- 20

438 12 7
                                    

PAT'S POV

Late na pero hindi pa rin ako makatulog. For some reason, I feel uneasy and anxious. Hindi ko sure kung pupuntahan ko ba si Coelli sa kabilang kwarto. Hindi kasi kami magkasamang natutulog dahil sabi ko sa kanya na hindi ako sanay ng may katabi. Pero actually, hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi pa rin ako comfortable with the idea of sleeping beside her. Or maybe because somehow it still reminds me of days when I would share the bed with Agnes. Nagising ako sa alarm ko but somehow I feel as if hindi talaga ako natulog. We were eating breakfast and I think napansin din ni Coelli na puyat ako.

"Bakit parang puyat na puyat ka? Hindi ka ba nakakatulog ng maayos?"sabi ni Coelli. I yawned sabay umiling ako.

"I guess marami lang akong iniisip."sabi ko sa kanya. After namin kumain, nag-ayos na rin ako at hinatid na rin ako ni Coelli sa office. After ilang minutes, nagulat ako na dumating si Bea at hinihingal. Hindi rin maipinta yung mukha niya.

"Bea, anong ginagawa mo dito? Anong problema? Bakit ganyan itsura mo?"

"Ate! Ano bang nangyayari sa'yo? I've been calling you since this morning!" I checked my phone. Naiwan ko palang nakasilent yung phone ko. Ang dami niyang miss calls.

"Hindi kita macontact kaya nagmamadali na akong pumunta dito! Ate, si Ate Agnes.." I froze. Bakit ako biglang kinabahan? Bakit ganito yung pakiramdam ko? Hindi pa natatapos ni Bea yung sinasabi niya but I can tell that something's wrong.

"Bakit anong nangyari kay Agnes?!"

"Ate tumatawag si Tita sa'yo pero hindi ka daw niya macontact. hindi niya alam that you changed your number pero si Lia nacontact niya ako this morning. Ate si Ate Agnes naaksidente siya."

"Ha?! Paanong naaksidente?!" Hindi nagsasalita si Bea.

"Bea answer me! Anong nangyari?"

"Di ko alam ate yung full details but she said it was a car accident."

"WHAT?!"

"And... and..." she hesitated. "...totally wrecked yung kotse ni Ate Agnes. She got run over by a truck in an intersection last night so they don't know..." Baka kaya ako uneasy simula pa kagabi. Baka yun yung dahilan kung bakit hindi ako mapakali.

"She's critical ate, she's in the ICU and she hasn't woken up yet since the accident."

"Ate, ayaw ka naman sana tawagan ni Tita eh kasi alam niyang matagal na kayong wala ni Ate Agnes and she understands daw if you don't want to see her, pero alam din naman niyang concern ka pa rin kay Ate Agnes so she wanted to let you know. Di niya lang din daw kasi alam kung sinong tatawagan niya from her friends kasi ikaw at si Ate Jam lang ang kilala niya."

"Ate, gusto mo ba ihatid kita sa ospital?"tanong ni Bea. Feeling ko hindi ako makahinga. I feel like the world's closing in on me. I am overwhelmed with what Bea is saying. There's a burning feeling in my chest and it's rising up my throat. Nanginginig yung mga tuhod ko. Agnes is critical. I can't absorb what is happening. Niyakap ako ni Bea.

"Ate okay lang yan. Ate don't worry. I'm sure Ate Agnes will be fine. Pero sa ngayon, if you're not ready, we can go home."

"No Bea, kailangan kong makita si Agnes. I need to see her now."

I don't remember how I got to the hospital, basta ang alam ko lang nakarating ako. I'm still shaking. I don't know what to do. Pag-akyat ko ng ICU, nakita ko na may mga pulis pa na nandon at kausap si Tita. Anong nangyayari?

Lumapit ako sa kanila, and agad naman akong nakita ni Tita kaya binilisan ko ang lakad. Kita ko sa mukha niya na kakaiyak lang niya.

"Ano pong balita kay Agnes?"tanong ko.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon