- 35

322 7 1
                                    

AGNES'S POV

I glanced at my watch. Grabe, 8 pm na pala. Tiningnan ko yung phone ko pero wala pa ring message si Pat. Kanina ko pa rin siya tinatawagan pero walang sumasagot. Nagtry ulit ako pero cannot be reached naman siya.

Sabi niya sa 'kin kahapon, magdate daw kami today sa usual coffee spot namin dahil makakapagout siya ng 1pm. I even confirmed nung umaga, pero hanggang ngayon wala pa siya. Buti na lang may dala akong libro, at buti na lang din siguro na medyo mabagal ako magbasa. Sa sobrang tagal ko na dito sa coffee shop, I'm already on my third cup of coffee. Ano na bang nangyari sa kanya?

"Love! Sorry. Nalowbatt kasi yung phone ko."sabi ni Pat habang nilalapag niya yung mga gamit niya.

Gusto ko sana mainis sa kanya, pero when I saw her, parang lahat ng inis ko nawala na lang. Gusto ko man siya sungitan, ayokong masira yung moment namin today. We only have a few hours left for today, I don't want to spend it arguing.

"Okay lang love. Order na ba tayo ng food?"sabi ko sa kanya.

"Ano kasi love..."

"O bakit?"

"Love, sorry talaga. Pero kasi..."

"Ano ba yun?"

"May team dinner kami tonight. Nagsabi ako na dadaanan lang kita and pupunta na ako dun."

Gusto kong magsabi ng mga masasamang words.

I waited for 7 hours, para lang marinig kay Pat na may dinner siya tonight.

"Love, sorry talaga. Hindi ko alam na may dinner tonight. Bigla lang silang nag-aya to celebrate the new project that we have. Love --"

"Ihahatid na kita."sabi ko sa kanya. Ayoko na lang din magalit. Ayoko na lang din sirain yung gabi ko.

"Agnes, I'm really sorry."sabi niya. Tumayo na ako at kinuha yung mga gamit niya. Pat was just quiet habang naglalakad kami papunta sa parking. Pinagbukas ko lang siya ng pinto tapos nilagay ko na yung mga gamit niya sa likod.

"Galit ka ba?"tanong niya. "Agnes, sorry talaga. Love, sorry. Promise babawi na lang ako sa'yo."

"I told you not to make promises Pat. Okay lang. Hayaan mo na."sabi ko sa kanya. I think she heard the disappointment in my voice kaya bigla siyang yumakap.

"Love, sorry." Hay. Bakit ba ang rupok rupok ko pagdating sayo Patricia?

"Pat."

"Sorry na love."

"It's okay. Pero last mo na 'to."sabi ko sa kanya. Tumango naman siya.

"What time will you be home?"

"Hindi ko pa sure love. Don't wait for me na. I'll just book Grab pauwi."

"No. Text me kung tapos na kayo. I'll pick you up."

"Hindi na love. Pagod ka na rin eh. May masasabayan naman ako. Andyan din naman si Coelli at si Alex pwede akong sumabay sa kanila."

"Susunduin kita."sabi ko sa kanya. Pat looked at me and from the way she looks, alam kong alam niya na na hindi ako tatanggap ng ibang sagot.

"Just text me when you're almost done."sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.

Hinatid ko lang siya dun sa dinner niya and I've decided na mag-antay na lang dun. Maglalaro na lang siguro ako. All I remember was playing then I heard taps on my window kaya naalimpungatan ako. When I looked up, nakita ko na si Pat pala yung kumakatok. Nakatulog 'ata ako. I glanced at the clock. Grabe. 2 am na. I rushed to open the door.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon