AGNES'S POV
Narinig ko na bumukas yung pinto ng condo. Pero grabe yung sakit ng ulo ko kaya hindi ako makadilat. Inaatake ata ako ng migraine. Sa totoo lang kagabi pa since nakauwi kami ni Pat sumasakit ulo ko but I thought kaya ko so I didn't bother to tell Pat. I tried opening my eyes pero nasisilaw ako sa liwanag at lalong sumasakit ulo ko.
"Pat? Turn off the lights please. Ang sakit ng ulo ko, nasisilaw ako sa liwanag." I called out. I'm not even sure kung si Pat nga yung dumating kasi hindi siya nagsasalita. Hindi niya siguro ako napansing nakahiga sa sofa.
"Uminom ka na ba ng gamot?"tanong niya.
"Hindi pa. I can't get up eh."sabi ko sa kanya.
"Bakit hindi mo ako tinawagan? Umuwi sana ako nang mas maaga."sabi niya then I heard her getting water from the kitchen. Maya maya naririnig ko na lumalapit na siya sa 'kin. Ininom ko lang yung gamot tapos humiga na ulit ako. Gusto ko na tanggalin yung ulo ko sa totoo lang. I thought Pat went to her room pero nagulat ako nung naramdaman kong may nagmamasahe sa ulo ko. When I opened my eyes to check, I was surprised to be met with her own.
All of a sudden parang tumigil yung mundo. These eyes. How can they still look beautiful? Tumatama yung liwanag galing sa bintana sa mga mata ni Pat and they were unblinking. Pero napansin kong naconscious si Pat kasi bigla niyang binaling yung tingin niya sa sofa. I just realized that we were too close. Her face just hovering by a few inches above mine. She then tried to look at me again, and napansin kong namumula si Pat. Bakit parang umiinit? This time, she didn't look away. We just held each other's gaze. And hindi ko alam kung bakit, pero the gap between us seemed to be closing in. I can't help but look at her lips. We were getting closer nung biglang nagring yung phone ni Pat. I think it shook us both to the core kasi napatalon siya at sa sobrang gulat niya naramdaman ko kung gaano kalakas niya akong nahampas sa noo.
"Aray!"sabi ko habang hinihimas ko yung noo ko. Sino man yang dimunyung tumawag na yan, panira ka ng moment!
"Hala sorry!!"sabi niya. Pero tumigil yung puso ko nung biglang hinalikan ni Pat yung noo ko. It was so fast na we were both caught off guard by what happened. I saw Pat's eyes widen in shock. Kahit sa dilim, nakikita ko kung paano magblush si Pat. She stood up and attended to her caller.
Lalo atang sumakit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Inverse
FanfictionA Patricia Lasaten x Agnes Reoma AU. in·verse /ˈinvərs,inˈvərs/ noun: the reverse of something else. Magsimula tayo sa wakas.