PAT'S POV
It's been almost 5 months since we formed the band and ngayon nasa stage na kami at nagsa-soundcheck. Pero habang nasa stage kami, napansin ko yung isang babae sa audience na nakatitig sa stage. Sinundan ko ng tingin kung kanino siya nakatitig at nakita ko na kay Agnes pala. Mukhang hindi napapansin ni Agnes si ate kasi busy siya sa pagtotono. Grabe ka naman makatitig ateng. Baka matunaw si Agnes nyan. Paglingon ko kay Agnes, nakita ko na nakatingin lang din si Agnes sa kanya. Aba. Sige Maristella, mapakipagtitigan ka pa.
"Huy Patty! PAT!"
"Ha? Ano yun?"sabi ko kay Pao.
"Ano bang tinitingnan mo dyan?"sabi ni Pao tapos tumingin din siya sa direction na tinitingnan ko.
"Si Agnes no?"sabi ni Pao.
"Uy hindi! Bakit ko naman siya titingnan?"
"Eh bakit ka namumula? Crush mo si Agnes 'no?"sabi ni Pao. Aba at nang-asar pa nga.
"Ewan ko sa'yo Pao. Wala naman akong tinitingnan."
Natapos na kami tumugtog. Grabe ang sarap talaga sa feeling ng tumutugtog. Ibang klase yung energy, yung adrenaline, yung feeling, at lalo na yung reaction ng crowd. Ang sarap maging musician, especially sa ganitong moments na sobra silang engaged sa music namin.
"Uy guys dinner ha."sabi ni Migs. Tumango naman kami. Si Agnes naman at si Jam nagkukulitan pa rin. Habang umiinom si Agnes nakita ko na lumapit yung babaeng kanina pa nakatingin sa kanya.
"Maristella."
"Okay, here we go."bulong ni Jam. Napatingin tuloy ako sa kanilang dalawa ni Agnes.
"Hey. Alam mo, I would hug you but I'm sweaty."sabi ni Agnes. Ah ganon Agnes? Sino ba kasi 'to?
"Anong oras ka dumating? Sana nagsabi ka sa 'kin para ako na sumundo sa'yo sa airport."sabi ni Agnes. So magkakilala pala sila. Kaya naman pala ganon na lang yung tingin niya kay Agnes.
"If you checked your messages, malalaman mo kung anong oras ako dumating."sabi sa kanya nung babae. Girlfriend ba 'to ni Agnes? Or ex?
"You messaged me?" Nagtatakang sagot ni Agnes tapos nakaturo siya sa sarili niya.
"I've been messaging you all day."
"Ah.. kasi... ano..."
"Where's your phone Agnes?"
"Right, phone. Andun. Andun yung phone ko."sabi ni Agnes tapos parang natataranta niyang tinuro yung bag niya. I've never seen Agnes look so guilty and worried. Para siyang bata na sinesermonan ng nanay niya. Sino ba kasi 'to?
"Let me get it."sabi ni Agnes pero maglalakad palang siya nung nagsalita na ulit yung babae.
"Agnes." Bigla naman siyang huminto. "Get changed and then let's talk."sabi niya at inabot niya yung panyo niya kay Agnes. Kinuha naman ni Agnes at nagpunas siya ng pawis.
"Ano... kasi... may dinner kasi kami."sabi ni Agnes.
"And?" Tinaasan lang niya ng kilay si Agnes. I looked at Agnes. Mukha talaga siyang batang pinapagalitan ng nanay niya. Bakit ganyan itsura niya?
"And... sabi ko nga, susunod na lang ako." Wait. What? Akala ko sasama siya sa dinner?
"Una na kayo fam. Susunod na lang ako."sabi ni Agnes.
"Sige, kung makakasunod ka pa."sabi ni Jam tapos nag-peace sign siya dun sa babaeng kasama ni Agnes.
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maalis yung tingin ko sa kanilang dalawa. Nalilito pa rin ako kung anong nangyari. Bakit biglang ganon yung reaction ni Agnes?
BINABASA MO ANG
The Inverse
FanfictionA Patricia Lasaten x Agnes Reoma AU. in·verse /ˈinvərs,inˈvərs/ noun: the reverse of something else. Magsimula tayo sa wakas.