- 15

352 12 1
                                    

PAT'S POV

Lunch time na and I had been very busy sa work. Coelli have been calling me for an hour already just to check in if I have already eaten. And of course, just to make her stop, sinabi ko sa kanya na tapos na. Ayoko na rin naman na mag-alala siya. I checked my watch and I saw that it's already 2pm. Susko kaya naman pala sumasakit na rin ang ulo ko. I cleared up my table and decided to go down for food, pero bigla akong tinawag nung receptionist namin.

"Ma'am. Saan ka po pupunta?"tanong niya.

"Uh. Bibili lang akong food. Ay oo nga pala, in case may maghanap, sabihin mo may errand lang pero babalik din ako."sabi ko sa kanya.

"Ay ma'am, wag ka na pong bumili ng pagkain."sabi niya. Nagtaka naman ako.

"Pinagbaon po kasi ako ng asawa ko ma'am. Kaso naparami po. Sa inyo na lang ma'am. Bagong luto naman po 'to pati malinis naman po."sabi niya. Pinag-isipan ko kung kukunin ko, kaso baka mas lalo siyang ma-offend kung hindi ko kukunin.

"Ay ganon po. Sige ate. Naku thank you."sabi ko sa kanya. Kinuha ko na yung paper bag na inabot niya tapos pumunta na ako ng pantry.

Pagbukas ko, parang hindi pa nga nababawasan yung pagkain. Grabe namang excess na luto 'to. I checked kung anong ulam and nagulat ako na sinigang. Grabe. Namiss ko nga ang sinigang. Madalas kasi sa labas kami kumakain ni Coelli, and minsan naman pag nagluluto siya, nag-gigive way ako dahil mas gusto niya adobo. Ininit ko na yung pagkain and sumubo na ako. Pero nung natikman ko yung sinigang, I stopped dead in my tracks.

Shit.

Okay, Pat. Relax. It's probably just because it's the same everywhere else. But it can't be. Relax, Pat. Inubos ko na yung binigay na pagkain sa 'kin. I still can't help but be anxious. Hindi ako pwedeng magkamali eh. My gut feel is screaming something at me. Hinugasan ko na yung lalagyan and binalik ko na.

"Ate."

"Yes po ma'am?"

"Bakit parang hindi mo naman nabawasan yung pagkain?"

"Ay ma'am, dalawang container kasi yan."sabi niya habang natatawa. "Yung asawa ko kasi hindi marunong mag-estimate ng pang isang tao lang."

"Ah.. pasabi po sa asawa mo salamat po ha. Favorite ko pa man din yung sinigang at ang sarap po nyang magluto."

"Naku thank you ma'am, matutuwa yun na may nakaappreciate ng luto niya. Sabihin ko po sa kanya." Ngumiti lang ako tapos umalis na rin ako.

Baka asawa niya lang talaga yung nagluto non. Pero hindi rin pwedeng magkamali yung panlasa ko. Sure akong alam ko yung luto na yun.

Sinigang yun ni Agnes.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon