- 32

303 6 2
                                    

AGNES'S POV

Nagtotono ako ng bass nung pumasok si Pat. She was smiling at hindi ko naiwasang sundan siya ng tingin. May dala siyang coffee para sa band, and I'm silently hoping na sana iabot niya sa 'min yung isa-isa. Pero hindi niya yun ginawa.

"Guys, I have coffee. Kunin niyo na lang dito sa table ha."sabi niya tapos inayos na rin niya yung piano niya.

Sa totoo lang, I know she had been avoiding me since pinakilala niya si Coelli. Hindi ko pa rin nga naiintindihan. But whenever I would remember that moment, nararamdaman kong bumibigat ang katawan ko. Like there's a stabbing pain in my chest that I can't even explain. I thought I had stopped looking at Pat, but I realized I wasn't when she finally looked at me. Napaiwas na lang ako ng tingin. I didn't know how to respond to her stares. I don't even want to look at her eyes and see how happy they appear.

But today, I am letting them all know of my decision. Napag-isipan ko 'to kagabi when I realized na Pat has moved on. Ang daya. How can she move on that easily? How can she forget all those years that we were together? How did she unlove me in an instant?

Nag-run kami ng isang run dun sa kanta. Sobrang out of focus ako kaya ang dami kong naging mali. Humingi na ng timeout si Jam. Uminom lang din ako ng tubig and I stared out of the studio. I'm not even sure how to tell them. I'm not sure kung paano magre-react si Pat. But what I know is that I am suffocating and drowning from all my thoughts. Masyado pang fresh sa 'kin ang lahat. I glanced at Pat. She was happily talking to Keifer. How did you heal so fast love? Bakit parang ako lang yung stuck? Bakit parang ako lang ang nasaktan? I took a deep breath. I guess, it's time. Sorry Pat, pero mahal pa rin kita. At hindi ko pa kayang kalimutan ka. Hindi pa rin ako handang makitang masaya ka na. Sorry love.

"Guys."sabi ko. Tumigil naman silang lahat sa ginagawa nila. I saw Pat looked at my direction but it feels as if I'm not there.

"I... may kailangan akong sabihin."sabi ko. They all look puzzled. Kahit si Jam, cause I never told her my plans. Hell, I didn't even think about it until just this early morning when I didn't get enough sleep and I had nothing but thoughts in my head.

"Ano yun?"sabi ni Miguel.

"I.. I have decided to leave the band."

There was this long awkward silence hanggang sa finally nagsalita si Pat.

"Agnes.."

"Guys. I did some thinking the other day."sabi ko sa kanila. "I... I want to start my own business sa web design. And I can't do two things simultaneously. Isa pa, I want to take my shot and get into the scoring industry. Yun naman talaga ang dahilan bakit ako pumunta ng Manila."

"If this is about Pat --"sabi ni Jam.

"No."putol ko sa kanya. It is. But she didn't need to know. Ayokong ipasa nila kay Pat yung guilt of why I am leaving. I am doing this for myself after all. I looked at Jam. At alam kong nakuha niya na yung message. Alam kong naiintindihan niya na ako. Her expression told me everything. Yung inis sa mukha niya is unmistakable.

"I'm sorry fam. But I know you'd still do great. Susuportahan ko pa rin naman kayo. I'd even build a website for you guys."

"Pero kasi Agnes, sino na ang tutugtog ng bass kung aalis ka?"

"Andyan naman si Andrew. Andrew can play the bass. Mas magaling pa nga siya sa 'kin."

"Agnes..." I waved my hand at Andrew to stop him.

"Guys, for me? Please?" Nagtinginan lang sila pero wala sa kanilang nagsasalita. Hindi ko alam kung anong iniisip nila but all I know is that paglabas ko sa studio na 'to, marami akong maririnig galing kay Jam.

"Kapag.."sabi ni Toni kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Kapag kailangan mo ng photographer para sa mga websites mo, tawagan mo ako ah." I smiled.

"Oo naman."

"Kapag kailangan mo ng music, pwede rin kaming tumulong."sabi ni Migs. Tumango rin silang lahat.

"Balik ka lang dito sa studio. Anytime."sabi ni Migs.

"Sana all binabalikan 'no?"sabi ni Andrew. "Ay sorry. Sorry. Too early."sabi niya. I smiled.

Mamimiss ko sila. But I need to be selfish for now. Hindi ako handang makitang masaya si Pat. Pero hindi ko rin kayang makita siyang nalulungkot. Kaya sa ngayon, ako na lang muna ang iiwas. I need time to run away from all of these first.

"Andito kami para sa'yo Agnes."sabi ni Pao. "Kapag handa ka na, andito kami para balikan mo." Lumapit si Pao at niyakap ako. Niyakap ko rin siya. Naramdaman kong tumulo yung luha ko sa balikat niya. Maya maya lumapit na rin yung iba at yumakap. Mamimiss ko sila. Napansin ni Pao na hindi lumapit at yumakap si Pat at si Jam.

"O kayong dalawa?"

"Ang arte niyo."sabi ni Jam. "Magkikita pa rin naman tayo."sabi niya pero tumayo siya at lumapit, pero imbis na yumakap sa 'min, binatukan niya ako.

"Mamaya ka sa 'kin Reoma."pagbabanta ni Jam. Niyakap ko siya. Mamaya Jam. Kailangan kita mamaya.

Nagulat ako nung lumapit sa 'min si Pat, at nagulat ako nung yumakap siya. Pakiramdam ko huminto na yung oras. Parang lahat ng bigat na dinadala ko nawala na. Ito. Ito lang ang kailangan ko. Sa lahat ng gulo ngayon, sa yakap pa rin ni Pat ako bumabalik.

"You don't have to do this."bulong niya sa 'kin.

"Sorry."bulong ko sa kanya. Sorry kasi mahal pa rin kita kahit na alam kong may mahal ka nang iba. Sorry kasi hindi ko pa kayang makasama ka. Sorry love. I'm sorry.

Bumitaw na si Pat pagkatapos kong sabihin yun. Nagrequest sila Pao kung pwede ba kaming magrecord lang ng isa pang kanta kasama ako para sa huling beses naming siyam. Tumango naman ako at tumugtog na.

Habang tumutugtog kami, tumingin ako kay Pat. I wanted to stay. I really do. I wanted to be with the band and continue playing with them. Kasi ito, sila, sila na ang pamilya ko. But when I would look at Pat, I would remember that day na sinama niya si Coelli dito. I would keep on remembering how it was too easy for her na itapon na lang ako. Kaya ito, ito na yun. I'm sorry Pat. Paalam.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon