- 10

537 17 5
                                    

AGNES'S POV

Tinatapos ko pa yung isa sa mga websites para dun sa client ko nung narinig kong tumunog yung doorbell. Dumating na 'ata si Jam. Sana may dala siyang pagkain kasi nagugutom na talaga ako.

"Wait lang Jam. Andyan na."sabi ko sa kanya. "Sakto dating mo kanina pa ako nagugutom. Ang tagal mo --"

Nagulat ako nung binuksan ko yung pinto.

"Pupunta si Jam?"sabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapagsalita. Tumango lang ako.

"Pwede bang pumasok?"sabi niya. Tapos ngumiti siya. Gahd. That smile. Kelan ba ako hindi rurupok sa ganyang ngiti?

"Pasok. Pasok."sabi ko sa kanya tapos binukas ko nang malaki yung pinto.

"Hindi ka pa kumakain?"nag-aalalang tanong niya. Napakamot na lang ako ng ulo. I didn't want her to worry, but then again, di ko naman alam na dadating siya.

"Medyo caught up lang with work eh."sabi ko sa kanya.

"Ganon ba? Resume your work na. Ipagluluto na lang kita ng dinner."sabi niya tapos maglalakad na sana siya sa kusina nung pinigilan ko siya.

"Wait."sabi ko sa kanya. "Not that I'm complaining, pero, why are you here?"

"Di ba you wanted a day? Andito na ako."sabi niya. I frowned. Lugi naman ako. Iilang oras na lang matatapos na yung araw.

"O, why are you frowning?"sabi niya.

"Eh kasi andaya mo. Late na. Eh di iilang oras na la--"

Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap. Parang nakalimutan ko bigla lahat ng sasabihin ko. Bakit parang tumigil na yung mundo?

"Ang cute mo pa rin. I missed you."sabi niya. I hugged her.

"I missed you too." Bumitaw din siya sa 'kin.

"Don't worry. Bukas pa magsisimula yung 24 hours mo. Isipin mo na lang na, bonus hours yung ngayon." I smiled.

"Can we..."

"What?"

"Can we start pretending today?"sabi ko sa kanya. Natawa naman siya.

"Fine."sagot niya.

"Recharge?"sabi ko sa kanya tapos binuksan ko yung braso ko. Yumakap naman siya ulit. I needed this. I needed to recharge. Hindi ko alam kung anong mangyayari after nito, but tonight, I am happy. I kissed her on her forehead at naramdaman kong hinigpitan niya yung yakap niya sa 'kin. Sana hindi na matapos tong gabing 'to.

"Better?"tanong niya sa 'kin. Tumango ako. Bumitaw na rin siya.

"Agnes, go back to work na. I'll just cook dinner for you."sabi niya. Hindi ko alam pero gusto ko lang tumayo dun at tingnan siya. Hindi naman siguro ako nananaginip di ba? Ayokong mawala sa paningin ko si Pat. I feel like if I do, she'd be gone again.

"Huy. Go back to work. Sige ka. Pag di mo natapos yan, sayang lang bonus hours mo."sabi niya tapos marahan niya akong tinulak pabalik sa work area ko.

"I'm not going anywhere."sabi niya. I smiled. Hanggang ngayon, andun pa rin yung connection namin. That feeling of not having to speak, and yet, nagkakaintindihan na kami.

"I'll use your apron ha."sabi niya tapos nagpunta na siya sa kusina. Tama naman siya, na I need to finish my work para magkaron na ako ng oras para sa kanya.

Kaso no matter how hard I tried to focus, hindi ko 'ata alam anong gagawin ko. Maya maya naaamoy ko na yung niluluto ni Pat. Namiss ko 'to. Mukhang naga-agree din naman yung tiyan ko na masarap niluluto ni Pat kasi narinig ko siyang tumunog. Niligpit ko na yung mga gamit ko at nagpunta na rin ako ng kusina. Niyakap ko ulit si Pat galing sa likod. This is something that I missed: the calm, the peace, the serenity.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon