to fix myself. Ang tagal mo naman kasi nawala."

"Eh alam mo naman. Pero happy naman ako sa immersion at ang sarap sa pakiramdam na makatulong."sabi niya. "Saglit, oorder lang ako tapos sasabihin ko na sa'yo yung good news."

Tumayo na siya at pumila sa counter. Bigla na lang siyang tumawag kaninang umaga na may ibabalita daw siya. Kakabalik lang niya ng Manila kahapon at mukhang nakwento na nga rin sa kanya nila Jam kung anong nangyari. Busy kasi si Karelle at nagpunta siya sa ibang probinsya for a few months.

"Okay game."sabi niya habang inaayos niya yung bitbit niyang iced coffee sa mesa.

"So, nabanggit ni Jam na gusto mo magtayo ng business mo on web design. Well, may mas maganda akong balita than that."sabi niya. Natatawa ako kasi halatang excited si Karelle. Mas excited pa nga 'ata kesa sa 'kin.

"Ano ba kasi yan? Kanina mo pa gusto sabihin eh."biro ko sa kanya.

"May nakilala si Papa na naghahanap ng musical scorer."

"Talaga? Saan?"sabi ko.

"Ayun nga. So malapit na magstart yung project, kaya gustong malaman ni Papa kung game ka daw ba. Kasi kakain daw yun ng oras mo and syempre kailangan nakatutok ka. Pati kasi..." sabi niya.

"Kasi ano?"

"Kailangan mong pumunta ng Thailand."

"Ano?"sagot ko. Okay, di ako ready na sa ibang bansa pala yung project. Akala ko around Manila lang. Hindi ko alam kung ano pa nga ba ang reservations ko sa pag-alis samantalang wala naman nang nag-aantay sa 'kin dito.

"Look, Agnes. Hindi ka naman pinipilit ni Papa. If you don't want to go, it's okay. Isa pa, you don't need to stay there for so long. You can just finish your project then come home. Isa pa, it's a good opportunity for you to widen your horizon."

"Pwede bang balikan kita about it on another day? Gusto ko lang din munang pag-isipan."

"Oo naman Agnes. Give it time. Alam naman na ni Tita. Inopen naman sa kanya ni Papa and she's okay with it. Ikaw naman daw ang masusunod. So go and think about it. Then let me know para ma-arrange natin."

Karelle and her family had always been such a blessing for me. Wala rin sana ako dito ngayon kung hindi dahil sa kanila and now, binibigyan nanaman nila ako ng opportunity.

Nagkwentuhan lang din kami ni Karelle tungkol sa mga nakasama niya sa immersion and about her experience. And inexplain niya sa 'kin na nakausap niya si Jam the other day about me.

After namin kumain, bumalik na rin ako ng condo. After ng ilang oras dumating si Jam sa condo at dala na niya yung pagkain namin.

"Jam."sabi ko sa kanya habang nagdidinner kami.

"Hm?"

"Nagkita kami ni Karelle kanina. May inooffer si Tito sa 'kin na opportunity to score music."

"O, di ba yun naman talaga pangarap mo?"

"Oo nga. Kaya lang kasi..."sabi ko sa kanya.

"Kaya lang ano?"

"Sa Thailand kasi. Dun ako titira for a few months or baka abutin din ng isang taon."

"Eh ano naman kung sa Thailand ka pupunta? Ano bang inaalala mo?"

Hindi ako sumagot. Kasi sa totoo lang, hindi ko rin alam anong reservations ko about it. Magandang opportunity yun, pero hindi ko alam kung dapat ba akong umalis.

"Si Pat 'no?"sabi niya. "Agnes, Pat will be fine. Isa pa, hindi na rin naman talaga kayo nagkikita."

"Pero Jam, natatakot kasi ako na baka pag malayo na ako sa kanya, baka lalo niya na akong makalimutan." She took a deep breath.

"Alam mo Agnes, if kakalimutan ka ni Pat just because you're not here, eh di baka hindi nga talaga siya yung para sa'yo."she replied tapos sumubo na siya nung kinakain namin.

"Isa pa, don't you think na matagal ka na niyang kinalimutan?"dagdag niya.

"Grabe. Wala man lang trigger warning. Di man lang ako nakailag."sabi ko sa kanya. She rolled her eyes.

"Wag mo ikulong yung sarili mo sa kanya Agnes. Kagaya nyan, pupunta kang Thailand, malay mo andun pala yung tao na para sa'yo. Baka andun yung taong dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Pat."sabi ni Jam.

"Trabaho ipupunta ko dun 'no. Hindi para maghanap ng bago."sabi ko sa kanya. "Pero tingin mo ba, dapat ko ng kunin yun?"

"Agnes, wala ka naman ngang ginagawa ngayon. Grab it. Sayang yan. And to be honest, kahit si Pat ang tanungin mo, for sure, yun din naman ang sasabihin niya sa'yo. Opinion lang naman ni Pat talaga ang hinahanap mo."sabi niya then she rolled her eyes again.

"Pero hoy Maristella. Baka naman maglasing ka habang nandun ka ah. Walang magliligpit ng kalat mo dun."sabi ni Jam. Napangiti na lang ako. Alam kong mamimiss niya rin ako pero knowing Jam, alam ko rin namang suportado niya ako.

Pagtapos namin kumain, nagligpit lang din ako. Umuwi na rin naman si Jam pagkatapos nun. Hindi ko alam kung bakit, but I have decided to go to Pat's house. I wanted to let her know na I'm leaving and that I want to see her before I do, or gusto ko lang din sabihin sa kanya to know what she thinks. But when I was about to come near, nakita ko silang dalawa ni Coelli. I saw Pat laughing and I felt a stabbing pain in my chest. She's happy. I watched them habang hinahatid ni Pat si Coelli sa sasakyan niya. It felt strange watching her do that for someone else. Siguro nga, nakamove on na si Pat. Baka this is what she needed. Maybe she needed Coelli to heal and be happy. And maybe she deserves it. She deserves to be happy.

Kaya umalis na lang din ako at bumalik na sa condo. When I got home, minessage ko lang si Karelle na nakapagdecide na ako at handa na akong pumunta ng Thailand. Maybe this is what I need. Maybe a time off from everything would be helpful.

Antayin mo ako Pat. Once I'm proud of myself, I will get you back.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon