AGNES'S POV
Nakaupo ako sa dating coffee shop kung saan kami madalas pumunta ni Pat. It's been a year. We used to spend hours here, talking about life, talking about plans, talking about us. Matagal na rin pala.
"Agnes. Sorry, kanina ka pa ba?"bungad niya sa 'kin. Umiling ako.
"Okay lang. Kumusta na ba? You look happy."sabi ko habang inaalis ko yung bag sa upuan.
"Okay naman. Do I look happy? Sorry biglaan pag-aaya ko ah. And thank you for agreeing to meet up with me."sabi niya. I just smiled.
Matagal na rin simula nung huli kaming nagkita. Who knew di ba? Who knew that after all this time, magkikita rin pala kaming dalawa ulit. Akala ko last na yung huli. Meeting up with her now is starting to open up old memories na matagal ko nang tinakbuhan.
"Walang problema. Uy, nakita ko yung pictures niyo ah. Japan?" Tumango siya.
"Oo. Alam mo namang gustong-gusto niyang pumunta ng Japan eh." Ngumiti ako. Totoo naman. Ilang taon na naming pinlano yun, na one of these days, pupunta kaming dalawa ng Japan. Pangarap na namin yun since college palang kami, pero ngayon, umiikot na rin siya sa iba-ibang bansa. Yung mga plano namin, at least ngayon natutupad na. Naramdaman ko na parang may malaking bukol sa lalamunan ko. Hindi ko maexplain.
"Coelli, may gusto sana akong ibilin sa 'yo."sabi ko sa kanya at halatang nagulat siya.
"Sure. Ano yun?"
"Alagaan mo si Pat ha. Make sure na hindi mo siya sasaktan kasi I swear." Pagbabanta ko sa kanya. Natawa lang siya. Alam ko namang hindi niya sasaktan si Pat. Sabay naming minahal si Pat at walang pag-aalinlangan niyang inantay si Pat. Kaya alam ko na magiging masaya sa kanya si Pat. Walang duda.
"Oo naman Agnes. Hindi ko naman siya pababayaan."
"Salamat."sabi ko sa kanya. Ngumiti lang din siya. Ako dapat yun eh. Ako dapat yung binibilinan niya na wag sasaktan si Pat. Pero anong karapatan kong habulin siya kung ako yung bumitaw sa 'ming dalawa? I know Pat deserves better. This is probably better.
"Hindi mo nga pala sinabi sa 'kin anong dahilan bakit gusto mong makipagkita?"sabi ko sa kanya. May kinuha siya sa bag niya at inabot niya sa 'kin yung isang envelope.
"I wanted to give this to you personally."sabi niya. I took the envelope. Pagbukas ko naramdaman ko na para akong binuhusan ng malamig na tubig.
"Pat didn't want to give this to you personally kasi she thinks that you might not want to go. Pero, you have been a big part of Pat's life. I want you to be there." sabi niya. Para ano? Para makita ko kung gaano kayo kasaya?
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Coelli. All I can feel now is that something's hurting. Something is breaking inside me.
"Naku, sorry. Agnes, I need to leave. Susunduin ko pa nga pala si Pat. Anyway, I think she'll meet up with you and your friends naman soon. Sana makarating ka. I'll see you around."
"Sige.. sige... ano.. ingat ka. Please tell Pat..."
Na this is a mistake.
Na she should not do this.
Na mahal ko pa rin siya.
"... I said hi. Sana makapagkita na kami."
"Sure. I'll let her know. Sige sige. Una na ako."sabi ni Coelli at nagmamadali na siyang umalis. I just stared at the envelope in front of me.
Is this it Pat?
BINABASA MO ANG
The Inverse
FanfictionA Patricia Lasaten x Agnes Reoma AU. in·verse /ˈinvərs,inˈvərs/ noun: the reverse of something else. Magsimula tayo sa wakas.