- 41

330 7 1
                                    

PAT'S POV

"Bea bumangon ka na nga dyan."sabi ko sa kanya. Kanina ko pa siya pinapatayo dahil nagpapasama ako sa kanya sa grocery.

"Ate, ang aga mo naman kasi maggrocery! Kung kelan weekend pa! Dapat talaga maghanap ka na ng girlfriend eh. Para hindi ako binubulabog mo!"sabi niya sabay tumayo din naman siya at pumasok sa cr habang nakaupo ako sa kama niya.

"Sabi ko naman kasi sayo sagutin mo na si Ate Coelli! Ang tagal-tagal na nung nanliligaw sayo."sabi niya.

"Hindi naman nga ako pumayag na manligaw siya di ba?"

"Susko bago palang ata siya sa office ni Dad nililigawan ka na nun, hindi mo pa rin ba siya pinapatigil."

"Matagal ko nang sinabi no. Siya ang ayaw magpapigil. Pero medyo huminto na rin naman siya."

"Eh bakit tumigil ba talaga siya? Isa pa ate, wala ka pa rin bang nararamdaman para sa kanya?"sabi ni Bea.

"Bea, alam mo naman yung pinagdaanan ko sa ex ko di ba? Kaya ayokong minamadali yang mga ganyan. Isa pa, okay naman si Coelli. Sweet naman siya, mabait naman siya, pero kasi..."

"Kasi?"

"Walang spark. Walang magic. Walang kilig."sabi ko sa kanya. I like her as a friend. But I guess hanggang dun na lang.

"Baka naman may iba ka lang talagang gusto ate. Si condomate ba yan?"pang-aasar niya. Palagi ko kasing kinukwento si Agnes sa kanya. Eh kasi naman, si Agnes naman ang madalas ko kasama and marami naman talaga akong experiences kasama siya. And I guess, crush ko rin naman talaga si Agnes. Happy crush nga daw namin ang isa't isa according sa mga kaibigan naming pasaway na may dahilan kung bakit umamin sa 'kin si Agnes about it last month.

"Unang-una, hindi naman ako gusto nun. Pangalawa, best friends lang talaga kami."

"Wow sa bestfriends. Narinig ko na yan ate."

"Ewan ko sa'yo Bernadette. Bilisan mo na dyan! Mamaya marami ng tao sa grocery."sabi ko sa kanya. Nag-ayos lang siya tapos bumaba na rin kami. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nung nakita ko si Agnes.

"Anong ginagawa mo dito?"sabi ko sa kanya. She just smiled at me tapos nag-abot siya sa 'kin ng paper bag na may lamang coffee.

"Uh... I wanted to surprise you. Gusto sana kita ayaing lumabas today."sabi ni Agnes.

"Naku sorry, but I already have plans. Grocery day kasi namin today eh."

"Uh... gusto mo ako na lang sumama sa'yo?"sabi ni Agnes.

"Yan! Good idea yan! Ikaw na lang sumama kay Ate Tricia. Thank you Ate Agnes! Love you! Ingat kayong dalawa!"sabi ni Bea habang tinutulak niya ako palabas at sinaraduhan ng pinto. Sira ulo talaga 'to. Ngumiti lang si Agnes.

"Well, mukhang wala naman na akong choice."sabi ko sa kanya. Naglakad na kami papunta sa kotse niya. Pinagbukas niya ako ng pinto. Habang nasa sasakyan niya kami, nagulat ako na pinakikinggan niya yung sinuggest ko sa kanyang mga kanta.

Habang andun kami sa grocery, I tried to suppress a smile. I was looking at Agnes. She was just quiet and she was just pushing the cart and looking up and down the aisle. Para siyang bata na sumusunod sa mommy niya. She was just watching me tapos inaayos niya pa yung groceries dun sa cart. Cute. Para siyang batang naliligaw. Are you lost baby girl?

Nung natapos kami sa grocery at nilalagay niya na yung groceries sa kotse niya, dun ko na realize na sobrang bigat pala nun. Pero wala naman akong narinig na complaint galing kay Agnes. She was still smiling at me. Ngayon lang ata ako nakapag-grocery na tuwang-tuwa yung kasama ko.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon