- 40

385 10 0
                                    

AGNES'S POV

Nagdidinner kami nung napagusapan namin nila Migs yung nagpropose kanina habang tinutugtog namin yung Araw-Araw.

"Basta. Gusto ko pag kinasal ako, kayo ang tutugtog sa kasal ko except kay Pat."sabi ko sa kanila.

"Grabe ka naman. Bakit naman ayaw mo 'kong patugtugin?"

"Syempre..."

"Anong syempre?"

"Syempre, kanino ba ako ikakasal?"tanong ko sa kanya. Halatang nagulat si Pat kaya namula siya.

"Smooth."sabi ni Andrew. Natawa lang tuloy silang lahat. Namumula pa rin si Pat kaya di ko naiwasang mapangiti.

"Hindi pa nga sinasagot nagpaplano ka na ng kasal."sabi niya sa 'kin. Hindi ako sumagot at hinawakan ko lang yung dibdib ko para sabihing nasaktan ako.

"Pero narinig niyo yun ah. Hindi 'pa' niya ako sinasagot."sabi ko. Tiningnan lang ako ng masama ni Pat kaya natawa na lang ako. Hindi nga pala ako nanliligaw sa kanya. Ayaw niya daw magpaasa and ayaw niya magpaligaw kasi hindi siya naniniwala dun. So I've decided to just do things for her in my own way.

Maya maya lang dumating na yung inorder naming pagkain. Kaya niready ko na lahat para sa kanya. Kinuha ko yung kalamansi at piniga ko para kay Pat. Halatang nagulat siya.

"Ako na. Sayang manicure mo, masyadong makapit sa kamay yung kalamansi."sagot ko sa kanya. Tumango na lang siya. Inabutan niya rin ako ng alcohol.

"Thank you."sabi ko sa kanya.

"Pero hindi nga Pat, kahit konti ba wala pang pag-asa tong manok namin? Live-in na nga kayo't lahat-lahat eh."biro nila Miguel.

"Uy guys. Stop na."sabi ko. Ayoko kasing itanong nila yan kay Pat. Ayoko na mapressure siya dahil sa mga kaibigan namin. "If it will happen, it will happen. Hindi naman ako nagmamadali."dagdag ko. Ngumiti lang sa 'kin si Pat.

●●●●

PAT'S POV

After ng dinner namin, nagbyahe na kami pabalik ng hotel. Nagbook kami ng hotel overnight para hindi na kami magbyahe muna pabalik ng Manila. Grabe pagod na pagod ako. Masaya yung gig but it was very tiring. Pagdating namin ng hotel, si Agnes pala yung kasama ko. Pagbukas namin ng pinto, nagulat ako na isa lang yung kama. Luh. Di pa naman ako sanay ng may katabi.

"You look worried."sabi ni Agnes.

"Eh... kasi..."sabi ko. Paano ko ba i-eexplain sa kanya na hindi ako sanay na may katabi?

"Don't worry. Dun na lang ako sa couch hihiga."

"Ah... eh... ako na lang sa couch. Pagod ka rin from the gig eh. You deserve to sleep sa bed."

"No it's okay, sanay naman ako kasi sa condo sa couch din ako minsan. And I don't want to argue anymore. Gusto ko na magpahinga. Ikaw na sa bed."sabi niya then ngumiti lang siya. Pumasok na rin siya ng cr at nauna na mag-ayos. After niya, nag-ayos na rin ako.

Pagkalabas ko ng cr, nakita ko na nakasandal si Agnes dun sa couch habang nakataas yung paa niya. She was just half-seated, half-lying down on that couch. Her shirt was overgrown na hindi mo na makita yung shorts na suot niya. She was browsing her phone nung bigla siyang tumingin sa 'kin and she gave me a toothless smile.

Ewan ko kung bakit pero I felt my heart stop. She was looking too soft and she looked too fragile. I suddenly felt the urge to just rush over and hug her. Okay self. What are you saying? Kalma lang tayo please. But Agnes looked so pure and gentle that I can't help but just look at her. And that smile... Gahd. Why is she smiling like that?

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon