- 25

289 6 0
                                    

AGNES'S POV

I just got out from the airport and the moment na inalis ko na yung airplane mode ng phone ko, pumasok na agad yung messages ni Jam kung saan ko sila tatagpuin. Nakikita ko palang yung signage nung biglang may yumakap sa 'kin.

"Agnes! Welcome home!"

"Thank you! Grabe namiss ko kayo."sabi ko sa kanya.

"Wait. Andun si Jam at si Toni sa parking. Tara."

"Buti pala wala kang pasok today?"

"Oo nga eh. Pati, sabi rin ni Papa sunduin kita. Grabe! Napanuod ko na yung ginawa niyo. Pinadala nung producer kay Papa. Sobrang proud ate moment ako!"sabi ni Karelle. Napangiti na lang ako.

Bukod sa movie project dun, nasimulan ko na rin yung plano kong web design business. Dahil sa mga connection nung nakatrabaho kong producer, may mga pinakilala rin siya sa 'king mga business owners na naging client ko rin. Kaya nga the whole experience was fulfilling.

"Agnes! Welcome home buddy!"sabi ni Toni sabay yumakap siya sa 'kin at yumakap din si Jam. Grabe namiss ko rin sila. Hindi ko na sila masyadong nakausap kasi nga busy ako at alam kong busy sila sa album. Kahit nasa ibang bansa ako, sinusundan ko pa rin lahat ng balita tungkol sa kanila.

"Akala ko uuwi ka na ditong may kasama eh."sabi ni Jam habang nasa byahe kami pauwi.

"Sira. Sabi ko naman sa'yo trabaho sinadya ko dun."

"Ang sabihin mo, naiwan mo kasi yung puso mo dito. Grabe 'no? First love never dies talaga."sabi ni Karelle. Napakamot na lang ako sa ulo.

"Kakabalik ko lang ah. Sinisimulan niyo nanaman ako."sabi ko sa kanila. Natawa lang din sila. Pagdating ko ng condo, nag-ayos lang ako ng gamit tapos inaya ko na rin si Jam na magdinner. Makabawi man lang ako sa kanya. Nagpunta kami sa isang restobar malapit sa bahay nila. Medyo nanibago nga ako dahil sa tagal kong hindi nagdrive, feeling ko hindi na ako marunong.

"Cheers."sabi ni Jam. " I just remembered, pero nasaan na nga pala si Zapdos?"sabi ni Jam.

"Nasa Laguna. Nasa bahay nila Pat. Bakit mo hinahanap?"

"Ah... so si Pat pala nanalo sa custody niya."sabi ni Jam.  Natawa ako. I do miss Zapdos, but mas maalagaan siya sa bahay nila Pat than with me.

"After we broke up, dinala ko sa bahay nila si Zapdos."

"I thought di na kayo nagkita after you broke up?"

"We didn't. Iniwan ko lang si Zapdos sa kanila while Pat's at work. I thought she would be home pero pumasok pala siya."sabi ko tapos sabay kaming uminom.

"Jam... ano..."

"Okay naman si Pat, kung yan itatanong mo. Mukhang masaya naman siya."sabi niya.

"Eh di buti naman. At least happy siya. Yun lang naman ang gusto ko."

"Wow. Kelan ka pa naging martir?"sabi niya. Natawa na lang tuloy ako.

"Pero Jam."

"O?"

"Pwede bang... pwede mo bang sabihin kay Pat na magkita naman kami?"

"Luh. Ba't di ikaw mag-aya? Bakit ako pa?"

"Wala akong number niya. Pati ayokong malaman ni Coelli."

"Hoy Maristella. Hindi kita pinalaki para mang-agaw ng iba ah."sabi niya.

"Kalma ka lang. Kakausapin ko lang. Tingin ko, panahon na para magkaron kami ng closure."

"Closure? Closure mo mukha mo. Matagal na kayong may closure. Ang sabihin mo, maghahabol ka lang."

"Jam, hindi naman siguro masamang humingi ng closure di ba? Jam... I... I saw that she's happy and ayoko na yun guluhin. I did some thinking nung nasa Thailand ako and I realized na I just want to settle things between us so that I can move forward. To finally close that chapter between us. Or if... by some form of miracle, magbago pa isip niya at least she knows that I would still be here."

"At paano si Coelli, Agnes? Paano naman siya? Agnes, marupok si Pat. God knows baka isang kiss mo lang dun balikan ka na."

"Sira ulo."

"De seryoso Agnes. Pat has always been soft pagdating sa'yo. Now I don't know how much she loves Coelli, pero what if ikaw nga yung piliin niya? Paano si Coelli? Naisip mo ba yun?"

"Jam, ayoko naman sirain yung relationship nila eh. Pero gusto ko lang sabihin kay Pat na mahal ko pa rin siya... and yes..."dagdag ko dahil kita ko sa mukha ni Jam na sasagot na siya sa 'kin. "...yes, I am not expecting anything in return. I know she thinks that I stopped chasing after her a long time ago. Pero hindi naman ako tumigil na mahalin siya. Ayoko lang pagsisihan na hindi ko sinabi yung totoo sa kanya. I'll just let her know for my own sake and then hahayaan ko naman na siya. If she's happy now with Coelli, I'll also be happy. I just want "

"Bahala ka Agnes. All I'm saying is, gulo yan. Kung magkakalat ka, matuto ka rin maglinis nyan. But be careful, what you want to do is swimming in dangerous waters."

"I know Jam. I will be."

Nagulat ako nung nakareceive ako ng message sa phone ko. Paano niya nakuha number ko?

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon