PAT'S POV
"How are you feeling?"tanong ko kay Agnes. Kakagising niya lang and I didn't bother to wake her up from the couch last night.
"I feel better."sabi niya tapos nginitian niya lang ako at nag-ayos na rin siya. Gig day today and I'm not even sure kung kaya ba ni Agnes tumugtog but I can tell from her face that she is feeling way better than last night. Kapag naaalala ko yung kagabi, there's this weird feeling in my stomach. That was too close.
Kumain lang kami ni Agnes and nagready na para sa gig namin. We listened to our set list again habang nag-aantay ng oras. Susunduin na lang daw kaming dalawa sa condo so we made sure that everything is in order before we leave. I checked the stove kung naiwan ko bang bukas while Agnes checks the room kung may naiwan ba kaming nakasaksak. She also checked kung naiwan ba naming bukas yung gripo. Agnes then locked the door tapos tinulungan niya na rin akong dalhin yung mga gamit ko. Soon after dumating na rin yung van and we were greeted by our friends. Nireserve nila yung second row para sa 'min dahil kami yung 2nd to the last na susunduin.
Nasa holding area na kami bago yung gig namin. May nauna kasing band before us. Naupo ako sa tabi ni Agnes habang nasa kabilang side naman niya si Andrew. Busy silang dalawa na naglalaro. Si Jam naman nasa kabilang side at nagpapractice kasama si Toni. Gusto ko sanang sawayin si Agnes sa paglalaro niya dahil baka sumakit ulo niya. I remembered last night. Feeling ko biglang uminit mukha ko.
"Last gig na daw nila yan."sabi ni Migs.
"Bakit daw?"sabi ni Pao.
"Apparently yung vocalist nila at yung gitarista naghiwalay na daw. Kaya ayan. Nagdecide sila to disband."
"Sayang naman."sabi ni Pao.
"See, kaya sabi ko talaga sa sarili ko hindi ako magjojowa ng kabanda ko."sabi ko. Pagkasabi ko nun, nakita ko na dahan-dahang lumingon sa 'kin si Agnes while she frowned. Bakit siya nakasimangot? Then I just realized what I just said.
"Hala! No! No! That's not what I meant!"sabi ko habang hawak-hawak ko siya sa braso at pilit ko siyang hinaharap sa 'kin. Ayaw niya akong tingnan at nakatingin lang siya sa phone niya, but I can tell that she's stopping herself from smiling at napangiti rin tuloy ako. Nakakainis naman kasi tong si Agnes, kahit sumimangot siya ang cute niya pa rin.
"Ayon. Ekis ka pala Reoma eh."sabi ni Jam tapos natawa siya.
"Teka lang. Hindi. Let me explain!"
"Sige Patricia, magpaliwanag ka."sabi ni Toni.
"Hindi, kasi... ano... wait. Hindi kasi."sabi ko. Bigla namang humarap sa 'kin si Agnes kaya napatingin ako sa kanya. Nagtama yung mga mata namin kaya medyo naconscious ako. She's already smiling this time.
"So hindi? Hindi ako ekis?"sabi niya. I rolled my eyes. Napagtulungan nanaman ako. Pero bakit nga ba bigla akong naging defensive sa sinabi ko? Eh totoo namang ayoko ng kabanda ko. Pero...
"Ibig ba sabihin nyan, gusto mo na rin ako?"sabi ni Agnes habang nakangiti siyang nakatingin sa 'kin. I looked away. Bigla akong naconscious sa tingin niya. Gusto ko na nga ba siya? Parang ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Binaba ni Agnes yung phone niya.
"Gusto mo na ba ako Pat?"
But before I could even answer, tinawag na kami nung stage manager and cued for us to get on stage. Ayaw ni Agnes umakyat kasi she was still waiting for an answer coming from me.
Nagstart na rin kaming tumugtog. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko buong gabi, na-kay Agnes ang mga mata ko.
Naririnig ko yung mga tao na sumasabay sa pagkanta namin. Ito talaga yung isa sa pinakamasarap na feeling sa lahat. Nakakaoverwhelm yung feeling na kinakanta ng tao yung kantang sinulat mo. Tiningnan ko na yung mga tao. Some of them had their eyes closed. Some of them were smiling.
BINABASA MO ANG
The Inverse
FanfictionA Patricia Lasaten x Agnes Reoma AU. in·verse /ˈinvərs,inˈvərs/ noun: the reverse of something else. Magsimula tayo sa wakas.