- 28

289 5 1
                                    

AGNES'S POV

Ang sakit ng ulo ko at nauuhaw ako. Kanina pa tumutunog yung doorbell. Sino ba kasi yun? Bumangon ako galing sa sofa at binuksan ang pinto. Pagbukas ko nagulat ako na may nagdeliver sa 'kin ng pagkain. Tiningnan ko kung kanino galing pero walang nakalagay. Malamang galing 'to kay Jam. Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya habang nakahiga ulit ako sa sofa.

'Hello Agnes? Ano, how are you? 'Bungad ni Jam. Halata mo sa tono niya na nag-aalala siya at medyo may slight panic.

"Okay lang ako Jam. Ang sakit ng ulo ko as usual. Thank you sa food na pinadeliver mo."sabi ko sa kanya.

'Ha? Anong food? Wala akong pinadeliver dyan.'

"Well, someone did. Wala kasing nakalagay kanino galing."sabi ko sa kanya.

"Anyway, sige enjoy rehearsals. See you later."sabi ko sa kanya tapos binaba ko na yung phone.

Sino naman kaya ang magpapadala sa 'kin ng pagkain? Hindi naman maling delivery kasi may pangalan ko. Ang dami pa naman nung pagkain. Mauubos ko kaya 'to?

Nilagay ko na lang muna sa ref yung ibang pagkain. Yung iba naman kinain ko na. Pagtapos nun, bumalik na ako sa paghiga. Mamaya na lang siguro ako mag-aayos. Naubos ko na ata yung stock ko ng alak dito sa condo. Lalabas na lang siguro ako mamaya para bumili ulit. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Siguro nakatulog din ako, dahil nagising ako na may nag-aayos ng buhok ko and I felt that someone gave me a kiss on the forehead. I looked up and since I don't even know where my glasses are, nahirapan akong makita kung sino na yung nasa harap ko. At nagulat ako nung nakita ko si Pat. Gising ba ako? She was smiling at me. Gahd that smile. She's too beautiful.

"Pat?"

"Agnes, kumain ka na ba? Dapat kumakain ka ng marami. Wag mong pabayaan yang sarili mo please. Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo na dapat kumakain ka sa tamang oras." Her voice made my heart leap. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Anong ginagawa mo dito?"sabi ko sa kanya. I'm not even sure if she's real. Sa sobrang sakit ng ulo ko nahihirapan pa rin akong idilat mata ko.

"Tingnan mo yang sarili mo. You look wasted."

"I am."sabi ko sa kanya. I feel so out of touch with reality. And this headache is not getting any better soon I guess.

"Alam mo, I'll get you some meds okay. Masakit talaga sa ulo yan."sabi niya. I held her hand to stop her.

"Dito ka lang. Sorry I can't open my eyes. I think inaatake ako ng migraine."sabi ko sa kanya. Humiga na lang ulit ako sa sofa.

"Agnes, fix yourself please." Hindi ko alam kung may sinabi pa ba ako o wala na at kung naintindihan niya ako o hindi, but my head is killing me kaya all I mustered was a grunt. Then I felt her hands on my head as she lightly massaged my temples.

I don't remember how long it was or what happened, basta all I remember was that I heard my door open. Pagbukas ko ng mata ko, wala na si Pat and I noticed that it was Jam who was standing by the door.

"Tulog ka pa rin?"tanong ni Jam sa 'kin. I sat down. Medyo okay na 'ata yung pakiramdam ko. Pinuntahan ba talaga ako ni Pat o panaginip lang lahat ng yun?

"Jam."

"What?"

"I think Pat was here."sabi ko sa kanya.

"Paano mo nasabi?"

"She woke me up. Sabi niya kumain daw ako sa oras. And that I look wasted. I'm not sure if it was her. But I know it was her. She was smiling at me."sabi ko sa kanya. Hindi talaga ako sigurado. I stood up and made my way sa cr para maghilamos. Panaginip lang ba lahat yun?

"Well, Agnes, panaginip or not, I think Pat is trying to tell you something don't you think?"

Sasagot palang sana ako sa sinabi ni Jam nung dumating si Toni.

"O you look better today. Kumain ka na?"sabi ni Toni.

"I did. May nagpadala ng food sa 'kin. Toni, I think Pat was here."sabi ko sa kanya.

"Sure ka?"

"Hindi. I'm not even sure. Hindi ko alam kung totoo o panaginip lang." Nagkatinginan sila ni Jam.

"Look, Agnes, Pat was with us sa studio. She stepped out for a while pero she returned din naman."sabi ni Jam.

Panaginip nga lang siguro. Pero it felt real, yung pagmasahe niya sa 'kin at yung mga ngiti niya, I'm pretty sure it was real.

"Agnes, this has to stop."sabi ni Jam.

"Gusto mo pa bang magkabalikan kayo ni Pat?"tanong ni Toni.

"Oo naman Toni."

"Yun pala gusto mo eh. Tingin mo ba babalikan ka pa ni Pat pag nalaman niyang ganyan ka? Agnes, you left the band at hinayaan ka namin dahil sabi mo gusto mong magfocus sa business mo. If Pat will find out about all these, tingin mo ba mas pipiliin ka niya?"

I want to be offended sa mga sinabi ni Toni but I know na tama siya. I want to win Pat back pero I've probably thrown myself away for too long. Ano nga bang magugustuhan pa sa 'kin ni Pat ngayon? I sighed. Inabutan lang ako ni Jam ng gamot at ng tubig.

"Para mawala muna yang sakit ng ulo mo at baka hindi mo rin naman kami iintindihin."sabi ni Jam. I looked at both of them and they look worried. Lalo na si Jam. She looked exhausted.

"Jam. I'm sorry."sabi ko sa kanya. "And thank you for always being there. Babawi ako sa'yo promise. Sa inyo."sabi ko sa kanila ni Toni.

Tama naman si Pat. I look wasted and I am a complete mess. Not only that, dinamay ko pa sila Jam. Lalo na si Jam. She had been there since we broke up and she had patiently helped fix me.

"Ang arte mo."sabi ni Jam. I laughed.

"Ayan ganyan."sabi niya habang natatawa rin siya. Niyakap ko lang siya at si Toni.

"Agnes, if you don't want to fix yourself for you, or for us, at least do it for Pat. If you want her back, then she at least deserves a better version of you."sabi ni Toni.

Toni's right. And that's exactly what I would do. I would fix myself and I will try to win Pat back. This time I won't just sit around and wait for her.

Antayin mo ako Pat. I will fight for you.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon