- 34

268 5 3
                                    

PAT'S POV

"Labas tayo Coelli."aya ko sa kanya. Sobrang toxic lang talaga ng week na 'to. And super draining. Sa totoo lang hindi ko na rin maintindihan kung ano bang nangyayari.

"Aba himala, ako yata inaaya mo ngayon."

"Sige na."

"Saan tayo pupunta?"

"Ano lang, two bottles lang ganyan."sabi ko sa kanya.

"Two bottles? Okay ka lang ba?"tanong niya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung kwento ko. O kung willing nga ba akong magkwento. I just feel like I need a friend.

"Tsk. Ang daming tanong. Sasama ka ba o hindi?"sabi ko sa kanya.

"Sige sasama ako."sabi niya. Umalis na kami at nagpunta dun sa resto bar malapit sa office. Habang umiinom kami, biglang nagsalita si Coelli.

"So, anong problema mo?"

"Hiwalay na kami ni Agnes."

"Ha? Bakit?"

"Kailangan lang daw niya ng space. Kailangan lang daw niya ng time para makapagisip-isip para sa sarili niya." I scoffed. "Ewan ko. Soul searching 'ata."

"Ha? Di ko naiintindihan. Bakit?"

"I guess she's tired... of... me."

"How can she get tired of you? Aba kung ayaw niya na sa'yo, akin ka na lang."

"Gago."

"De seryoso Pat. Matagal ko naman na sinabi sayo na gusto kita di ba?"

"Alam mo dapat yata hindi ikaw sinama ko dito eh. Dapat si Alex na lang."

"Chill! Susko. Pero ano ka ba naman, nagpapaka-totoo lang. Kung ayaw na sayo ni Agnes willing naman akong angkinin ka na lang eh."

"As if naman magpapa-angkin ako sayo?"

"Aray naman."

"Coelli, mahal ko pa rin si Agnes. Oo naghiwalay kami, pero di naman ibig sabihin nun automatic na hindi ko na siya mahal dahil lang nagbreak kami."

"Eh bakit hindi ka na lang makipagbalikan sa kanya? Mahal mo pa pala eh. Eh di work things out. Makipagbalikan ka!"

"Paano ko gagawin yun? Gusto ko naman gawin yun pero di ba kaya nga siya nanghihingi ng space kasi kailangan niya mag-isip tapos I'll be all up on her face, eh di ganon din yun! Anong maiisip niya nun? Baka lalo lang kaming lumala kapag pinilit ko agad yung agenda ko sa kanya."

"Eh di anong plano mo? Ganto lang? Maglalasing ka lang? Inom ka lang, pero wala kang gagawin?"

"Di ko alam Coelli."sabi ko sabay uminom ako. "Alam mo kung san ako mas nasaktan? After we broke up, she didn't do anything. Hindi ba ako worth it habulin? Hindi ba ako worth it ipaglaban? I mean, sure it's my fault pero bakit parang hindi naman niya ako hinahabol? Bakit parang okay lang sa kanyang maghiwalay na kami?"

"Pat, baka naman nga nag-iisip lang talaga yung tao. Baka she just needs time, she just needs space gaya ng sabi niya. Baka gusto lang muna niyang magisip-isip ng konti not necessarily ayaw niya na sa'yo, pero nagiisip lang siya, ganon."

"Anong pinagiisipan niya? Kung mahal niya pa ako o kung babalikan niya ako?"

"Probably kung babalikan ka nya. Pat, do you think Agnes doesn't love you anymore?

"Hindi." I replied quietly. Alam ko namang mahal pa rin ako ni Agnes. Di naman siguro niya ako basta basta na lang bibitawan di ba?

"O yun naman pala eh. Kung confident ka naman na mahal ka pa rin niya then maybe she's just... thinking things through. Ano bang sinabi niya sa'yo? Bakit ba siya nakipaghiwalay?"

"Nakipaghiwalay siya kasi pagod na siya. Ang tanga ko rin naman kasi talaga Coelli, sa totoo lang. And maybe tama siya."

"Tama siyang ano?"

"Na she's tired. And maybe it's true. Baka nakakapagod nga ako mahalin."

"Di pa naman ako napapagod na mahalin ka so di ko alam eh."

"Sira."

Tumahimik kaming dalawa at uminom lang ulit. Minsan iniisip ko saan ba talaga kami nagkamali. Saan nga ba talaga ako nagkulang? O baka alam ko rin naman yung sagot but I'm just too proud to admit it.

"May naisip ako."

"Anong naisip mo?"

"Gusto mo habulin ka niya?"

"Di ko naman gustong habulin niya 'ko. Gusto ko lang na ayusin namin yung sa 'min. And of course syempre gusto kong makipagbalikan sa kanya. Why not?"

"Bakit di mo kaya sabihin sa kanya na tayo na?"

"Sira ulo ka ba?! Paano ako babalikan nung tao kung malalaman niyang may iba na akong girlfriend?"

"Alam mo Pat, kung mahal ka niya talaga, pag nalaman niyang may bago ka ng girlfriend, magla-last attempt siya para bawiin ka. Hahabulin ka niya. Babawiin ka niya."

"Hindi ganon si Agnes. Agnes is a kind person, she would never try to break off a relationship." I said quietly. I know Agnes would never try to do that. Masyadong malaki ang respect ni Agnes with commitment. Hindi siya gagawa ng kahit anong action na makakasira ng iba. Or maybe I'm not sure as well. After all, wala naman siya pang nagiging ibang girlfriend bukod sa 'kin.

"She wouldn't try to break off the relationship, pero shouldn't she at least try to win you back? Even if alam niyang taken ka na. Di ba dapat ganon naman?" I drank. Would Agnes even consider that?

"Ayoko pa rin. Masasaktan si Agnes."

"Pat, maybe she needs to get hurt to realize what she's lost. Maybe she should get hurt para marealize niya na she needs to do something. Na hindi pwedeng she would just settle for a goodbye."

"I don't know Coelli."

"Alam mo uminom ka pa. Baka sakaling mahanap mo yung sagot kung papayag ka na."sabi niya. Sa totoo lang medyo nahihilo na nga ako and I don't even know if I am still thinking straight.

"What if it doesn't work?"

"O eh di at least may girlfriend ka ng bago!"

"Sira!"

"Win-win situation na yun Pat."

"Win-win kanino? Sa'yo?" I scoffed.

"Grabe ka naman."sabi niya then we both went quiet. We both looked dun sa stage kasi may nagpeperform na duo.

"If it doesn't work, eh di... maybe it's time na... you replace Agnes. Maybe it's time you find someone na mas mahal ka."

Nahihilo na talaga ako. Ano bang isasagot ko dito?

"Mahal naman ako ni Agnes."

"Eh bakit ka nga niya iniwan?"

Bakit nga ba?

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon